Chapter 1

25.7K 629 24
                                    

Malayo ang tingin ni Maya habang bumibiyahe sa bus patungong Maynila. Tinignan nito ang hawak na papel na bigay sa kanya ng kanyang Tatay Ferdie bago ito pumanaw. Naalala nito ang tagpo na -pumanaw ang kanyang kamahal-mahalang Tatay Ferdie. 

"Patawarin mo ako, anak, kung hindi ko na makikita ang pagtatapos mo ng pag-aaral." sabi pa sa kanya ng kanyang tatay habang nakahiga sa kama nito at nag-aagaw buhay na. 

"Huwag kang magsalita ng ganyan, 'tay!" sagot naman ni Maya dito. Tinuro ni Ferdinand ang cabinet kung saan nakatago ang kanyang maliit na notebook. 

"Kunin mo ang notebook ko sa cabinet na yun." utos pa ni Ferdinand sa anak nito. Nalilitong namang sumunod si Maya at pinuntahan ang tinutukoy na cabinet ng ama upang kunin ang notebook nito. Pagbukas niya ng nasabing cabinet ay natagpuan nito ang notebook na tinutukoy nito. Kinuha nito ang nasabing notebook at lumapit sa ama. 

"Ito po." sabi ni Maya nang makalapit sa ama. 

"Kunin mo yung nakaipit na papel diyan." sabi naman ni Ferdinand. "Maari kang humingi ng tulong sa taong nakasulat diyan 'pag nawala na ako." patuloy pa nito. 

"Huwag ka pong magsalita ng ganyan." naiiyak na sagot ni Maya. 

"Mahal na mahal kita, anak, kahit ganyan ka." wika naman ni Ferdinand at tinutukoy ang pagiging bading nito. Tanggap ni Ferdinand at buong puso niyang sinusuportahan ito. Patuloy pa rin ang pagtangis ni Maya habang katabi ang ama. 

"Patawad anak at puro problema ang maiiwan ko sa'yo ngayong mawawala na ako sa mundong ito." patuloy pa ni Ferdinand. 

Nagkasakit sa bato si Ferdinand nang natigil ito sa pagtatrabaho sa isang cruise ship. Naubos ang naipong pera nito sa pagpapagamot. Natigil sa pag-aaral sa kolehiyo si Maya dahil kailangan niyang alagaan ang maysakit na ama at gamitin ang pera sa pagpapagamot nito. Naubos na ang kanilang ari-arian kasama na ang bahay na tinitirhan nila dahil naisanla na rin nila ito sa banko upang makakuha ng pera pampagamot sa sakit nito. 

"Maging matatag ka, anak." sabi pa ni Ferdinand sa tumatangis na anak. 

"Mahal kita." ang huling nasambit nito sa anak bago malagutan ng hininga. 

"'Tay?!" ang nasabi na lamang ni Maya nang makitang hindi na nagsasalita ang ama nito. "Tay!" sigaw pa nito at patuloy sa pag-iyak.

Pina-cremate agad ni Maya ang labi ng kanyang ama nang pumanaw ito dahil wala na silang kamag-anak na maaring bisitahin siya. Pagkatapos asikasuhin ang mga bagay bagay na naiwan ng ama ay napagdesisyunan nitong puntahan ang nasabing tao na nakasulat sa papel na binigay sa kanya. 

"Ricardo Buenavista." ang pangalang nakasulat sa papel at ang address ng building sa Makati. 

"Paano nakilala ni tatay si Mr. Buenavista?" tanong ni Maya sa kanyang sarili dahil kilala niya ito. 

Si Ricardo Buenavista ang sikat na may-ari ng mga kilalang mall sa buong Pilipinas. 

"Tutulungan kaya ako ng taong ito?" nangangamba pang tanong ni Maya sa kanyang sarili. Naglakas loob na rin siyang puntahan ito dahil wala na rin talaga siyang choice dahil halos paubos na rin ang perang natitira na ginamit sa pagpapagamot ng kanyang ama. Wala na rin siyang maaring takbuhan at hingan ng tulong dahil wala na nga silang mga kamag-anak na pwedeng puntahan at ang mga kaibigan nila noong nakakaluwang pa sila ay nawalang parang bula nang magkasakit ang ama nito. 

"Nakakalungkot isipin na may tao talagang kilala ka lamang kapag meron ka." malungkot na sabi ni Maya sa kanyang sarili.

Pagdating ng sinasakyang bus ni Maya sa terminal ay nagtungo agad ito sa address na nakasulat sa papel na hawak niya upang puntahan si Ricardo Buenavista. Nahanap naman niya agad ang gusaling tinutukoy sa papel at nakapunta sa opisina nito. 

Stuck with Mr SnobbishWhere stories live. Discover now