The fuck? Anong gagawin ko kung hindi ako ganon ka-sporty? Nahila lang din naman ako dyan!
"Aba gago iyon ah! Judge ka ba bakit ka judger?" Luminga-linga si Mika sa paligid. "Ikaw ba iyon Aldrein? Ka-boses mo e!"
"Ginagawa ko sa'yo? Baliw ka ba?"
"Hey, that's so harsh as a comment!" Si Grethel at inakbayan ako palapit sa kanya. "As if you excel naman agad on something on your first try 'no! Para naman kayong mga hindi nag Grade 2 niyan."
Please, Lucas, tapusin mo na iyan.
Nagawi ang tingin ko sa banda niya at nakita kung may kinakalikot na siya sa harap ng laptop ngayon. And for some reason, he looks annoyed and quiet embarrassed while he talks to the guy beside him.
"Bangko ka rin naman sa baseketball ah, so dapat ba hindi ka na lang din sumali?"
My eyes slightly widened. After that comeback from him, naputol na rin ang video at napalitan na ng bago.
"Oohhh! Sino iyong amoy sunog na iyon?"
"Na-bars ka doon!"
"Bakit niyo kasi inaaway?" Tumatawa na lalo ngayon sina Paulo at Randy habang nasulyap sa'kin.
Hindi na lamang talaga ako nag salita at nag pasalamat na sa wakas ay tapos na rin iyong clip na iyon! Pero ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko at bigla ay gusto ko mag bathroom break para huminga at mawala ako saglit sa paningin nila. Ang lamig pa man din sa buong venue ngayon, lalo tuloy akong nanginig sa kaba at hiyang nararamdaman.
Shit, ayoko talaga sa pakiramdam na napapahiya ako! Hindi kasi ako marunong mag handle ng mga ganitong situation.
"Mika, nasaan ang CR dito?" Hindi ko napigilan itanong.
"Ha? Hindi ko alam. Paulo, nasaan daw ang CR niyo?"
"Sa may likuran lang, malapit sa buffet service." Tumingin si Paulo sa'kin. "Okay ka lang, Sariel? Ang pula mo. Nakainom ka ba?"
"Oo nga 'teh. Gusto mo samahan kita?"
"Hindi na. Okay lang ako." Tipid akong ngumiti.
Nag-excuse ako saglit para pumunta sa banyo. Pagdating ko doon ay agad ako nag tago sa cubicle at malalim na huminga ng ilang beses. While I'm calming all my nerves, tumunog bigla ang phone sa bag ko.
A chat from Lucas then appeared.
Lucas: Sariel, I'm really sorry. Hindi ko alam na hindi ko pala nacut-out 'yun nung nag eedit ako.
Huminga muna ulit ako nang malalim.
Ako: Nakakahiya lang kasi nakita pa nila iyon. Mukha akong ewan do'n e hahaha pero okay lang.
Lucas: Galit ka ba sa'kin?
Ako: Hala hindi! 😭
Bakit naman pati ako magagalit? Sabi naman niya hindi niya sinasadyang ilabas iyon. At isa pa, ang tagal na no'n. Talagang nahihiya na lang ako makita iyon ngayon. Mukha kasi akong tanga! Ang gusgusin ko pa!
Parang ayaw ko na tuloy lumabas pa rito. Pwede kayang umuwi na? Nakakain naman na ako e.
Oo, okay na siguro iyon! Ang importante nag pakita ako rito.
Mag c-chat na rin sana ako kay Mika para ipaalam na uuwi na lang ako nang mag message ulit sa'kin si Lucas.
Lucas: Do you want out?
Ako: Huh?
Lucas: Kung gusto mo na ba umuwi?
Natigilan naman ako bago nag tipa ulit ng sasabihin sa kanya. Ang galing, paano niya nalaman na iyon ang iniisip ko?
Ako: Pwede na ba? Hahaha.
Lumabas na ako sa cubicle at inayos nang kaunti ang sarili ko sa harap ng malaking salamin. Lucas then replied after a moment. Palabas na ako ng mabasa ko iyon.
Lucas: We can. It's almost done, anyway.
"Oh," My lips parted when I saw him waiting right outside the door. Nakasandal siya sa pader ng madatnan ko, hawak ang kanyang cellphone, pero ng makita ako ay napaayos agad siya ng tayo. Ngayong mas malapit siya sa'kin at natitigan ko siya nang mabuti, natanto ko na ang tangkad niya pala talaga. I'm already wearing a three-inches heels so I know I am almost 6 ft. in height tonight, and yet I was only on his neck level. Napansin ko ulit ang kwintas na suot niya nung huli ko siyang nakita. The black chord one...
"Sariel, okay ka lang ba?" Aniya ng makalapit sa'kin. "Nasabi kasi ni Paulo na ang pula mo daw kanina at kanina ka pa rito, uminom ka ba?"
Napakurap-kurap naman ako. Ilang minuto na ba ang inabot ko rito para puntahan niya ako?
Mabagal akong tumango. "Okay lang naman ako..."
He sighed. "Sorry talaga sa kanina. I really didn't mean to embarrassed you that way. Dapat i-eedit ko talaga iyon kagabi, nakalimutan ko na sa pagod ko na rin at-"
"Ano ka ba? Ayos nga lang." I smiled at him to at least ease his worry. I didn't even realize he was this concern about my being or my feelings. Pero dati pa naman ganito na talaga siya, parang nature niya na maging mabait sa lahat.
He cleared his throat. "Uuwi ka na ba?"
"Sabi mo okay lang? Patapos naman na 'diba?" Sumilip ako sa kung ano ng ginagawa nila at halos nag k-kwentuhan na lamang sila ulit habang umiinom. Tapos na rin ang video, pero halos patay pa rin ang mga ilaw sa paligid, at tanging ilang light balls na lamang ang nag bibigay liwanag.
Para na tuloy kaming nasa bar.
"Oo," Tumango siya. Then after a while he said, "Hatid na kita sa inyo."
Sa gulat ko ay agad akong napailing. "Hindi na! Nakakahiya naman."
At saka kailangan pa siya dito ng mga kaibigan niya malamang! Baka nga may after party pa sila pagkatapos nito. Kaya bakit niya pa ako ihahatid? Kaya ko rin naman umuwi mag-isa.
Umiling din naman siya, mukhang mas determinado na ngayon. "No, I insist! Just treat it as my way of saying sorry to you... for what happened there."
"Pero nag sorry ka na 'diba? Okay na iyon." Ngumiti ulit ako to emphasize my point.
He bore his gaze at me. His onyx eyes looks darker in the dark. And surprisingly, there is something with the way he looks at me right now that made me gaze directly into his eyes too.
"No. It's not enough for me..." He whispered.
***
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 5 - Reunion
Start from the beginning
