Chapter 8 - Burst of Feelings

Start from the beginning
                                        

Tangina.

"Sariel, I'm really sorry for confusing you. Alam ko naman na dapat sa una pa lang sinabi ko na e. Pero katulad mo, wala lang din siguro akong lakas ng loob." Panimula niya.

"What do you mean?" Dahan-dahan na rin akong tumayo para mas maharap siya nang mabuti. Hindi na ininda pa ang pagkirot ng sugat ko sa tuhod.

"Tama sila, gusto kita." He said without even blinking and while looking straight into my eyes. "Gustong-gusto kita..."

"H-huh? Paano-" Pakiramdam ko ay nablanko na ko sa sinabi niya at halos tumigil ang paghinga. Tanging malakas na kabog na lamang ng dibdib ko ang rinig ko sa tenga ko.

"I like you eversince we were in junior high school, Sari. Talagang hindi ko lang nasabi sa'yo 'to ng mas maaga kasi alam ko naman na wala akong pag asa sa'yo noong mga panahon na iyon. Bukod sa masyadong pa tayong bata noong mga oras na iyon, alam ko rin na iba ang gusto mo..." Kumunot ang noo niya na parang may naalala siya na hindi maganda. "You only had your eyes for one guy, I've seen it, and I know it wasn't me. No matter how hard I tried to excell in school, o magpapansin sa'yo, siya lang palagi ang nakikita mo. Idagdag pa na aalis rin naman ako kaya..."

"Ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko dahil hindi ko na siya halos maintindihan. Talagang nab-blanko na yata ako! Kailan ako nagkagusto—Ah, si Ian ba ang sinasabi niya?

Sino ba iyon? Charot.

"That's why after we moved up to senior high school, sinabi ko na lang sa sarili ko na kung magkikita pa ulit tayo sa mga susunod na taon at wala ka pa ring boyfriend at gusto pa rin kita, I'll take that as a sign to finally make a move on you. Hindi na ako magpapakatorpe. Hindi ko na sasayangin ang mga pagkakataon at ang oras. And somehow, the heavens decided to grant me my wish early this year... they finally gave me my chance, Sariel. And I definitely won't let it go again without giving it a fight,"

"So, I'm sorry if I confused you with my friendship. Iyon lang kasi ang nakikita kung paraan para kausapin mo ko. Para magkaroon ako ng rason para lumapit sa'yo. At para maging komportable ka sa'kin. I really like you Sariel. I've always like you. You don't know how long I've been keeping this words safe inside of me, hoping that I can say it to you in person one day. Though, I definitely didn't plan to confess to you in a bus stop but here we are I guess," He chuckled while looking around in place, a bit dismayed. "Sometimes, things doesn't really work for me."

Ako na ngayon ang hindi na makaimik pa at nakatingin na lamang sa kanya. Sinabi niya ba talaga ang lahat ng iyon? Totoo bang sinabi niya iyon? At sa'kin? Nababaliw na yata ako!

"Did it answer your question?"

"Gusto mo nga ako?" I blurted out the only thing that seems to register inside my head. Tama nga sina Mika at Yna, ako nga ba ang dense ngayon?

Hindi ka dense 'teh, ayaw mo lang mag-assume!

Tumango siya. "Are you mad?"

"B-bakit ako?"

He shrugged, still smiling. "Why not you?"

Hindi ko na kaya! Dapat pala hindi ko na lang tinanong ang mga bagay na ito. Hindi dapat, lalo na kung hindi pala ako magiging handa sa mga sagot niya.

Para akong binigyan ng test paper na wala sa mga ni-review ko ang kahit isang sagot!

Humakbang ako paatras sa kanya. He noticed it and his smile faded a bit.

"Uuwi na ako." Halos bulong kung sinabi.

"Ihahatid na kita."

Umiling agad ako. Hindi na makatingin sa kanya ngayon at pilit na ngumiti. "Hindi na. Kaya ko naman."

Tumalikod na ako at nag simula ng maglakad paalis.

"Sariel! Sandali," He called to me and I felt his hand on my wrist. "Will you avoid me after this? Please don't avoid me. Hindi naman kita pipilitin na gustuhin din ako e. Just... let me be with you, kahit kaibigan mo lang ulit, okay lang sa'kin."

Humarap ulit ako sa kanya. "Makukuntento ka ba na hanggang kaibigan lang?"

Napakurap-kurap naman siya. Ilang segundo pagkatapos ay dahan na dahan siyang tumango. Hindi naman ako makapaniwala. Seryoso ba siya?

"If it means having to stay with you, then I will try my best to be content with that. Kung anong kaya mo lang ibigay, Sariel. Tatanggapin ko."

"Are you really like this? You can have anyone, Lucas. Gwapo ka, matalino, mabait, at may maayos na trabaho. Why would you settle for someone like me?"

Hindi ko lang kasi maintindihan. Anong nakita niya sa'kin? Maraming nag sasabi na boring ako kasama dahil hindi ako madaldal. I'm not even that pretty, and I'm not like most girls who can carry their selves with enough confidence and knows what they want to happen in their lives. Kadalasan magulo ang isip ko. Kadalasan kahit ako... ayaw ko sa sarili ko at kung bakit ako ganito. Mahiyain, hindi expressive sa nararamdaman, takot palagi, at isang dakilang people pleaser. Kaya anong nagustuhan niya sa'kin?

"Because I just don't want to have anyone, Sari. Sinubukan ko rin naman e. Maniwala ka sa'kin, for how many years we are apart, sinubukan ko rin ibaling iyong nararamdaman ko sa iba. Kaso wala e—pardon my French— pero tangina, noong nakita ulit kita... bumalik lang lahat." May bahid na ng pait ang ngiti niya sa'kin ngayon. His eyes are almost blood shot that it almost made me think he was holding back his tears! "That's when I realized that it's only you I want."

Bumaba saglit ang tingin niya sa kamay niyang nakahawak pa rin sa'kin na unti-unti nang bumababa ngayon sa kamay ko papunta sa mga daliri ko at tuluyang bumitaw. I shivered slightly with the way he held my fingers briefly but softly, like it was a fragile thing he's scared would break the moment he grasped it too hard.

"Ikaw lang talaga..." He said sounding defeated and chuckling to himself.

"Lucas-"

"Fine, if you want, we can forget this never happened at all. Kalimutan mo na lahat ng sinabi ko! Just please... don't avoid me after this. Hm?"

Kung ganon nga lang sana kadali kalimutan iyon.

***

And there was you (Invisible Strings #1)Where stories live. Discover now