Knowing those little things about her, I also found myself reading a book, or watching an anime so that I can have more topics when I'm talking to her. Kapag kasi wala na kami mapagusapan, tumatahimik na siya ulit. At mas gusto ko kapag nagsasalita siya. Iyong na sa'kin ang buong atensyon niya.
"What the fuck? Nanonood ka pala ng anime? Akala ko ba ayaw mo sa mga ganyan?" Dumating sina Paulo at Randy at umupo sa tabi ko para sumilip sa pinapanood ko. Kasama pa nila si Timo na nag so-soft drinks na agad sa umaga, at nakiusyoso rin sa pinapanood ko. Halos siksikin pa nila akong tatlo.
"Patingin ako, LA. Anong pinapanood mo?"
"Baka hentai 'yan ah! Paawat ka, umagang-umaga p're." Pangaasar ni Randy, tumatawa. "Hinaan mo pati iyang volume mo at baka may mag ingay dyan, atakihin pa si Ma'am. Favorite ka pa naman no'n!"
"Ah! Yamete kudasai, senpai." Si Timo na pinalambot at pinatinis pa ang boses. Tumawa naman sila.
"Ano nga iyon? Si Pico?" Si Paulo na nakisali pa kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Ano bang sinasabi niyo dyan? Sports anime ito, mga bobo. At anong hentai?" I was really clueless about their terms!
Lalo naman silang natawa at mga nag apir pa. Para talagang mga tanga. "Search mo na lang mamaya pag uwi mo sa bahay niyo para malaman mo."
"Bakit sa bahay pa?"
"Para safe ka." Sabay-sabay nilang sinabi na may kakaibang ngiti. Kumunot lang ang noo ko.
And I wish I didn't listen to them! Napa-delete ako agad ng browser history dahil sa mga lumabas. At bilang ganti, hindi ko sila pinakopya lahat sa surprise quiz namin kinabukasan.
"Ang damot naman, LA! Parang 'di ka kaibigan niyan."
"Pucha, bahala na nga iyan. Zero na lang ulit."
"Lagot nanaman ako nito kay Mama."
Ngumisi lang ako. Hindi pinapansin ang mga bulong nila na parang bubuyog. "Manood na lang kayo ng hentai."
Hentai pala, ah. Pwes wala silang mah-hentai na sagot sa'kin!
It was then when we were in Grade 9 when I finally learned her type in a guy. Ang lakas kasi ng boses ni Mika at kahit nasa sulok sila, naririnig ko ang pinag uusapan nila dahil nasa malapit lang ako nakaupo at may binabasa. Reading became my habit because of her, though aside from fiction, I also like to read self-help books and auto-biographies of famous people.
Somehow, because I learn to love the feeling of reading books, it became my alone time. An escape to the noise, and the academic stress that's keeping my mind busy. Kapag kasi nagbabasa ako, pakiramdam ko wala akong kailangan isipin kung hindi ang sarili ko lang at ang libro ko.
Wala masyadong tao sa room noong araw na 'yun dahil lunch time at halos lahat ay nasa labas. Kaya hindi rin masyadong maingay ang paligid ko at tahimik lang ako na nakakapagbasa.
"So, may crush ka ba ngayon?" Tanong ni Mika. "Ako, may nakita ako kanina sa kabilang section 'teh! Ang pogi, crush ko na iyon."
"Pogi lang, crush mo na agad?" She answered, laughing a little. Kahit nakatalikod ako sa kanila, I can almost imagine her rolling her eyes. I smiled.
"Ano ka ba? Iyon nga ang purpose nun! Dapat pogi muna. Ikaw ba, meron? Hindi ka kasi nag k-kwento e."
"Ewan ko sa'yo, wala namang pogi rito sa school."
Ouch!
"Hoy, anong wala?! Ang sabihin mo, mataas lang talaga ang standards mo at iba ang taste mo! Kahit kailan ba, hindi ka nag ka-crush dito? Neknek mo! Imposible!" Walang tigil ang bunganga ni Mika. Kung hindi ko lang talaga alam na magkaibigan sila, iisipin ko nang inaaway niya si Sariel sa lakas ng boses niya. "Si Roj ba sa kabilang section? Marami raw ang may gusto ro'n kasi mahaba ang pilik mata at kamukha raw ni Coco Martin!"
