Bakit ko ba kasi tinitingnan iyon? Ang weird ko rin e.
"A-ano, okay lang naman. Nalalakad ko naman siya kaya hindi ko na pinatingin."
Mabuti na lang talaga at naturuan naman kami noong college kung paano gumamit ng cravat sa mga bali noong NSTP namin. Ang dami nga nun, mula ulo hanggang paa, at pinaka naging madali na nga ito sa'kin. Magagamit ko pala kasi dahil tatanda akong lampa!
I then heard him murmured something under his breath before shaking his head. Nakatingin pa rin siya sa paa ko at mukhang nag aalala sa lagay nito. Dalawa na tuloy kaming mukhang problemado rito.
I sighed. Na-guilty nanaman tuloy ako! Parang pakiramdam ko kasi binigyan ko din siya ng problema. He's supposed to have his rest day today while watching a movie, but now he's here with me. I'm also a fan so I know he's been waiting for that movie for years, pero nasira ko lang ang plano niya. Sana talaga kasi iba na lang ang inaya niya.
"Lucas, sorry talaga kung nag last minute cancel ako sa lakad natin, ha? Ayos lang naman talaga sana sa'kin e... kaya lang kasi alam kung mahihirapan ako mag commute sa lagay ko. Pasensya ka na kung... napapunta pa kita rito at nasira ko pa yata iyong dapat na lakad mo," Hiya na ngayon ang nararamdaman ko kaya hindi na ako makatingin pa sa kanya. "Pwede ka pa naman siguro humabol? Sayang iyong tickets mo e."
"No, why would I watched that alone? Kaya nga kita inaya kasi gusto kita kasama,"
Napaawang ang labi ko at umangat agad ang tingin ko sa kanya. Nakatitig na siya sa'kin.
"And why are you even apologizing to me? You didn't ruin anything, Sari. It was an accident on your part and no one wanted it to happen..." He heaved a sighed and finally stood up to sit beside me. Pinanood niya saglit ang mga taong nag aabang ng masasakyan sa paligid bago ulit nag salita.
"Ang sakin lang, sana sinabi mo agad ng maaga. Hindi naman ako magagalit e, I would understand. Now, I felt bad thinking that you have to forced yourself to go out just to meet me, when you are clearly injured and in pain. Baka mas lumala pa ang lagay mo niyan?" Marahan niyang paliwanag.
Umiling naman ako. "Hoy, hindi! Hindi ko naman pinilit ang sarili ko. Gusto ko rin talaga sumama sa'yo at manood, i-it's just that I know you will have a hard time assisting me. Ang hirap-hirap na nga mag commute rito, sobrang init pa! Tapos isa pa ako sa aakayin mo? Nakakahiya, babagal lang tayo lalo."
"Seriously? Iyon talaga ang iniisip mo? Sari, we really don't have to commute all the way there, you know? We can hail a cab or booked a taxi if you want. Ang daming paraan ngayon Sari, bakit iyon agad ang inisip mo?"
"Ang gastos kasi sa pamasahe!" Sa tingin niya ba hindi ko naisip iyon? Ang mahal-mahal kaya mag-booked dito!
"Ako naman ang gagastos?"
At talagang nakipag talo pa siya sa'kin!
"Kahit na! Ayaw kung gumagastos ka sa'kin. Libre mo na nga ako sa halos lahat e."
"Then we can just share the fare? Papunta at pabalik. What's the problem?"
Natigilan naman ako. Teka, nag aaway ba kami? Nang dahil dito? Babalikan ko pa lang sana ang naging usapan namin at kung may nasabi ba ako, nang marinig ko sa gilid ko ang bulungan ng dalawang estudyante.
"Hala, nag aaway yata iyong mag jowa."
"Ano kayang pinag aawayan nila? Nag-cheat kaya iyong lalaki?"
"Mara, huwag mo itulad lahat sa boyfriend mo, pwede ba?"
Nag buntong hininga naman ulit siya at mayamaya pa ay narinig ko ang bahagya niyang pagtawa. Natawa rin naman ako dahil para nga kaming tanga na nag tatalo sa maliit na bagay.
BINABASA MO ANG
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 8 - Burst of Feelings
Magsimula sa umpisa
