Chapter 10 - Of First Dance and First Love

Start from the beginning
                                        

Halos magkasing-tangkad na kami dahil naka-heels siya. She was wearing a black floral dress that reached until her knees, and her straight and long black hair was tied in a clean ponytail. Hindi rin masyadong makapal ang make-up niya, tama lang para mabigyan ng sapat na kulay ang mukha at labi niya. Anyway, even without make up, she looks beautiful. Hindi ko nga alam kung bakit parang walang nagsasayaw sa kanya mula pa kanina. They are clearly missing out the best ones.

Ayos lang din, kasi ngayon na sa'kin siya.

"How tall are you?" Tanong ko para may mapag usapan kami at tumingin siya sa'kin.

"5'6." She murmured, glancing up at me.

There.

"Ang tangkad mo pala talaga. Tapos naka-heels ka pa ngayon?"

Ngumiti lang siya. Okay, time to move on to another topic.

"Siya nga pala, I saw you watching an anime series last time. Are you a fan of that anime? I am a fan!" Dahil sa sinabi ko, napatingin na talaga siya sa'kin ng diretso. Bahagyang nanlaki pa ang mga mata niya. Ngumiti ako. Feeling a bit proud of myself for catching her precious attention.

Good job ka dyan, LA!

"Seryoso? Anong season ka na?"

Tumango ako. "I only started watching it last week. Then, katatapos ko lang basahin iyong manga niya kahapon. It was pretty tragic for the main characters, but at least some were still left alive after the war."

"Hala, gagi. Alam mo ba iniyakan ko iyong ending nun? Feeling ko kasi ang unfair lalo na doon sa mga bida. Napanood mo na ba iyong last season?" She unconsciously leaned more towards me kaya mas napalapit siya sa'kin. I carefully watched her eyes and the dancing lights reflected to it, looking like stars only for me to gaze.

🎶 There's so many thought in my mind
The D.J.'s playing my favorite song (favorite song)
Now we're all lone (all alone)
Here's the opportunity

Iling lang tuloy ang naisagot ko sa kanya dahil masyado na kung napatitig sa mga mata niya.

"Mag-ready ka ng tissue. Mas masakit kapag sa anime na kaysa manga."

"Talaga?"

She gave me her smile while nodding her head.

🎶 If you give, give your first dance to me
I'm gonna' cherish every moment
'Cuz it only happens once, once in a life time

Iyon na nga yata ang isa sa mga pinaka-mahabang usapan na nagkaroon kami noong taon na iyon. Akala ko ang swerte ko na. At akala ko mag tutuloy-tuloy na. Pero hindi rin iyon nagtagal, dahil noong Grade 10 kami, napunta na siya sa ibang section. At bibihira ko na lamang siya makausap pagkatapos no'n.

I feel so frustrated, that's why I did everything just to have my chance to talk to her again. Kahit pa ang pag sali sa mga club niya, ginawa ko. Heck, I have no idea about journalism nor arts and crafts, but I did learn it for her! So just I can see her without being a creep.

Tawang-tawa na nga sa'kin sina Paulo dahil sa mga pinag gagawa ko sa buhay. Binibigyan ko lang daw ng stress ang sarili ko sa dami ng sinalihan kung clubs, at ako pa ang gusto nilang gawing president. Alam ko naman iyon, at pinag isipan ko rin nang mabuti.

Pero anong gagawin ko? Grade 10 was our final year in junior high school. This could be the last year I can see her. My parents are already planning to move to Manila after this term, and for sure hindi nila ako iiwan dito para rito mag tuloy sa pag aaral. Nandoon na nga si Kuya, sa bagong titirhan daw namin, kaya alam kung hindi talaga nila ako papayagan sa mga gusto ko.

And there was you (Invisible Strings #1)Where stories live. Discover now