"Oo. Pero ano kasi Lucas..." I trailed off, chewing on my bottom lip. Paano ko ba ito sasabihin? "Hindi ko kasi kaya magcommute ngayon. May injury kasi ako, hindi ako makalakad nang maayos so..." Huminga ako nang malalim. "Pasensya na talaga, ano... baka pwedeng sa ibang araw na lang ito? Libre ko na lang." I carefully said, hoping na hindi naman siya magalit sa last minute cancel ko.
Ang angas mo rin naman kasi talaga Sariel, sinabi mo kung kailan malapit na iyong tao para sunduin ka!
"Wait hold on, you're injured?! Are you okay?" Tumaas nang bahagya ang boses niya kaya agad akong natigilan bago dahan-dahan na tumango.
"Uhm... yes. Kaunting sugat lang-" Hindi pa man din ako nakakasagot ng buo ay may mga pahabol na siyang mga tanong. Maingay pareho sa paligid namin kaya siguro nilalakasan niya rin ang boses niya.
"Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ka na-injured? Teka, ang tagal umusad ng mga sasakyan dito. Bababa na lang ako."
Mukhang bumaba na nga siya mula sa sinasakyan niya, pero nakalimutan niya yata patayin ang tawag kaya naririnig ko pa rin ang ilang ingay roon. He seems to be running towards here kaya lalo naman akong na-guilty at dahan-dahan na akong tumayo mula sa bench para antabayanan siya. Lumingon lingon ako kanan at kaliwa ko. Bahagyang nahihirapan pa na makakita sa malabong mata at sa maraming tao, but when I spotted a familiar figure trying to excuse himself in the crowd... I know it's him.
"Lucas!" Tawag ko at kumaway.
"Hey, where did you get injured?" Agad niyang tanong sa'kin ng makalapit at napansin ko pang umangat ang isang kamay niya para sana hawakan ako pero hindi niya tinuloy. "Was it serious?"
Umiling naman ako. "Sa tuhod at paa lang. Uh... hindi naman siya gano'n kalala. Noong nakaraang araw pa nga ito actually, hindi ko lang nasabi agad sa'yo kasi..." nakakahiya. I wanted to add, yet I stopped myself. It's already embarrassing enough na nadadapa pa ako when I'm this tall and in my age! Kahit nga kay Mika ay hindi ko sinabi ito kasi malamang ay pagtatawanan ako ng bruha. Baka masakal ko lang siya sa inis at hiya ako! Wala pa namang preno iyon kapag tumatawa.
"But can you walk? Hindi ka naman siguro naglakad papunta rito 'no?" He eyed me suspiciously. "Baka nag titipid ka nanaman?"
"Hoy hindi! Nag tricycle naman ako." Depensa ko. Baka maiyak na talaga ako ng tuluyan kung nilakad ko pa mula sa apartment hanggang dito sa sakayan. Kahit naman kasi madalas nag titipid nga ako sa pamasahe, ayoko naman mahirapan 'no!
Tinitigan ko naman saglit si Lucas. Wearing a knitted ivory shirt over a black pants, he stood tall before me. Hindi rin siya amoy usok o ano kahit pa nag-commute lang siya papunta rito. In fact he smelled good like an iris flower or was that lavender I smelled? Pinagpawisan ba siya? Pasimple kung inamoy ang sarili ko. Nakakahiya naman yata sa amoy ko. Parang mas mukha pa siyang fresh kaysa sa'kin.
Meron talagang mga taong pinagpala ni Lord.
"Sana sinabi mo agad sa'kin, hindi naman kita pipilitin sumama kung hindi mo kaya e," Giniya niya ako ulit paupo sa bench at nagulat pa ako ng lumuhod pa siya sa harap ko! "Saan ba rito iyong paa mong masakit? Nagpa-check up ka na ba?" He asked and lightly touched my foot that has been bondage. Naka strappy sandals lang kasi ako para hindi ako mahirapan.
Napakurap-kurap ako, tinitingnan siya. Ngayon na nakaluhod siya, halos magka-level na ang taas namin. I can even see the way his eyes move and how his thick and long lashes flattered when he blinks. Parang mas makapal pa yata ang pilik mata niya kaysa sa'kin.
And his lips are red and looks plump and soft. Nag l-lip balm kaya siya siya? Hindi sinasadya tuloy ay napahawak ako sa sariling labi kaya tumingin ulit siya sa'kin, mukhang nagtataka kung bakit binabalatan ko nanaman iyong labi ko! Ramdam ko ang pag iinit ng dalawang pisngi ko at agad akong tumikhim, binaba ang kamay at ang mata ay na sa paa ko ulit.
BINABASA MO ANG
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 8 - Burst of Feelings
Magsimula sa umpisa
