Hindi naman ako sumagot. Naramdaman kung humigpit ang yakap niya sa'kin.
"If the right person comes, he will love you the right way that you won't ever have doubts if he's being genuine or not. You will just know it in your heart..."
"But the heart is stupid, right?" Kaya nga nagiging tanga ang tao pagdating sa pag-ibig e, kasi mas pinipili nilang pakinggan ang puso nila kaysa utak.
"No... our heart definitely knows what it wants and it always chooses our happiness." She whispered.
"So, you don't regret marrying him?"
Naramdaman ko ang pag iling niya sa balikat ko. "If I didn't marry your father, then I won't have you, anak... and you're the only best thing that happened to me."
--- 🔅
We arrived at the venue 30 minutes earlier than the call time. The whole place is reserved for us, hence the decorations and tables are arranged for the reunion's general theme, including the balloons, the big banner at the center, and the chairs. Nasa likod ang buffet at sa gilid naman ay nandoon ang ilang alcoholic beverages na inaayos pa ng ilang mga server doon sa iba't-ibang mga kulay, ganoon din ang mga pastries na sponsored pa yata ng isang kilalang brand ng mga cookies. Whoa, this looks pretty expensive. May nag-shoulder ba nito lahat? Wala naman kasi akong nabasa na may ambagan e.
"This restaurant is actually owned by Paulo kaya malamang libre na itong venue. Iyong unggoy na iyon asensado na!" Si Mika na parang sinagot isa- isa ang mga tanong ko. "Iyong mocktails and beverages naman, ang alam ko kay Colleen iyan galing and those pastries are definitely from Trinity's."
"Mika! Sariel!" Grethel waived at us enthusiastically. Nagpaalam siya saglit sa mga kausap at nag mamadaling lumapit sa'min para yumakap. "Oh my gosh! I miss you guys so much! Ang tagal ko na kayong hindi nakikita!"
"Pota ang OA mo naman 'teh. Kakausap lang natin sa phone kanina." Si Mika, natatawa at yumakap rin.
"Tanga, iba pa rin iyong sa personal!" Lumipat naman ang tingin niya sa'kin. "Sariel, hanggang ngayon ang tahimik mo pa rin." Kinurot niya pa ang pisngi ko bago humiwalay sa'min.
"Madaldal ka lang talaga."
She just gave me another bright smile and then she pulled us to go to a certain table. May mga ilang tao na roon at ang ilan ay nakikilala ko pa kahit na mga nag-bago na rin ang mga itsura. Sina Colleen, Randy, at si Paulo. Ngumiti naman sila agad pagkakita sa'min. The two men even shared a knowing look after, before smirking at each other like they have an inside joke only to themselves. Kumunot nang kaunti ang noo ko pero hindi ko na lang pinansin. Dati pa naman, weird na talaga sila.
"Dito tayo! Dito ang table natin." Grethel said.
"Hello mga ate ko, kamusta na?" Colleen greeted first. "Mika parang hindi na ikaw iyan, ah!"
"Lalo bang gumanda?"
"Sagana ka siguro sa dilig?"
"Hoy gago! Tumahimik ka nga. May inosente rito, oh." Mika leaned to me.
Tumawa naman si Colleen. "Oo nga pala, forever baby mo iyang si Sariel. Huwag ka papa-corrupt diyan kay Mika, ha!" Biro niya sa'kin. Tumawa na lang ako. Hindi alam ang sasabihin. If only they know...
"Papunta na raw si LA. Na-traffic lang." Si Randy at pagkatapos ay binati ako bigla. "Hello, Sariel!"
"Long time no see, Sariel!" Si Paulo at kumaway rin sa'kin.
Tumango naman ako. "Hi! Kamusta?"
We talk for quite a while until some of our batchmates also started to come to our table. Nagkamustahan na ang lahat habang ang iba ay kumukuha na ng mga maiinom nila o kaya ay makakain. Everyone was loud as they talk about our highschool days, iyong iba ay naririnig ko pang tinutukso sa mga dating naging crush nila noon.
"Ito si Samantha, super crush niyan si Lucas before! Tanda ko pa halos araw-araw nadaan sa classroom namin iyan nila Lucas para lang sumilay!"
"Tumahimik ka nga! Hindi lang naman si Lucas ang crush ko do'n 'no!"
"O e sino pa ba do'n? Crush mo rin ako?"
"Uyyy! Diyan nag sisimula ang lahat e!"
"Paano kung kayo pala ang endgame ni Marlon, Samantha?"
"Tumahimik nga kayo! Hindi ko iyan type 'no! Ang pangit-pangit niyan e."
"Ang kapal nito! Mas lalo naman ako!"
Nangingiti na lamang ako sa nagiging usapan nila. They are still quiet funny despite the years that gone by. And for them to talk about their crushes, at our age, is amusing. Uso pa pala iyon? Ang tagal ko na ring walang crush kaya siguro parang hindi na ako familar sa term na iyon. Hindi ko alam kung dahil ba sa tunog siyang childish kapag sinasabi, o baka talagang wala lang akong natitipuhan?
Of course, I'm still not open for any relationships yet, but maybe a crush or someone to admire secretly—especially where I work—might not be a bad idea after all. Pang motivate lang ba para pumasok.
Napatingin naman ako sa banda kung saan ang ilan sa kanila ay dala ang mga sariling anak.
"Ang cute naman ng baby mo, kamukha talaga ng tatay niya!"
"Gaga sino pa ba magiging kamukha niyan?"
"Pang-ilan niyo na iyan? Hindi ba mahirap?"
"Kung kaya naman buhayin, go lang ng go! Basta huwag lang mag-aanak tapos gagawin lang din retirement plan in the future. Insurance ba iyan?"
May ilang natawa at sumangayon. "True! Mag-anak lang ng naayon sa estados ng buhay."
There seems to be a lot going on as I look around the place. Maingay na ang halos lahat at nagkakatuwaan na sila sa mga kanya-kanya nilang usapan. Tumayo na rin kami ni Mika para kumuha ng ilang appetizers sa buffet table. As we are busy getting our own plates, mas umingay lalo sa likuran namin.
"Hoy! Finally, dumating ka na rin! Anong petsa na?"
I know then the life of the party is finally here.
***
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 4 - Of Regrets and Happiness
Start from the beginning
