Tumaas lang nang bahagya ang kilay niya sa'kin. "Wala ka bang picture niya diyan? Patingin na lang ako para makilatis ko na."
I sighed and manipulate my phone to find some pictures of him online. Pinakita ko sa kanya iyong mismong profile ni Luc sa facebook.
"Anak, ang pogi naman pala nga! Artistahin ang itsura. At ano siya, piloto ba iyan?" Kinuha niya na sa kamay ko ang cellphone at halos idikit pa ito sa mukha niya. Tinanggal niya pa ang salamin sa mata.
"Mukha lang. Pero aeronautical engineer talaga siya ngayon, Ma. It was just his profile when he graduated from the aviation school two years ago."
Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa siya ulit nag papalit ng profile niya. Marami naman siyang magandang litrato sa IG niya na pwedeng ipalit, pero baka favorite niya ito? Sabagay, he looks good in that uniform too, like he's some kind of a fleet commander. Seryoso, matikas ang tindig, at...
I purse my lips.
Grabe talaga ang face card ng lalaking ito!
Kumunot naman ang noo niya. "Huh? Ano iyon? Pero engineer ba kamo ang sabi mo? Pasado na ba ito sa boards?"
Tumango ako. "Yes, last year lang po."
Binalik niya na sa'kin ang cellphone at tumingin sa'kin.
"Gusto mo ba siya?"
Napaisip naman ako. "Well, I'm trying to get to know him more. Ilang buwan ko pa lang kasi siyang nakakasama. At sa ngayon, gusto ko pa lang talaga siya bilang kaibigan," Tumingin ako sa mga daliri ko at bahagyang ngumiti. "Pero sa totoo lang Ma, hindi naman din siya mahirap gustuhin. Mabait po siya at disenteng lalaki. Natatakot lang ako na magkamali o magpadalos-dalos sa mga desisyon ko, kaya ngayon hinahayaan ko lang muna siya na manligaw sa'kin. Para na rin mas makilala niya muna ako, at kung ano iyong mga topak ko sa buhay."
Ano ba namang mawawala sa'min 'diba, kung sakali na mapapagod nga siya at mag hahanap ng iba kalaunan? Sure, we can't be friends anymore, but at least we both save ourselves from pending doom.
"Hanggang kailan mo ba balak na ligawan ka niya? Sa tingin mo ba, may pag asa nga talaga siya sa'yo?"
"Meron naman po. Nag aalala lang talaga ako na baka mag kasakitan lang kami kapag minadali namin ito parehas. Darating din naman po siguro iyong tamang oras para sa'min..."
Besides, it's clearly not the right me yet.
Kung mag mamahal man ako, gusto ko munang unahin ang sarili ko. Dahil hindi ako makakapag mahal ng tama, kung hindi ko alam kung paano maipapakita ng tama ang pag mamahal.
My mother heaved a sighed and she combed my hair using her fingers.
"Malaki ka na talaga," She whispered while looking at me with her kind eyes. "Ikaw ang bahala sa magiging desisyon mo. Pero kung ako ang tatanungin, ayos na iyan si Lucas. Gwapo na, tapos kamo mabait, at may maganda pang trabaho. Hindi ka na lugi, anak."
Umirap ulit ako, natatawa. "Ma!"
"But of course, I also want you to be happy. If you feel that your heart is happy with him, then don't make this any longer. Dahil hindi porke't na nandyan siya at iniintindi ka, nandyan lang siya palagi. Walang masama kung mag hihintay kayo sa tamang oras. Ang masama, ay iyong masanay ka at nakaligtaan mo na iyong oras,"
Kumunot nang kaunti ang noo ko pero hindi ako nag salita. Sinasabi niya ba sa'kin na hindi ko rin dapat ito patagalin? Na baka iyong kinatatakutan ko, ako lang din ang maging dahilan?
Ano nga bang gagawin ko kung mangyari nga iyon? Na sa kakaiwas ko na masaktan, ako iyong nakasakit.
"Wala sa tagal ng ligawan ang relasyon, Saysay. At makikilala mo lang din siya nang mabuti kung papasok na kayo sa isang relasyon. Believe me, I'd been there so I know..."
"Si Papa."
Tumawa naman siya. "Naku, hindi lang ang Papa mo 'no! Ang dami ko kayang naging nobyo noong college ako."
Nagulat ako. Ngayon niya lang nasabi sa'kin ito! Ang sabi niya kasi sa'kin dati, strict sina Lola kaya hindi siya nag b-boyfriend! May pagka pilya rin pala itong nanay ko.
"Gulat ka 'no? Maganda ang mama mo, anak. Ligawin ito." Nilagay niya pa ang likod ng palad sa baba niya. Ngumuso ako.
Hinila niya naman ako para yakapin nang mahigpit.
"Just don't miss the right timing, Sariel. Listen to your heart sometimes, because you will never know if it might take you to places where you can be the happiest version of yourself. If you think...that he's the right man for you, and that he's worth the risk, then don't think about it twice. Let yourself feel love... and be love."
Dahan-dahan akong tumango.
"Hay! Ano, kapag sinagot mo iyan si Lucas, makipag break ka na kay Jungkook, ha." Pang aasar niya ulit sa'kin bago bumitaw.
Ngumisi naman ako, sumakay din sa biro niya.
"Ma, ano ka ba? He should know his limits."
"Gaga." At kinutusan niya ako.
Looking back, I realize I almost did miss the timing right...
Good thing a note from the past came to me.
***
KAMU SEDANG MEMBACA
And there was you (Invisible Strings #1)
RomansaShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 13 - Of Decisions and Missed Timing
Mulai dari awal