Tumikhim ako. Nagkagusto nga ba siya kay Roj?
"Hindi naman. Tsaka pasaway iyon."
"Oh, e ano naman?"
"Ayoko sa mga magugulo."
Muntik akong matawa. Hindi ko na nga maintindihan pa ang binabasa ko at paulit-ulit na ako sa isang paragraph.
E ano ba ang mga gusto mo?
At parang narinig ni Mika ang gusto ko itanong dahil siya na ang nagtanong para sa'kin.
"Hindi ko nga alam. Bakit mo ba kasi ako tinatanong ulit niyan? Wala nga kasi!"
"Tangina, kahit isa lang 'teh. Ano, wala kang preference? Paano ka maghahanap ng jowa niyan sa senior high or college?"
Sariel heaved a sighed, narinig ko pang pinalo niya si Mika ng notebook niya. "Ang gulo mo putek ka! Matalino! Gusto ko ng matalino. Iyong magaling sa math kasi bobo ako ro'n."
Mika laughed loudly. "Matalino? Magaling sa math? Wait, kaya ka pala laging nakatingin kay Ian, ah! Pero akala ko ba ayaw mo ro'n?"
"Ayaw ko nga at hindi naman siya! Hinaan mo nga iyang boses mo."
I licked my lower lip a bit. So, she likes smart guys in general, huh? Pasok naman.
Pero teka, si Ian? Iyong classmate naming magaling nga sa math to the point na pati teacher namin, nako-corect niya pa kapag mali raw ang solution. He's sometimes arrogant and a bit disrespectful but he gets along well with our classmates, even to lower class men, because he's friends with some of the known popular kids here and is basically one himself. Member ng dance troupe, at marunong mag gitara, at player din ng basketball. Nakakausap ko siya madalas kasi malapit lang rin ang upuan niya sa'kin at hilig niya makipag kompitensya kapag math solving problems.
Iyon ba ang mga tipo niya? Shit, mukhang kailangan ko pang— wait, why should I bring myself to his level anyway? Ang weird ko rin e.
Sinarado ko na lamang ang librong hawak ko at lumabas sandali para magpahangin. Nakasalubong ko pa nga si Ian sa daan kasama ang mga barkada niya at tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko rin alam kung bakit pero parang nairita ako noong makita ko iyong pag mumukha niya. At hindi naman ako gano'n kaya nilingon ko sila ulit para sana batiin din pero nag lalakad na sila paalis. Nag buntong hininga na lamang ako. This is stupid, why do I suddenly feel this way?
Tsaka ko lang nalaman kung bakit noong araw na ng Intramurals namin at nakita kung nakatitig sa kanya si Sariel. She was cheering for him loudly, the way she also cheered for me when I won that contest last year. Pero parang may kakaiba sa kanya ngayon. Iba iyong titig niya kay Ian at iba rin ang mga ngiti niya. She was even clasping her hands as if she's praying for him to score more points and win!
Binaling ko saglit ang tingin sa court, ngumuso, at pagkatapos ay binalik lang ulit sa kanya.
Hindi ko alam kung napapansin niya ba ang mga reaksyon niya, o ako lang ang tanging nakakapansin dahil sa kanya lang ako nakatingin. But the way she looks at him feels like he's the only person in that damn court that mattered to her and I... hated it.
Tangina, bakit?
Gusto ko ba siya?
Nakaupo sa isang silya. Nakaayos ang mahabang buhok at nakangiti habang sa isang tao lamang nakatingin. Bahagya rin siyang namumula at paminsan-minsan ay umiiling. At pagkatapos ay tititig lang ulit.
Nakagat ko ang ibabang labi at umiling. Bahagyang natatawa sa sarili sa bigla kung nalaman.
Ang ganda na sana ng mga mata mo, pero sa iba nakatingin.
My eyes darted to the timer in front of me.
10 in the morning, past 10 minutes, and 28 seconds. I realized one thing...
Gusto ko nga si Sariel.
***
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 9 - Beyond the Walls
Start from the beginning
