"Kamusta naman ang trabaho mo? Okay lang ba?" Tanong niya ulit ng maupo sa tabi ko.
Gusto kung sabihin sa kanya ang totoo. Na 'Hindi, pagod na nga po ako.' pero hindi ko rin gustong pag aalalahanin pa siya sa mga problema ko kaya tumango na lamang ulit ako at tipid na sumagot, "Ayos lang naman."
"E ikaw, ayos ka lang ba?" The soft tone in her voice made me look at her face longer.
Una kung napansin ay ang nag sisimula ng puti sa kanyang buhok, ang bahagyang kulubot ng balat sa noo, at bahagyang pagbabago ng kanyang kabuoang itsura. Her curly and unruly hair was just tied up by a small clip. Hindi mahilig sa mga bestida o daster ang nanay ko, kaya palaging short at maluluwag na damit lamang ang suot niya sa loob ng bahay. And yet, I still can see the way she looks older than before.
At ang isipin na tumatanda na talaga ang mga magulang natin, habang tayo ay naguguluhan pa rin sa buhay ay sadyang nakakatakot. Maraming mga tanong. Marami kang gustong gawin para sa kanila, pero hindi mo alam kung hanggang kailan pa ba sila rito. Kung maabutan pa ba nila na nasa maayos na lagay ka at masaya.
My prayers always involve those wishes of giving me more time. Of giving me enough time so that I can give back, and make her feel at ease without worrying about money or spending it too much. Gusto ko si Mama muna, bago ako. Na tsaka ko na lang iisipin iyong sarili ko kapag alam kung ayos na siya at hindi na siya mam-mroblema sa kahit saan.
Kasi kung magagawa ko iyon, masaya na ako.
At baka pwede ko naman alalahanin ang sarili ko.
"Ayos lang din ako Ma." At ngumiti ako ulit.
My mother didn't question me anymore after that. Nagkwento na lamang siya sa mga naging kaganapan sa compound namin habang wala ako. She was busy talking about how my one of my distant cousin got into a serious accident when my phone chimed in. Tiningnan ko sandali iyon at nang makita ang pangalan niya ay may naalala ako bigla na sasabihin.
Oo nga pala, sasabihin ko na kay Mama na may manliligaw na ako. Pero paano ko ba sasabihin ito sa kanya na hindi siya mag o-over react?
"Ma." Tawag ko bigla sa kanya kaya natigil naman siya sa pagk-kwento.
"Oh? Ano iyon?"
"Ano kasi... kaya rin po talaga ako umuwi ngayon kasi may sasabihin po ako sa inyo," Panimula ko.
"Buntis ka?" Hula niya nang may kakaibang tingin sa'kin at sa katawan ko.
Nanlaki naman agad ang mga mata ko at umiling ng ilang beses sa kanya. Anong buntis? Saan niya nakuha iyon?!
"Sa bagay, paano nga naman mangyayari iyon ay wala ka namang nobyo- Teka, may boyfriend ka na ba?!" She concluded again.
"Wala pa!" I defensively said as I add, "Manliligaw pa lang." Mabilis kung sinabi at kinagat ang labi ko. Bwisit, nakakahiya pala sabihin ang mga ganito!
Hindi naman siya naka sagot ng ilang segundo at nagulat ako ng bigla siyang tumawa!
"Totoong tao na ba 'yan, anak? Baka mamaya sabihin mo si Jungkook lang iyan ha, naku talagang bata ka, tutuktukan kita!"
Natawa rin naman ako at lalong nahiya. "Hindi nga! Real na ito, promise."
Palibhasa kasi nasanay na siya sa'kin na palaging artista o kaya fictional characters lang ang binabanggit ko sa tuwing tinatanong niya 'ko noon kung may boyfriend na ba ako. E ano bang magagawa ko? Mas better sila kaysa sa mga totoong lalaki e. Tapos mas worth it din iyakan.
Falling in love with men in fiction hurt less than loving men in real life. Kasi sila, nasa papel lang. Hindi kayo parehas ng mundo. Besides, it will also save you from any unwanted heartbreaks, because those men in books... they will open your eyes on how a man should treat their woman right if they truly love and respect them. Nakakataas ng standards, alam ko, pero at least alam mo sarili kung anong ie-expect mo sa mga taong makikilala mo.
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 13 - Of Decisions and Missed Timing
Start from the beginning
