Chapter 13 - Of Decisions and Missed Timing

Start from the beginning
                                        

Books won't just teach you to know your self worth, but also to not settle for the bare minimum a guy can only give. And from a shallow love that stems from lust and challenge with no substance.

Masama ba iyon?

Ang mag hintay, hanggang sa dumating iyong lalaking kahit man lang emotional intelligence ay meron?

"Sus! Sige nga, anong pangalan niyan?" Paghahamon niya, tinatawanan pa rin ako.

Lumunok naman ako. "Si Lucas Benitez po. Naging classmate ko po siya noong junior high school ako. Tiga rito rin siya dati, pero sa Maynila na sila ngayon nakatira ng pamilya niya."

Napaamang siya at kumurap. Parang hindi pa rin makapaniwala na nag banggit nga ako ng totoong pangalan. Napahawak naman ako sa batok at bahagyang ngumiwi. Mahirap nga yata talaga paniwalaan na meron na akong manliligaw.

At totoong lalaki pa!

Paano ba naman kasi kung makaasta ako dati, akala mo galit ako sa mga lalaki. Ni hindi ako pala ayos sa sarili, at sa tuwing nag paparinig sa'kin si Mama tungkol dito, hindi na agad maipinta ang murot sa mukha ko.

Pasensya naman, minsan na lang kasi lumabas ang hopeless romantic side sa pagkatao ko. Puro pagod na lang kasi ang nararamdaman ko lately, wala ng kilig.

Maya-maya pa ay narinig ko na ulit ang mahinang pag tawa niya. Pero hindi katulad sa kanina, nakatingin na siya sa'kin sa paraan na hindi nang aasar. Sa katunayan nga, mukha na siyang maiiyak ngayon dahil sa saya sa sinabi ko. Hala? Si Mama talaga, ang OA minsan!

"Naks naman, talagang ganap na dalaga na itong anak ko! So, kailan mo naman iyan sasagutin?" She then wiggled her brows at me and released a sighed. Humawak pa siya sa kanyang dibdib na parang nabunutan ng tinik. "Mabuti na lang at hindi ka na tatandang dalaga! Nag aalala kasi talaga ako sa'yo e. Akala ko tomboy ka."

I looked at her in disbelief. Seryoso ba siya?

"Ma, kakasimula niya lang talaga noong isang araw! Kumalma ka diyan."

Hindi pa nga kami ulit nagkikita ni Luc pagkatapos non, dahil masyado rin siyang naging busy sa ginagawa nila doon sa aviation at puro graveyard naman ang naging duty ko nitong mga nakaraang araw sa hotel. Nag m-message na lang siya sa'kin na babawi siya, kahit na sa'kin naman ay ayos lang iyon dahil alam kung mahalaga iyong trabaho niya.

Though, I really appreciate the effort of him letting me know how his day went. Nakaka-guilty nga lang minsan kasi late na ako nakakapag-reply sa kanya. Wala e, apparently magkaiba kasi ngayon ang timezone namin.

"E ano naman? Masama bang ma-excite ako? Unang beses kaya ito na nag kwento ka sa'kin ng ganyan."

"Oo nga, pero kumalma ka muna sa mga iniisip mo. Hindi pa ako ikakasal!"

"Pero plano mo naman sagutin?"

Nagkibit ako ng balikat. "Depende."

Kinurot niya naman ako nang mariin sa ilong.

"Aray!" Umiwas ako agad sa kanya at hinimas ang ilong ko. Ayoko pa naman ng kinukurot ako roon dahil nat-trigger ang allergy ko!

"Ikaw ha, ipakilala mo muna sa'kin iyan bago mo sagutin. Gwapo ba?"

Ngumuso ako at nag isip. "Oo?"

"Ay bakit hindi ka sigurado?" Ngumuwi siya. "Huwag mong sabihin sa'kin na mukha iyang unggoy? Naku, Say, magiging kawawa lang 'yan sa pamilya natin. Alam mo namang may pagka judgemental ang mga lolo't lola mo."

Nanlaki naman ang mga mata ko at umayos ng upo. "Grabe ka naman Ma! Syempre sa'kin, oo, gwapo siya. Pero malay ko ba kasi sa definition mo ng gwapo? At hindi ko pa naman siya ipapakilala sa buong compound natin 'no," Umirap ako. "Nanliligaw pa lang siya sa'kin Ma." Pag uulit ko dahil kung saan nanaman napunta ang isip niya.

And there was you (Invisible Strings #1)Where stories live. Discover now