Chapter 11 - Advices and Truths

Start from the beginning
                                        

Kumunot naman ang noo ko. "Hindi pa ba ko gano'n sayo?"

"Gusto mo iyong totoo?"

Now, she sounds a bit serious pero nandoon pa rin iyong pang aasar sa tono niya. Tumango ako, mumbling a word for her to continue.

"Oo, makulit ka rin pagdating sa mga kaibigan mo. Madaldal at nakikisabay ka sa mga biruan o tawanan. Pero may pakiramdam kasi ako na hindi pa 'yun iyong 100% mo talaga e, na parang may hindi ka pa rin maipakita sa'kin na ikaw. Na may harang pa rin kahit matagal na tayong magkaibigan,"

"Talaga? Parang hindi naman."

"Hay na ko 'teh! Believe me. Halos buong buhay ko nakwento ko na yata sa'yo. Kahit nga mga naging lalaki ko kilala mo e, isama mo na iyong mga naging kaaway ko sa office. Kahit iyong mga tanga moments ko, shinashare ko sa'yo lahat. Pero ikaw... ilang personal lang na bagay ang alam ko sa'yo. Tangina kahit crush mo nga, kahit noong elementary ka pa lang, ayaw mo sabihin!"

I opened my mouth to say something but no words came out. Did I really make her feel that way?

"Pero sige, inintindi ko na lang na baka ganyan ka talaga. Kahit na minsan... nakakatampo ka na dahil parang wala kang tiwala sa'kin. Bestfriend kita, Sari, kaya mahalaga ka sa'kin. At kaya ko nga sinasabi 'to sa'yo..." She sighed again. "To be honest, I once saw you with LA,"

"Huh? Kailan?" Kaya pala parang one time nga, may naramdaman akong nakatingin sa'min. Akala ko imagination ko lang.

"I think, last month yata? Nakita ko kayong pumasok sa isang book sale. Alam mo namang never akong pumasok sa mga gano'n, not unless ikaw iyong kasama ko. Pero dahil curious nga ako sa ano ng ganap niyo sa buhay, sinundan ko kayo sa loob. Tapos pucha 'teh, gano'n talaga usapan niyo palagi? Book reviews tsaka interpretation ng synopsis at characters? Sobrang tagal niyo pa sa loob kakaikot. Kung 'di nga lang worth it iyong nakikita ko, hindi ako makakatagal e."

"Seryoso ka ba? Ano namang nakita mo?"

May pogi siguro.

"E 'di iyong 100% na kulit mo! He brings out the extrovert in you, Sari. That's why I know he'll be good for you."

Umiling ako. "Hindi kita maintindihan."

"Ulol! More like in denial ka lang. Gets naman kita kung bakit natatakot ka pa. But nothing will ever change if you only continued to get scared. Sinasabi ko sa'yo, Sari. You will never be ready for love. It will just really come to you unexpectedly, that you won't even have the time to realize that you need it. Kung naguguluhan ka pa sa kung anong gagawin mo, isipin mo na lang na lahat ng ito nangyayari dahil may dahilan,"

Nakailang buntong hininga na yata ako sa usapan namin ni Mika. Hindi pa nakatulong na sumasakit nanaman iyong mga sugat ko!

"Ayaw ko naman din siyang layuan. Kaibigan ko na si Lucas at..."

Natawa ulit si Mika. Parang may nalaman sa katahimikan pagkatapos ng sinabi ko.

"See? Then just follow your heart. Don't make this so complicated, mare ko. Mag usap kayong dalawa. At isa pa, hello? Gold fish na iyan si Lucas 'teh! Huwag mo na pakawalan at baka mapunta ka pa sa tilapia!"

Ay naku, ewan ko sa'yo Mika!

Pagkatapos pa ng mahabang lintanya niya ay nag paalam na rin kami sa isa't-isa. Humiga na lamang ako sa kama at inisip kung paano ko nga ba gagawin ito ng hindi ko masasaktan ang feelings ni Lucas.

Bwisit, ang hirap pala nito!

--- 🔅

It actually took me a week before I can send him a message, asking him for a meet up. Pumayag naman siya, kaya ito ako ngayon, hinihintay siya sa isang park malapit sa isang commercial aviation kung saan siya nag t-trabaho. It was around Pasay at hindi ko naman kabisado ang papunta kaya nag book na lang ako ng motor. It was easier that way anyway, kaysa maligawligaw pa ako sa daan.

