And he was just listening to me with a smile on his face.
Communication is quiet easy when you don't think of it as a burden. His words echoed and I smiled.
It was past 9 PM ng makarating kami sa apartment ko. Almost 30 minutes din ang naging byahe dahil sa traffic, pero dahil nga naguusap kami kanina ay halos hindi na rin namin napansin ang oras. Ang daldal pala talaga niya!
Para siyang hindi nauubusan ng topic! Kung sa iba ito, malamang kanina pa drained ang social battery ko at nag s-space out na ako, pero masaya kasi siya kausap kaya nadadala rin niya ako.
And as we talked, I observed that our interest somehow aligned. Mahilig rin kasi siya magbasa ng mga fiction books, particularly english literally pieces na fantasy or action ang genre. He also reads japanese mangas, kaya siguro nakasabay ko siya manood noong isang araw sa isang sports manga adaptation movie. Naikwento niya pa sa'kin na may extensive collection daw siya ng ilang mga popular mangas at books na willing siya ipahiram sa'kin ang ilan kaya na-excite naman ang buong pagkatao ko at mas lalo pa tuloy niya akong napadaldal!
Feeling ko tuloy friends na kami. Ang hirap kasi makakita ng tao na same ang interest sa'kin. Si Mika kasi walang hilig sa pagbabasa kahit noon pa kaya hindi ko siya mahila sa mga gusto kung puntahan.
"Thank you talaga sa paghatid." Sabi ko ng pinagbuksan niya pa ko ng pinto. Ang dami na niya talagang ginagawang favor sa'kin! Part pa ba ito ng pag-sosorry niya? "Ano... mahihiram ko ba iyong mga libro mo sa mga susunod na araw?"
At talagang dinagdagan ko pa! Pero kasi iyong mga libro, nanghihinayang ako. Kung manghihiram lang muna ako sa kanya, hindi ko na kailangan gumastos pa sa mga libro sa bookstore na ang mahal-mahal at hindi ko pa afford sa ngayon. Paano ba naman kasi kahit may trabaho na ako, iyong sahod ko sapat lang para hindi ako mamatay for 15 days! Ang mahal pa ng renta ko dito sa apartment ko, kaya kalahati ng pera ko doon talaga napupunta.
"I can just drop it off to your work if you like?"
"Hindi. 'Wag doon." Umiling ako agad. Naalala si Kayla.
"Bakit? Para sana hindi ka na ma-hassle..." Naguguluhang tanong niya.
"E kasi trip ka nung isang kasama ko do'n e. Baka lang hindi ka maging comportable sa kanya."
Kilala ko na kasi si Kayla kahit ilang buwan ko pa lang siya nakakasama, at talagang dinidikit niya ang sarili niya sa mga lalaking gusto niya kahit hindi niya pa gano'ng kakilala. Nakikita ko kasi iyon sa tuwing may guest na lumalapit at tipo niya kahit alam niyang hindi dapat sa trabaho namin. Yna was always calling her out for that, pero palaging ang sagot lang ni Kayla ay good customer service lang naman daw ang ginagawa niya. Even our own supervisor likes her ways since because of that they can get a lot of 'tips' or gifts from the guests. Masaya na sila kapag may nauuto sila sa isang araw. Baka lang kasi gawin niya rin kay Lucas ang mga nakikita kung ginagawa niya kaya huwag na lang. Mahihiya lang ako sa tao.
Baka nga siya pa ang naabutan ni Lucas no'n sa check out noong naka-day off ako, at baka pa kinuha niya na nga talaga ang numero nito na nakalagay sa registration card kahit wala pa itong permiso.
Lucas didn't say anything after that and he seems to be lost in his thoughts.
"Uhm... wala bang nag t-text sa'yo lately na unknown number? Makulit tapos palaging nagpapakilala?" Tanong ko ulit, nakaramdam na ng kaunting hiya para sa katrabaho.
Tumingin naman siya sa'kin. "Parang meron nga akong nakita noong isang araw. Pero hindi naman kasi ako palareply kapag nakikita kung hindi ko kilala."
Tumango ako. Tama, dapat hindi niya nga replyan ang mga gano'n.
"Then how can I give my books to you? Kailan ba ang sunod na day-off mo?"
Inalala ko naman ang magulo naming schedule. "Hindi ko pa sigurado e. Baka kasi mabago pa."
Licking his lips a bit, he nodded his head. Tumingin siya sandali sa loob ng compound namin. Mukhang may gusto pa siyang sabihin kaya nagsalita na muna ako.
"Ic-chat na lang kita kung kailan ako ulit pwede." I smiled at him. "Tapos ikaw na lang ang magsabi kung saang lugar? Iyong sana mas convenient sa'yo para hindi ka na maabala."
Ang kapal naman kasi ng mukha ko kung ako na nga nanghihiram, tapos siya pa ang papapuntahin ko sa lugar na gusto ko? Syempre may trabaho rin naman siya.
"Or we can also just exchange our numbers?" He suddenly suggested, eyes a little wide as if he just realize something big. "Para makausap kita... nang mas maayos." Humina nang kaunti ang boses niya.
"Huh?"
Para saan pa? E may social media naman?
My face must have its own subtitle that made him lose his cool and rethink his choice of words, dahil agad siyang nagpaliwanag, bahagyang tumatawa.
"Kasi ano, madalas hindi rin talaga ako nag bubukas ng mga social media. Ngayon lang ako naging active ulit because of our reunion and since because I was one of the coordinator. But usually I'm really busy with work and I rarely check messages online so..." He tried to shrugged if off nonchalantly. "Mas convenient lang talaga sa'kin kung text or... call." He heaved a sigh and look away for a bit. Parang nabunutan siya ng malaking tinik.
Kumunot nang kaunti ang noo, finding it somehow amusing. I mean, he doesn't really have to explain that much just for a number, right? Bakit sobrang kabang-kaba naman siya diyan?
"Kung okay lang naman sa'yo, Sariel. You don't have to think about it too much if you're feeling uncomfortable giving your number to strangers," Aniya ng mapansin na natahimik ako, giving me an assuring smile after. "I'm fine with anything."
Umiling naman ako. Kinuha na ang cellphone sa bag. "No, it's fine. It's just a number, anyway."
Nagulat lang talaga ako kasi ngayon lang rin naman may nanghingi ng number ko na hindi ko kamag-anak o kaya kaibigan. And with this age and advanced technology we have? People usually just gave their social media accounts for easy communication.
"Besides you're not a stranger to me," I added, not looking at him as I fiddled with my phone on my hand. Well, not anymore. "So I don't think I'll be uncomfortable with you. Just give me a heads up first if you're going to call me, okay?" Pagbibiro ko na medyo totoo kasi ayaw ko talaga ng may natawag sa'kin ng walang pasabi.
Bahala ka dyan, titingan ko lang 'yan hanggang sa mawala.
I looked up to him smiling, and was about to show him my number when I accidentally met his eyes. Nagkakatitigan kami.
Does he always have to look at me that way? O ganito talaga siya tumitig sa mga kausap niya?
"Okay." He answered softly as he tried to avert his gaze to his own device. Tinipa na niya ang pinakita kung numero.
Either way, I decided to not give any meaning on that.
---
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 6 - Building Walls
Start from the beginning
