Sabay lang kaming grumaduate ng kapatid niya noong grade school?!
I was at the pilot section when I was in elementary, and most likely his brother was in a different section because I'm not familiar with him at all. Tiningnan ko muli si Lucas at ang uniporme niya na sa pagkakatanda ko ay galing sa isang private school malapit lang rin sa school namin.
Dali-dali ko namang kinuha ang phone ko para picturan iyon at ipasa kay Luc.
Me:
Hoy, ikaw ba 'to?! Ka-school mate ko iyong kapatid mo noong elementary?
Akala ko matatagalan siya mag-reply dahil baka may trabaho pero ilang minuto lang rin ay sumagot siya.
Lucas:
Whaaat? 😯
Wait, yes, that's me lol. You went to Rutherford Elementary School too? Um-attend ako niyan sa graduation ng kuya ko. I didn't know you were there. Small world!
Lalong kumunot ang noo ko. Kuya? Alam kung may kapatid si Luc noon pero hindi ko alam na older sa kanya. But how come na ka-batch namin siya when he's supposed to be ahead of us?
Me:
Ay malamang hindi mo alam, hindi mo naman ako kilala that time.
Pero bakit ka-batch natin iyong kuya mo? Huminto ba siya?
Lucas:
Hindi hahahaha! Ang hirap i-explain pero kasi even though one year older sa'kin iyong brother ko, same lang kami ng academic level. Honestly, siya lang talaga dapat ang ka-batch mo, at dapat mas ahead din kayo sa'kin ng isang year, but since I basically skipped kindergarten and went ahead to grade school, here I am.
Magkaiba lang kami ng school since it just felt really awkward to be with your sibling in the same school. Close naman kami ni kuya Lucien pero nagkakasawaan rin kami makita ang mukha ng isa't-isa 😂
Me:
Wdym? Mas matanda ako sayo?!
Ilang taon ko siyang nakikita dati sa school, bakit ngayon ko lang nalaman ito? Gano'n ba ako kawalang pakielam sa mga gano'ng detalye dati? I should have known about this, right? O baka na over-looked ko lang siya dati dahil...
Napakamot ako ng ulo.
Yes, of course, I'd over-look that. The old Sariel wouldn't care about that anyway.
Lucas:
Yep, ng isang taon :p
Me:
Hala ka.
Hindi na ako halos makapaniwala. So, mas matanda nga ako sa kanya? Nagpapaligaw ako sa mas bata sa'kin?
Sari, isang taon lang naman.
Pero mas matanda pa rin ako?
Isang taon nga lang!
MAS MATANDA PA RIN.
Me:
Kailan nga ulit ang birthday mo? Nakalimutan ko na.
Lucas:
Why? Did our age gap bother you that much? Isang taon lang iyon, Sari 😔
Napalabi naman ako. Bakit niya alam?
Pero teka, dapat simulan ko na ngayon na kilalanin pa si Lucas. Hindi pwede na ganito at nagugulat pa ako sa mga bagay na tungkol sa kanya. Samantalang siya, parang ang dami niya ng alam tungkol sa'kin!
Me:
Hindi, sira. Busy ka ba ngayon?
Let's play 20 questions! Mag-send ako sa'yo ng mga tanong tapos sagutin mo.
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 15 - Facts About You
Start from the beginning
