Lumingon naman sya sa akin. "Audition palang sa MOA next, next week. Tapos eliminations the week after that's why we need to prepare. Kahapon lang namin nalaman ang tungkol sa competition na 'to that's why we need to double time." pag-eexplain nya.

Tumango-tango naman ako't sinisigurado kong by this time ay pupunta na ako sa competition nya.

"Wait, anak." ani Tita Sandra na para bang hindi sya nalinawan sa sagot ni Vini. "Global dance competition? You mean, it's not just going to be nationwide but worldwide."

"Yes, mom." sagot ni Vini na buong-buo ang loob na sumali sa isang pangbuong mundong kompetisyon. "One representative for Philippines, Singapore, Malaysia, South Korea, Thailand, China, Japan, Taiwan, Europe and US."

Biniling ko sa daliri ko ang lahat ng bansang kasali at alam kong hindi magiging madali ang competition na 'to.

Kung sakaling ang grupo man ni Vini ang lumahok sa competition na 'yan ay hindi lang basta ang El Dorado ang i-rerepresenta nila kundi ang bansang Pilipinas.

Alam ko sa sarili kong hindi madali ang mga magiging kalaban nila lalo na ang galing sa South Korea, Japan at US dahil bihasa na sila sa larangang ganito.

"But our goal as of this time is to be the representative of the Philippines. Saka na ang maging champion." pagpapatuloy ni Vini.

Kitang-kita ko kay Vini ang determinasyon na matupad ang pangarap nya at ng kanyang grupo.

Gagawin ko ang lahat para masuportahan sya. This time, I'll always be in his side. Hinding-hindi ko sya iiwan.

"Vini, does your father know anything about this?" problemadong sabi ni Tita Sandra.

Agad namang napuno ng tanong ang aking utak tungkol sa tanong ni Tita Sandra.

Napatigil naman si Vini't huminga ng malalim saka umiling. "But I'll talk to him, mom." pahabol nya bago pa makapagsalita si Tita Sandra.

"You should've consult your dad first before entering this competition, Vini." mahinahong pangaral ni Tita Sandra. "Alam mo namang hindi buo ang loob ng daddy mo sa pagsasayaw mo. I think you tell him later. After dinner."

Kinagat naman ni Vini ang kanyang ibabang labi kaya umiwas agad ako ng tingin at napalunok nalang.

"But I wont be home 'til bedtime..." nag-aalangang sabi nito.

Napahinga naman ng malalim si Tita. "Susubukan kong sabihin sa daddy mo but you have to tell him all the details."

"Mom, I know you can convince Dad. You always do." sabi ni Vini kay Tita na para bang nagmamakaawa syang saluhin sya ni Tita Sandra upang mapapayag si Tito Sean.

"Yun na nga, Vini. I always do and nag-away na kami ng daddy mo the last time na sumali ka sa Pop Dance. I told him that that's your last competition dahil kailangan mo ng magfocus sa pag-aaral mo." pagpapaliwanag ni Tita.

"But please, mom.. You'll try for me right?" ngumiti si Vini sa kanyang mommy.

Napabuntong hininga naman si Tita't gaya ko ay hindi nya rin kayang suwayin ang ngiti ni Vini.

Alam mo yung kahit anong hilingin nya sayo na kahit ayaw mo namang gawin ay mapapasunod ka nalang dahil ngingitian ka nya?

"I will try." tipid na ngumiti si Tita Sandra.

Lumiwanag kaagad ang mukha ni Vini't sumilay ang mas masayang pagngiti nya.

"Shall we continue now?" sabay lingon ni Tita kay Katrina.

"Yes, Ma'am. We shall." ngiti nya't nagsimula na kaming asikasuhin ang mga kailangang i-finalize para sa magiging debut ko.

Actually, wala naman akong maipabago dahil lahat ng nakasaad dito ay maganda't nasa tipo ko o hindi lang talaga ako makapagconcentrate dahil tingin ako ng tingin kay Vini na naka-ilang beses ng sulyap sa kanyang relos na para bang takot na takot syang ma-late ng kahit isang minuto sa practice nila.

Beautiful DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon