Chapter 11 - Advices and Truths

Start from the beginning
                                        

Mahirap kasi mag assume.

Tapos mali lang pala ako.

"Ito pa 'teh! Narinig niya pala iyong usapan natin dati about sa mga tipo mo. 'Diba ang sabi mo gusto mo iyong mga magagaling sa math? Kasi nga bobo tayo doon parehas e! He assumed na si Ian, iyong tukmol na iyon, crush mo. That's why when he learned that Ian will take up engineering, gumaya din si angkol. Tinukso ko nga, ang sabi ko—gaya-gaya ka lang pala e. Paano ka magugustuhan niyan ni Sari kung wala kang originality?— Anteh, iyong mukha niya talaga! Alam kung nainis ko siya sa mga sinabi ko! Parang achievement ko iyon."

Parang ewan talaga itong babaeng ito. Pinag tripan pa si Lucas. Hindi naman siya gaya-gaya. At saka isa pa, saan niya naman napulot na crush ko iyon si Ian dati? Ang yabang kaya nun!

"Asar ka kasi ng asar sa'kin dati na si Ian iyong crush ko, baliw ka! Tingnan mo, nakaabot pa pala kay Lucas. At anong achievement mo doon sa naasar mo iyong tao? Porke't nag engineering lang iyong isa, gumaya na siya agad? Dinamay mo pa ako!"

She giggled.

"Uy, pinagtatanggol mo ba si LA? O sige, hindi na nga siya gaya-gaya. Down bad na lang."

Umirap ako. "He wasn't, Mika. Stop saying it that way. Parang pinalabas mo lang din na kaya siya kung ano man ngayon ay lang dahil sa'kin. He only chose what he loves to do. Alam nating pareho iyong passion niya before sa mga air crafts. Remember? He freaking build an illustration about its parts and operation when we were only on Grade 10. Kaya alam mo ng doon nga siya papunta sa propesyon na iyon kalaunan."

Nag buga naman siya nang malalim na hininga. "Okay, fine. I won't push it. Pero ang point ko kasi rito, gusto ka nga niya! He already admitted it himself, Sari, how half of his decisions in life... you were always in his mind. Hindi ko alam kung anong ginawa mo do'n sa tao, pero shit ka, hirap na hirap kalimutan ka! Kaya huwag mo naman layuan dahil lang umamin sa'yo!"

"Wala naman akong sinabing lalayuan ko?"

"Mukha mo! Kilalang-kilala na kita. Alam kong iiwas ka kay LA kapag umamin siya sa'yo."

"Alam mo naman pala, e bakit gustong-gusto mo siya umamin sa'kin?"

"Kasi nga gusto ko ng magka-love life ka!" Sigaw niya sa'kin. "Ito na iyong sinasabi mo o, ikaw na iyong hinanap! Aarte ka pa ba?"

"Hindi ko naman kasi inexpect ito! Ni hindi pa nga ako ready sa mga ganito." I said, exasperated.

"Just give him his chance to prove himself to you, Sari. You'll never know what will happen in the future. Malay mo, siya na talaga..."

"But I only see him as my friend. Baka mapaasa ko lang siya?"

At ayoko siyang masaktan dahil sa'kin. Wala siyang ibang ginawa kung hindi maging mabait kapag kasama ako. Parang ang sama ko naman kung ipagpapatuloy ko pa itong pakikipag kita sa kanya. Knowing that his feelings for me might go even beyond that line... I'm scared.

Lucas Benitez has always been the unreachable type. Iyong hanggang tingin ka lang kasi bawal siyang hawakan.

Kaya hindi ko maintindihan kung paanong ang isang katulad niya, nag kagusto sa'kin.

"Then let him be your friend. Wala namang masama do'n? Hindi ko naman sinabi na jowain mo siya agad, gaga. May ligawan stage pa kayo, Sari. Makikilala mo pa siya."

"Bakit ba gustong-gusto mo si Lucas para sa'kin? Sinabihan ka ba niya na ilakad siya?"

"Tanga, hindi. Malakas lang talaga ang instincts ko na bagay siya sa'yo. Like, alam mo iyon? Feeling ko mas mailalabas mo iyong kulit mo, kapag siya."

And there was you (Invisible Strings #1)Where stories live. Discover now