I keep asking myself those things amidst my growing curiosity about her. And the final pushed that made me actually do it was when I saw her clapping for me when I won first place in that math contest on our eight grade. I can still vividly remember that day...
She's cheering loudly with her friends on their seats below the stage, and for a moment I saw the light in her eyes linger as she gazed at the stage in complete awe. Mukhang mangha-mangha, nakatitig sa'kin at sinisigaw ang pangalan ko. Her gummy smile was even present. Ang cute.
Mas maganda pala siya kapag nakangiti.
Maraming magaganda sa batch namin, isa na nga doon si Trinity na parating tinutukso sa'kin. Pero magkaibigan lang talaga kaming dalawa, at hindi ako nakakaramdam sa kanya ng kahit na ano bukod pa doon. Besides, I know she also likes someone else.
Hindi pa rin ako nag ka-crush sa kahit na sino, nor do I feel attracted to anyone in my female friends. That's why it's kind of feel foreign to me when her smiling face struck me!
Mukhang yari yata ako!
Kahit pababa na ako ay iniisip ko pa rin ang itsura niya. Maraming bumabati sa'kin na mga kaklase at lahat ay sinasagot ko, pero ang utak ko ay na sa kanya pa rin. I was young back then, so I really didn't realize what I felt that time, but in that split second... it gave me a glimpse of that other side of the wall, of that other side of her that only a few and selected people know... and honestly, it was quite addicting.
Unknowingly, it made me crave that feeling.
Parang bigla ay sinagot ng langit ang mga tanong ko.
Kaya gusto ko ulit maramdaman.
I want to feel close to her... to be part of her life, and to see more beyond her shell. But how can I tear down those high and thick walls around her? Kailangan ko na ba simulan alamin ang mga hilig niya? Kasi malamang hindi siya makikipag usap sa'kin kung dadaanin ko lang sa biro ang lahat. Baka akalain niya pa ginagago ko lang siya.
Nakikita ko pa naman na masama agad iyong titig niya kapag may nang aasar sa kanya!
LA, you really need to think about this thoroughly. Kung ayaw mong pulutin sa kangkungan!
At doon na nga ako nag simula. Sa tuwing nakakalapit ako sa kanya, kinakausap ko siya. I was also observing her to know her likes and dislikes, as well as her hobbies. Mahilig siya sa mga libro, particularly fiction novelas (I heard umiiyak pa siya when it comes to her fictional characters). Nanonood din siya ng anime, at mga Korean and Chinese dramas na may mga happy endings.
She also likes to cook, and keeping her things clean and tidy. Nakasimangot agad kapag magulo. Ayaw niya kasi ng makalat ang paligid niya o kaya marumi. And... she doesn't like sports or any physical activities because she gets tired easily, kaya kapag P.E namin, madalas isa siya sa mga nakaupo lang. Asthmatic din kasi siya.
Alala ko pa no'ng isang beses muntik siyang matumba sa pagod after kami patakbuhin ng dalawang beses sa campus oval ng PE teacher namin. Halos hindi siya makausap at malalim lang ang paghinga. Magulo na rin ang nakataling buhok niya at pawis na pawis. Inaakay na nga siya ni Mika para lang makaupo dahil nanginginig pa ang mga tuhod niya.
Kaya wala na akong pag aalinlangan na tumakbo ulit para magpaalam na pupunta lang sa canteen.
Kinailangan ko pang manglibre ng tubig sa lahat para lang mabigyan siya ng hindi kumukuha ng atensyon. Hindi na lang tuloy ako kumain ng lunch kasi naubos iyong baon ko na bigay ni Mama. Mabuti na lang at palaging may dalang pagkain si Paulo kasi may maliit na karinderya ang mga magulang niya.
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 9 - Beyond the Walls
Start from the beginning
