Chapter 46-Intramurals

Start from the beginning
                                    

"READY!" sigaw ulit ng ampire at nagsimula ng mag-pitch ang kalaban.

Unang bato palang ng kalaban ay agad na natamaan ni Abad. Rolling ball ang ginawa niya kaya agad siyang nakapunta sa first base dahil nahirapan ang kabilang team para habulin ang bola.


"Good! Good! Focus lang gusys! Kaya niyo yan! Focus! Focus!" Sigaw ni coach sa amin habang si Tuazon naman ay naka-pwesto na at handa na ding tamaan ang bola.

Patuloy din ang sigaw ng mga nanonood at kasali na doon sila Keith at Aprille.


Prrrrrrrrt!

Pito ng ampire at ibinato na ng kalaban ang bola.



Swerte na namang natamaan ni Tuazon.


Isa iyong flying ball at nasalo ng kalaban. Ngunit agad din niya itong nabitawan kaya naman nakatakbo parin si Tuazon sa first base. At si Abad ay nakarating na sa third base. At ang kasunod na niyon ay home base na.



Ng ako na ang may hawak ng bat ay nanlalamig ang kamay ko. Kailangan kong matamaan ng malakas ang bola para maka-home base si Abad at para maka-score na din kami.


"Socrates! Bat the ball! Bat the ball! I-sure ball mo na ng maka-score na tayo! Focus dear! FOCUS!" Halos lumabas na yata ang ngala-ngala ni coach sa kakasigaw sa akin kaya naman lalo lang akong kinabahan. Tssss!


Fvck! King ina naman oh!



Pumito na ang ampire at nag-pitch na ang kalaban.


"BALLS ONE!" sigaw ng ampire. Ibig sabihin non ay pabor sa amin dahil masyado itong mababa para matamaan ko.

Ng ibinato ulit ang bola ay swabe ko itong pinalo ng malakas gamit ang bat na hawak ko. At tumilapon ang bola ng pataas na malayo.


Kaya naman nagsigawan ang mga ka-team ko at mga nanunuod na nasa bleachers.


Ng pagtingin ko kay Abad ay nakarating na ito sa home base. Sumunod sakanya si Tuazon.


"HOME RUN! HOME RUN! HOME RUN! HOME RUN! HOME RUN!" Sigaw ng mga kasama ko pati na rin ang mga nanunuod.

At naka-home run nga ako.

Agad akong niyakap ng mga ka-team pati din si Coach ay tuwang-tuwa sa akin. Sa tuwa niya ay binigyan din niya ako ng mahigpit na yakap.


"You did it! Guys! Guys! Focus! Hindi pa tapos ang laro." Sigaw ulit ni coach sa mga naka-pila pang ka-team namin.


Naka-tatlong puntos na kami agad dahil sa bat ko kanina.



Sunud-sunod ang nagawa naming puntos. Kaya naman hindi na nakabawi ang kabilang team at kami ang idi-neclare na champion.


Tuwang-tuwa ang boyish na coach namin. At ina-ssure niya sa aming lahat na ipapasa kami sa klase niya.



Bigla ko tuloy namiss si Budah. Tomboy. Astig. Waaaaa! Nagiging abnormal na naman ako. Nami-miss ko na ang mga barkada ko.



Nakatanggap ako ng txt na galing kay Keith at sinabing kita-kita nalang daw kami mamayang gabi dahil kailangan daw namin manuod ng banda. May mga dayong estudyante daw kasi na tutugtog ngayon.



Tssss! Kahit sana ayaw ko ay wala na naman akong magawa kundi umo-o nalang.



"Oy! Sama ka sa amin. Nuod tayo ng basketball!" Yaya sa akin ni Richelle.



Ang syota kong abnormal [completed]Where stories live. Discover now