Hindi naman ako umaasa na magugustuhan niya rin ako. Ang gusto ko lang ay maging kaibigan niya para kahit umalis ako rito, pwede ko pa rin siya makausap. Pero sadyang ayaw talaga ng swerte sa'kin.
Naging masyado na kaming busy noong nagkaroon kami ng research. Sumabay pa ang sunod-sunod na activities. Hindi na ako nakahanap pa ng tyempo para kahit paano ay malapitan ko siya. She was always with her friends after school, and I was buried in school and home works. Dahil nga member rin ako ng Student Body, ang dami kung responsibilidad. That's why before I knew it, moving up nanamin at doon ko na rin siyang huling nakita habang kasama niya ang mga kaibigan niya sa pagkuha ng mga litrato.
Good thing I also brought my own camera that day. May hiningi kasing pabor sa'kin ang teacher namin for the journalism club. I was part of the photo-journalist, that's why they asked me if I could record the whole ceremony and take pictures to all the moving up class as memento.
Kaya nagkaroon ako ng dahilan para makuhanan pa siya ng ilang litrato. Siya nga lang ang may solo sa lahat at iyong kasama iyong nanay niya. And as told, I gave all the pictures to my teacher so they can begin to edit it for the upcoming school news paper. Ang hindi ko lang binigay ay iyong sa ilang solo niya, kasi sa'kin na iyon.
"Ang tindi mo rin e 'no? Hindi ka talaga nag girlfriend sa buong year mo rito. Loyal 'yan?" Pang aasar ni Randy sa'kin at pinag tawanan nanaman nila ako ni Paulo. Dumalaw kasi itong mga gago na ito kasi ngayon iyong alis namin papuntang Maynila. Mang-aasar lang naman.
"Ang sakit lang kasi iba iyong gusto niya!"
"Iyong binigay mo naman lahat, pero kulang pa rin!"
Sinamaan ko lang sila ng tingin habang naghahakot ako ng mga gamit.
"Huwag kang magalala 'pre, kami ng bahala kay Sariel mo. Friend ko naman kasi si Mika sa facebook, malalaman ko kung anong balita sa kanya." Si Paulo.
I looked at him boredly. "Friend ko rin si Mika sa facebook." Kaya bakit sa kanya pa ako dadaan?
"E si Sariel?"
Nagbuntong hininga ako at umiling. Hindi niya pa na-aaccept e.
Tinapik-tapik naman ako nung dalawa sa balikat na para bang nakikiramay sila sa'kin. Pucha, para talagang mga ewan itong mga 'to! Iniwan ko na muna sila sa sala para makapagpalit na ng damit. Nakita ko naman ang phone ko sa kama na umilaw.
Speaking of, hindi ko pa nga pala ulit nac-check sa facebook ko. I got so busy this days that I have no time for social media anymore. Hindi rin kasi talaga ako pala-online. Nag bubukas lang naman ako kung may kailangan, at nag hihintay kung matatangap na ba niya iyong request ko. Ilang years na kasi iyon doon, bulok na nga yata. Napangiwi ako.
"Holy shit." I whispered as I look at her name on my screen. Namamalikmata na yata ako? Kinusot ko ang mga mata pero pangalan niya pa rin ang lumabas!
Sariel Mendoza added you as friend.
Accept. Decline.
Is this a new account?
Binuksan ko ang profile no'n at mukhang kagagawa nga lang niya. Wala pa rin kasing kahit anong laman. Anong nangyari doon sa dati? I then visited her old account at wala rin namang latest post doon except sa last year when she changed her profile picture.
Nilakasan ko na ang loob ko para mag message at itanong kung siya nga ba ito. Baka kasi kapangalan niya lang o ano. I don't want to get my hopes up for nothing.
Me: Hi, Sariel Mendoza from our class, right? Anong nangyari doon sa old account mo?
I bit my lower lip before I press send.
She'd seen the messaged after a while and an ellipsis popped out on the screen. She's typing!
Sariel Mendoza: Oo, sorry. Nakalimutan ko na kasi iyong password doon sa luma.
Lumaki naman ang ngiti ko. Siya nga ito!
I thought, finally, I can at least talk to her even when I'm away! Akala ko iyon na nga ang pwedeng maging paraan para kahit papaano mas makilala ko pa siya. But then weeks later, she suddenly deactivated all her accounts. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi na rin ako nakapag message pa sa kanya. I'd been busy preparing for the upcoming school year the past few days, that I can only hear the gist of it from Paulo.
He said that maybe it was because of her family. Nakausap daw niya kasi si Mika at Grethel noong nakaraan, pero hindi binigay ang buong detalye. Hindi ko na lang rin pinilit. It's her privacy and I don't want to appear that I'm prying too much.
I just hope that she's okay.
And I hope, I can see her again soon.
If what they said is true about first love that never dies, then maybe she's really my first love.
Sariel Mendoza is like the deep and blue sea. Enchanting but terrifying. Terrifying and yet you can't help yourself but dived into its vastness just to get to the very bottom and to see more beyond its surface. To the point of helplessly drowning.
At hindi na nga ako nakaahon pa.
I massaged my temples as I called a taxi to get home. Sa dami ng nangyari, dito lang rin pala ako mauuwi. Tangina, ang bobo talaga.
Lucas, you've been waiting for this. Bakit pa ang padalos-dalos mo?! But I just don't want her to get confused anymore. Lalo na't iyong mga tao sa paligid namin, alam na kung anong nararamdaman ko. Maybe I was just too transparent whenever I'm with her. Sabi nga ni Paulo, para raw akong batang nabibigyan ng chocolate sa tuwing nakikita ko si Sariel. That fucker, hindi na ako tinigilan sa pangaasar! Lagot talaga iyon sa'kin kapag siya naman ang may nagustuhan.
I looked at my phone again and there's no any reply from her. Kahit thumbs up lang ulit, wala.
Akala ko hindi na talaga niya ako kakausapin. Akala ko iyon na talaga iyon. But then 7 days later, her name appeared on my screen again, asking for a possible meet up.
***
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 10 - Of First Dance and First Love
Start from the beginning
