Chapter 3 - Coincidences and Second Chances

Start from the beginning
                                        

"Ano ka ba? Cool off lang kami nun."

"So cool off ba ulit kayo ngayon?"

"Depende sa magiging attitude niya sa'kin for the rest of this day."

Nag buntong hininga na lamang ako. Ang gulo talaga palagi ng relasyon nila.

Mag i-isang taon na sila ni Greg, pero kalahati no'n halos nag aaway lang silang dalawa. Paano ba naman kasi ang lala ng insecurities no'ng lalaki—not that I'm against it kasi lahat naman tayo may insecurities sa katawan, pero 'diba you should at least try to not let it affect your relationship with other people? Lalo na kung alam mong hindi maganda?— May anger issues pa siya kaya talagang trouble sila kapag sinasabayan ni Mika iyong topak ni Greg. Madalas naman nag papasensya ang kaibigan ko pero kasi ayaw na ayaw niya kapag kinokontrol siya sa mga bagay-bagay, lalo na kung pagdating sa pananamit niya. She always say:

In this age, women should learn to wear whatever the hell they want without care for other people's opinion, particularly MEN. Fuck them! Hindi naman kasi tayo nag aayos para bastusin lang sa labas o magpapansin. We dress up to feel good about ourselves. Kaya iyong mga sinasabi nila? It's only in their mindsets! Palibhasa kasi karamihan sa kanila mga manyak mag-isip!

Tama naman. Ang dami-dami kung nababasa sa internet, kapag nababastos iyong babae, iyong pananamit agad niya ang pupunain ng mga tao. Bakit hindi iyong nambastos? As if by wearing something that shows a bit of our skin, we are asking to be harassed. Na parang kasalanan pa namin ang lahat.

Society and how they make excuses to glorify men.

"Anyway, let's not talk about him anymore. Masisira lang ang araw ko," She huffed and looked at me. "Ang ganda-ganda talaga ng damit mo girl! Ang sexy mo nakakainis!"

"Hindi ba masyadong revealing?"

Ang sabi naman ni Lucas bagay sa'kin e.

Tumayo naman siya at pinalo ako. "Gaga ano ka ba? Tingnan mo nga iyong sa'kin oh," Tinuro niya ang damit niyang nasa kama ko. "Compare sa'ting dalawa mas lawad iyong akin! Don't worry, you look so fine!"

Napangiti lalo ako.

"Ako na mag-aayos sa buhok mo, ha? May nakita kasi ako sa internet noong isang araw, tingin ko bagay sa'yo iyon."

"Ikaw na bahala. Nandyan naman lahat ng gamit ko." Bumalik na ako sa harapan ng small vanity table ko at kumuha ng ilang mga pang-ipit.

"Si Lucas ang kasama mo bumili ng damit 'diba? Buti at wala naman siyang naging comment sa pinili mo?" Tumaas ang kilay niya at lumapit rin sa'kin.

Nag-isip naman ako sandali. "Wala naman. Siya nga ang unang nakakita niyan. Sabi niya mukha raw kasing bagay sa'kin."

Nakita ko naman agad ang pag ngiti niya nang nakakaloko mula sa salamin. Sinundot niya pa ako sa tagiliran kaya pinalo ko agad ang kamay niya! Alam ng may kiliti ako do'n e!

"Ano ba Mika?! Parang tanga ito." Umusod ako palayo sa kanya.

"Ikaw, huh... luma-lovelife ka na. Ayieee!" Humagikgik siya at sinundot-sundot ulit ako!

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Tinulungan lang ako nung tao." Hindi ko talaga alam kung saan niya kinukuha iyong mga iniimagine niya minsan. At saka bakit ba siya pilit ng pilit kay Lucas sa'kin?

"O talaga ba? E bakit kayo magkasama manood ng sine noong isang araw?" Tumaas ang isang kilay niya.

"Coincidence lang iyon."

"Ha! Sige, sabi mo e." She then murmured something under her breath. "Kung ganyan lang din sana si Greg, e 'di sana hindi kami nag-aaway ngayon." Sinuklay-suklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. "Bahala siya diyan. Hindi ako magpaparamdam sa kanya hangga't hindi siya nag-sosorry sa'kin!"

"Paano kung hindi talaga siya mag sorry? Makikipag-break ka na ba?"

She heaved a deep sighed, akala ko nga ay hindi na siya sasagot, and yet after a long paused she said, "I'll continue to give him another chance as long he deserves it."

"Kahit na malapit ka nang maubos?"

Second chances are already rare and considered precious when it comes to relationship. Kaya bakit bibigyan mo pa ng paulit-ulit na pagkakataon iyong taong hindi naman marunong magpahalaga sa mga iyon? Dahil mahal mo siya o dahil gusto mo ulit maging tanga? Hindi ko maintindihan.

"No, babe," Umiling siya, lumungkot nang bahagya ang mga mata. "That's when I would stop."

I realized then what probably my mother's words meant, the day her marriage with my father was finally annulled.

***

And there was you (Invisible Strings #1)Where stories live. Discover now