Hence, I prayed that someone capable can help them at least, to get by too everyday. Kaya sobrang masaya ako kapag ginagawa iyon ni Lucas. Kasi hindi ko inaasahan na may mga tao pala talagang kusa ang pag tulong, at walang hinihintay na kapalit.
And I thought, he's my answered prayer.
His category of being a golden boy before was only justified through the way he wears his heart in his sleeves. Because he's rare, like a golden apple at the top most part of the tree that no one can ever reached.
At kung anong kinatakot ko na mag pakita ng emosyon sa iba, siya namang kina-expressive niya.
Iyong mga librong pinahiram niya sa'kin, natutuwa ako lahat basahin, dahil sa mga maliliit na annotations niya. I never peg him as a guy who will annotate his books, or tabs his favorite parts, yet turns out he is. Iba-iba pa ang kulay na gamit niya sa mga high lighters at ballpens. Halatang ingat na ingat din siya na maayos at walang malukot sa bawat pahina. Kulang na lang yata i-ruler niya iyong may bawat highlights!
Tama nga si Samantha, perfect na talaga siya kung tutuusin. Iyong tipong kapag pinakilala mo sa mga magulang mo, tanggap nila agad. Ipagmamalaki pa.
Parang iyong mga lalaking nababasa ko sa mga libro o napapanood sa TV. Kaso sila... alam kung hindi totoo.
Kaya parang ayaw kung maniwala...
Parang ayaw kung magtiwala.
Kasi paano kung sa una lang pala iyong ganito siya? Tapos kapag nagtagal, wala na. May mga lalaki kasing gano'n e. Iyong akala mo maayos kasi nga ayun iyong pinapakita nila sa mga taong kaharap o gusto lang nila i-impress. Pero pagdating ng panahon at nakuha na nila iyong gusto nila sa'yo, bigla na lang magbabago. Lumalabas na iyong totoo na kulay.
Parang iyong tatay ko lang.
I already stop believing in fairy tales the moment he left us for another woman. Wala ng mas sasakit pa kung iyong unang lalaki na nanakit sa'yo ay tatay mo pa. Na iyong akala mo p-protektka sa'yo, siya pa lang unang mag bibigay nang malalim na sugat sa puso mo.
Hindi ko naman sinasabi na magiging gano'n nga si Lucas, pero paano kung nac-challenge lang pala siya sa'kin? Kasi hindi ako katulad ng mga babae na nagkagusto sa kanya? Iyong expressive, confident, mabilis lapitan...
Ang sabi niya matagal na niya akong gusto. Ang tagal naming hindi nagkita, maraming nangyari sa mga buhay namin, at malamang marami na rin siyang nakilala, hanggang ngayon ako pa rin? Parang imposible naman yata.
Anong nakita niya sa'kin?
I heard Mika heaved a sighed on the other line. "Alam mo, grade 9 daw..." Bigla niyang sinabi.
"Huh?"
"Grade 9 daw tayo noong na-realize niya na gusto ka niya. Tanda mo 'diba? Kaya ka niya palaging nilalapitan noon para kausapin. Nahilig siya sa mga libro dahil sa'yo. Pati panonood ng mga anime mo na iyan or cartoons ba iyon? Basta! Kasi alam niyang iyon iyong mga hilig mo, at para rin daw may mapag-usapan kayo. Sobrang tahimik mo kasi, hindi ka marunong kumausap ng ibang tao! He also became part of the journalism club because of you. Ang sabi ni Paulo sa'kin, hindi naman mahilig iyon si LA sa production ng mga articles pero dahil nandoon ka, sumali si loko." Tumawa siya nang malakas. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko.
Wala akong masyadong maalala sa mga naging interaction namin before. Pero tanda ko nga na madalas ay lumalapit siya sa'kin sa tuwing nasa i-isang space lang kami. Dahil palakaibigan naman siya sa lahat, hindi ko na masyadong binigyan iyon ng meaning. Inisip ko, talagang mabait lang siya at ayaw niya lang iyong may nal-left out sa isang grupo.
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 11 - Advices and Truths
Start from the beginning
