Oh wow, okay? Ang snobber naman.
Sinundan ko sila ng tingin. Parang buntot sa mga kaibigan niya, nakasunod lamang siya sa kanila at walang ni ibang kinakausap. She didn't even glance elsewhere as if her eyes were trained to just only look at one thing. The one that caught her attention.
"Gano'n ba talaga siya?" Tanong ko kay Paulo nang tabihan niya ako sa may pintuan.
"Huh? Sino?"
"Si Sariel. Binati ko, hindi ako pinansin."
Binaling niya muna ang ulo sa kabila at tumitig sa'kin nang matagal na para bang iniisip niya pa kung sino ang sinasabi ko. "Ah! Iyong bestfriend ni Mika," Pumitik siya at tumawa. "Oo, gano'n talaga iyon. Kahit noong first day 'diba, ang tahimik niyan. Mukhang masungit! Parang sa mga kaibigan niya lang sumasama."
"Bakit? Baka hindi lang siya komportable?" I murmured as I saw her laughing with her friends. Kauupo lang nila at may pinag tatawanan na agad sa kanilang kwentuhan. Napatingin siya sa banda ko kaya kumaway ako ulit sa kanya at ngumiti. Tumango lang siya at iniwas na ulit ang tingin.
Binangga naman ako bigla ni Paulo sa balikat. "Huy, ano iyon? Trip mo ba kaya ka nagtatanong? Gusto mo pala iyong mga matatangkad ah!" Pangaasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Bunganga mo, gago. Baka marinig ka."
Inakbayan niya naman ako at nilapit sa kanya. "Huwag ka na d'yan p're, sinasabi ko sa'yo wala kang pagasa d'yan. Tsaka masyado iyang tahimik, parang boring?" Pagkasabi niya nun ay binitawan niya na ako at malakas na tinawag si Randy sa loob para makapaglaro pa sila ng basketball bago mag simula ang pang hapon na klase.
"Wala naman akong sinabi?"
Parang tanga talaga iyon. At anong boring?
Binati ko lang naman iyong tao to acknowledge her efforts, wala namang masama doon 'diba? Besides we're all classmates and we should all get along together. Tahimik na nga siya madalas at tanging mga kaibigan lang niya ang kinakausap. At baka kaya gano'n ay dahil wala namang nagtatangka na kumausap sa kanya maliban sa kanila? Mukha naman siyang mabait, talagang masungit lang ang tingin sa kanya dahil hindi siya palakibo.
Pumasok na ako sa loob at napatingin ulit sa gawi niya. She was still laughing with her friends while talking to them. Her straight and long black hair was swaying as she moves.
She seems enthusiastic and full of energy. Her face was also glowing as she gestures with both of her hands, and her almond and dark eyes are even lively, very far when she's just alone and sitting in a small corner of our classroom.
Walang ekspresyon at parang palagi lamang malayo ang iniisip, o kaya naman phone lang niya ang kaharap. Malamlam rin ang mga mata at parang inaantok. Though, despite her aloof aura, I'm happy that some of our classmates are still trying to talk to her. Hindi nga lang nagtatagal kasi either may tinatanong lang sila o kaya naman ay nanghihiram lang ng kung ano sa kanya.
Marunong naman siyang makipag-usap sa iba pero bihirang-bihira. Parang takot siya sa tao. Mahina rin ang boses niya, hindi katulad kapag sina Mika ang kausap.
Para bang may dalawa siyang katauhan. At hinding-hindi mo makikita iyong isa kung hindi mo siya susubukan na kilalanin pa. Her walls around her are so damn high that for a moment, it made me hesitate if knowing this other side of her was even worth it. Ni hindi ko nga alam kung paano ko siya lalapitan kahit na pa ang lapit-lapit niya naman sa'kin. She feels so far away and distant to everybody, na kahit pa kausapin mo siya... you will instantly feel this barrier, like a strong field, to stop you from even taking a peak behind her walls.
Sariel Mendoza is a big mystery.
Ano bang meron sa kanya? Hindi ba ako magsasayang lang ng oras kung aalamin ko? At bakit ba gusto-gusto kung malaman?
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 9 - Beyond the Walls
Start from the beginning
