Chapter 5 - Reunion

Start bij het begin
                                        

Their jokes continued for a while, it only stopped when someone projected a video of us during our high school in a white screen. Pinatay muna ang ilan sa mga ilaw. It was a compilation of pictures and videos taken from different students's point of view magmula ng Grade 7 pa lamang kami. Napuno ng tawanan ang venue dahil sa ilang nakakatawang videos, may ilan din namang naiyak dahil nostalgic daw talaga ang high school life namin.

I then watched it silently, a small yet bitter smile on my face. Remembering those days when life is much easier is indeed nostalgic. Kung mababalikan ko nga lang iyon, mas gusto ko pa na gumawa na lang habang buhay ng mga research papers and case studies, kaysa ngayon na ang palagi ko na lang iniisip ay kung paano ako makakasurive sa araw-araw.

Life is becoming more draining lately that even waking up feels so hard in the morning. On some days, even when I have my rest days, my body was heavy that I can't seem to get up and eat a simple breakfast. Palagi naman akong tinatawagan ng nanay ko para paalalahanan na huwag ko pabayaan ang sarili ko, and yet... sometimes I can't help but lie to her just to not worry her.

Pinili ko ito kaya dapat kayanin ko. I'm officially an adult now anyway, and I should not rely too much on my mother nor give her any stress with my own little problems. Dapat matuto na ako na ako lang.

"Mukhang gago ka do'n 'tol." Pang aasar ni Randy kay Paulo. "Jeje na jeje ang itsura mo e!"

"Pucha! Itong mga pinagkukuha naman ni Lucas puro mga unglamorous videos ko lang! Sagot ko pa man din itong venue niyo tapos ginaganito niyo lang ako." Maktol nito at pabirong nag dabog. "Kung sino talaga ang tatawa, pagbabayarin ko rito!"

"Kaya mo iyan, Pau!"

"Ang galing ni Lucas doon! Kuhang-kuha pagiging abno mo e."

"Ah, talaga ba Kristopher? Ikaw ang mag babayad nito lahat!"

Nangisi na lang ako. Napatingin muli ako sa unahan. Kuha naman iyon mula sa isang sports festival sa campus dati.

Oh, so this is now from Lucas compilations? Tanda ko nga palagi rin siyang may dalang camera noon sa tuwing may mga activities sa school. Natago niya pa pala lahat ng ito?

"Uy, 'diba ito iyong laro na sinalihan mo noong grade 10 tayo? Iyong softball." Bigla akong kinalabit ni Mika.

"Huh? Ah, oo. Iyan iyong pinilit lang ako kasi kulang sila."

Tumawa naman siya. "Shit, may video pala iyon! Tawang- tawa ako sa'yo doon e! Ang bagal mo kasi tumakbo."

Inirapan ko naman siya. "Thank you, ha."

Kinabahan tuloy ako kasi alam kung nakakahiya nga ako rito sa parte na 'to. Sana lang talaga hindi na ifocus ni Lucas sa may banda ko!

But to my horror, his lens began to zoom in and it instantly focus on my side! Kitang kita ang itsura kong nakasimangot na doon dahil sa init, na tyempuhan pa na pumalo sa banda ko ang bola kaya wala akong choice kung hindi habulin ito!

"Hala shit, ate ko sorry talaga. Nakakatawa pa rin talaga ito." Pinipigilan na ni Mika bumunghalit ng tawa sa tabi ko kaya sinamaan ko siya agad ng tingin. Halos hindi na rin ako makatingin pa sa malaking screen ngayon sa hiya, dumagdag pa na naririnig kong nagtatawanan na ang ilan panigurado dahil sa bagal ko kumilos!

"Ang cute mo naman Sariel tumakbo." Si Colleen.

"Parang hindi kumain, ah." Si Karissa, kasama sa mga natatawa.

Pulang-pula na ako sa hiya at gusto ko na rin matapos ang video ni Lucas. Bakit ba kasi sa'kin nag focus e kasama ko rin naman doon ang ibang mga ka-section niya!

"Si Sariel Mendoza ba iyon?" May narinig akong nag salita sa video.

"Hmm."

"Ang tangkad na tao, ang bagal tumakbo ah! Ang lamya niya masyado, dapat hindi na siya sumali dyan."

And there was you (Invisible Strings #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu