Kapag naalala ko talaga si Kayla, sumasakit ang ulo ko. Hindi naman ako usually mabilis mainis sa isang tao, pero iba talaga siya. Parang balak niya talaga ubusin ang kakaunti na lang na pasensya ko.
Bumunghalit ng tawa si Yna kaya natawa rin ako. Pero nang mapansin na napapatingin ang mga katabi naming table sa ingay niya ay agad ko na siyang sinaway.
"Tanga, deserve niya iyon! Papansin kasi siya." Aniya habang natatawa pa rin. "E paano niya naman ba nakuha iyong number nung Lucas? Binigay mo ba?"
Umiling ako agad. Bakit ko naman ibibigay?
"Nakuha niya yata sa registration form..."
"T'amo, breech of privacy pa siya ng guest! Napaka talaga no'n."
"I know! Tapos ako pa ang sinisisi niya ngayon? Gaga siya, nakakainis! Kaya naman kasi siya na-block dahil palagi siyang nag sesend ng mga pictures niya doon sa tao. Ano bang akala niya? Friends sila?"
Wala, nairita na talaga ako ng tuluyan. Ako kasi iyong na-bother para kay Lucas noong nakwento niya sa'kin. Hindi nga siya nag-consent noong kinuha iyong private number niya, tapos sesendan pa siya ng mga ganong klaseng litrato na mula sa taong hindi naman niya kilala at mas lalong hindi naman niya karelasyon! He was so troubled the last time I saw him and he even showed me her recent messages and photos. Muntik na akong mapadasal 'teh.
Anong pumasok ba sa isip niya at gano'n siya ka feeling close?
"Hayaan mo na, ib-block ko na lang siguro siya. No need to confront her about this Sariel, baka gano'n lang talaga siya sa mga kinikilala niya." Aniya nang mapansin ang itsura ko.
"Sigurado ka ba? Willing naman ako kausapin siya kung sakali," Nagpasalamat ako saglit sa waiter na nag dala ng mga order naming kape at cake. Ngumiti rin naman ito sa'kin at yumuko bago umalis. "Pagsasabihan ko."
Pinagtabi ko muna ang mga nasa lamesa namin at kinuhanan ito saglit ng litrato. Meron na akong pang-IG! I smiled happily while looking at the pictures.
Mabuti pala at hindi ako tinamad lumabas ngayong day-off ko. Ang ganda kasi rito sa coffee shop na pinagkitaan namin dito lang rin sa Makati. Hindi kasi talaga ako pamilyar sa mga establishments pa rito kahit na mag dadalawang taon na akong nakatira rito, hindi naman kasi ako palalabas at madalas doon lang kami gumagala ni Mika sa Poblacion at bandang Ayala.
This is actually our second time meeting after our reunion a month ago. Iyong una kasi, nag-insist siya na sa Century Mall na lang kami magkita since sabi niya pupunta naman din daw siya doon at may bibilhin. Ilang libro ang dala niya no'n, iyong iba ay halos mukhang bago pa at parang hindi niya pa nababasa! Sa sobrang tuwa ko, ako naman ang nang libre sa kanya sa kakainin namin, na noong una ay ayaw niya pa pero wala rin naman siyang nagawa.
Pansin ko nga, madalas siya rito ngayon sa Makati. Baka may trabahong ginagawa? I honestly thought na after niya maibigay sa'kin iyong mga libro, ang sunod na kita na namin ay kapag ibabalik ko na sa kanya ang mga iyon. But not later than two weeks, he messaged me again, saying that he's just near my area and if I would like to meet with him for a bit. Ang galing nga dahil sakto na wala akong pasok ngayon kaya pumayag ako. At para rito pala iyon...
Si Kayla talaga! Siya pa tuloy ang dahilan kung bakit nasa labas ako ngayon imbis na sinusulit ko lang ang araw ko sa kama ko. Pero pwede na rin.
As I swipe the pictures right, I realized that his arms and torso are present in some of the pictures. Kita pa ang mga linya ng ugat niya roon sa braso at kamay, his silver analog watch, phone, and car keys. Dahil nakapatong lang din ang mga iyon sa puti naming lamesa. Napanguso ako. Parang iyong sa mga nakikita ko lang sa pinterest...
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 7 - Of Assumptions and Denials
Start from the beginning