Nag-insist pa nga siya noong una na siya na lang daw ulit ang pupunta sa Makati. Pero hindi na ako pumayag. Ako iyong nang abala sa kanya e.

Umupo ako sa isang bench sa ilalim ng malaking puno at tumingin sa kawalan. Ang sabi ko ay magkita na lamang kami pagkatapos ng trabaho niya, pero inagahan ko pa rin ang punta dahil gusto ko muna ulit mag isip.

Ilang beses ko na yata pinagisipan sa mga nagdaang araw kung tama ba talaga itong gagawin ko, pero... sa mga nalaman ko kasi, ayaw ko naman maging unfair sa kanya. Tama si Mika, hindi ko siya dapat layuan dahil lang sa umamin siya sa'kin. At tama lang din na hindi ako naging padalos-dalos sa mga desisyon ko nanaman sa buhay, lalo na kung hindi ako kalmado at ang isip ko.

Kaibigan ang turing ko kay Lucas. Iyon ang mahalaga. At hindi ako lumalayo sa mga kaibigan ko ng walang sapat na dahilan.

Inaamin ko, wala akong alam pagdating sa mga ganito.

Nagbabasa ako o nanonood ng mga romantic na palabas, pero hindi ko malaman kung nilalandi na ba ako ng isang lalaki o mabait lang talaga sila, o niloloko lang nila ako. He can take advantage of that naivety, and used it to manipulate me and I would never know... but he didn't. It might be the bare minimum for others, but for someone like me who never experienced being in a relationship in my 25 years of existence, I'm thankful that he kept our distance and didn't touch me in a way that will make me uncomfortable.

Mukha pa nga siyang takot na hawakan ako e. Sa tuwing nahilala niya ako minsan sa pulsuhan, nag s-sorry agad at hindi na ako ulit hahawakan. O kahit iyong kapag maraming tao at nakaharang siya para hindi ako maipit. Wala naman saking problema, pero parang kinakabahan agad siya.

Hindi ko naman binibigyan ng meaning, kasi nga akala ko baka naninibago lang rin siya na ako ang kasama niya.

Iyon pala, may something talaga.

Manliligaw na ba siya sa'kin? Ang sabi niya sakin noong nakaraan, kung iiwasan ko siya, mas mabuti nang kalimutan ko na lang daw ang lahat ng mga sinabi niya. E paano ito ngayon, hindi naman ako lalayo?

Napakamot ako ng ulo at bahagyang napayuko.

"Hey." Agad akong nag angat ng tingin ng may bumati sa'kin. "Magaling na ba iyong mga sugat mo? Sabi ko kasi sa'yo, ako na lang ang pupunta e."

Napaayos naman ako ng upo. Dumating na pala siya! And he's smiling as he approached me, iyong ngiti na parang walang nangyari. Iyong parang hindi siya umamin sa'kin noong nakaraang linggo. Lalo tuloy akong kinabahan. Is he really serious about forgetting all of it? Kasi ako, feeling ko hindi ko iyon makakalimutan. Dahil siya lang rin naman ang unang lalaki na nag tapat sa'kin.

Naalala ko rin bigla ang mga sinabi ni Mama sa'kin noon. Sa katunayan nga, isa doon ang nag paulit-ulit sa utak ko sa mga nag daang araw. Kaya alam kung sigurado ako sa gagawin ko ngayon.

"If the right person comes, he will love you the right way that you won't ever have doubts if he's being genuine or not. You will just know it in your heart..."

"Hi! Uh... oo medyo tuyo na. Kaya wala namang problema kung ako naman ang pupunta sa'yo." Bati ko rin sa kanya. Hindi na ako ngumiti dahil manginingig lang ang labi ko sa kaba. Magmumukha akong tanga!

He then stared at me for a good few seconds, and cleared his throat as he slowly take the spot beside me. Parang nag aalangan pa nga siya, at dahil sa medyo malaki ang bench, doon niya pa pinili na maupo sa malayo sa'kin. Magkabilaang dulo tuloy kami ngayon at mukha kaming hindi magkakilala!

Napatitig ako sa kanya, bahagyang nagtataka. Paano kami mag uusap nito kung ang layo niya sa'kin?

"Ayaw mo ba lumapit?" Tanong ko. Nilingon naman niya ako, mukhang nagulat pa nga yata sa sinabi ko na hindi na siya nakasagot pa, kaya ako na lang ang nag presinta. "Sige, ako na lang."

Ako naman ngayon ang lalapit.

***

And there was you (Invisible Strings #1)Where stories live. Discover now