Chapter 3 - Coincidences and Second Chances

Start from the beginning
                                        

Lumabas agad ang account ni Lucas pagka-type ko pa lang sa username niya. A candid shot of him on his uniform and inspecting an aircraft, he filtered his display picture in black and white. Hindi na ako nagtaka na marami siyang followers at marami ring following dahil kahit dati pa marami na talaga siyang mga kakilala. Although napansin ko na kakaunti lang rin ang mga post niya at malalaki pa minsan ang interval. The latest is the one Mika mentioned where he was seen posing for a picture in front of the cinema where we watched the movie yesterday. With a short caption of:

"This is happiness :)"

Tanda ko iyon dahil ako ang nag picture no'n sa kanya na pinilit ko pa kasi ayaw niya noong una. Ako lang kasi ang gusto niyang picturan at nahihiya na ako kaya hindi na ako pumayag!

Nag-scroll ako sa baba at nahagip ko ang ilang mga comments sa post niya.

paupauaquino: Hala sino kaya nag-picture? Wala ito may tinatago na 😔

thebrandyt: Nanonood ka pala ng anime gar? Ngayon lang namin nalaman iyan 🤔

krismorales: Naks parang ang saya-saya mo boy ah. Good job ka dyan 💯

trinitys_: Oh my sister likes that movie too, should I give it a try?

miggy: Ah, kaya pala maaga umalis. 😊

Wala siyang ni-replyan sa mga comments kaya hindi na rin ako nag-abala pa na mag-tingin sa iba. Nilike ko na lang ang post na iyon at inexit ko na ang app. I noticed that Mika send me another message pero hindi ko na-view dahil paalis na 'ko ng apartment.

Papasok nanaman.

--- 🔅🔅

It was finally the day of the reunion. Tinawagan ko si Mika para dito na lang siya mag-prepare kasama ko at para sabay na rin kami umalis. Alas-6 pa naman ang mismong event, pero alas-2 pa lang naghahanda na kami dahil mabagal kami parehas kumilos. Lalo na siya dahil ang dami niya pang ginagawa sa mukha at buhok niya. Sa'ming dalawa kasi mas maayos talaga siya sa sarili. Ni hindi mo iyan mapapalabas na hindi plantsado ang buhok niya o kaya ay walang lip tint.

"Nakakainis talaga si Greg kahit kailan! Alam mo ba ayaw niya ako papuntahin dito sa reunion? Nakita lang na medyo revealing iyong suot ko, parang gusto na agad sumama." Aniya habang nagpapahid ng moisturizer sa mukha niya. "E hello? Mamaya mag iskandalo pa siya do'n bigla, mapahiya pa ako sa mga kaklase natin."

"Akala ko ba break na kayo no'n?" Tanong ko naman habang sinusukat ang nabiling damit ko sa harap ng salamin. It was not that fancy of a dress, but I must say that I like it because of its style and design. It was a mid length sleeveless champagne colored dress with low cut neckline and slit. Gusto ko rin na hindi gano'n kahaba ang slit nun sa dulo noong sinukat ko iyon kaya komportable ako gumalaw. It's stretchable too, so it hugged my slender body perfectly like it was really made for me. Timing pa na naka-sale din siya noong araw na iyon kaya iyon na agad ang binili ko at hindi na ako nagtingin pa sa ibang store.

Umikot ako para tingnan pa ang sarili ko mula sa likuran. I smiled.

One thing about myself is that I really like dressing up. Hindi ako mahilig sa mga make-ups pero mahilig ako sa mga bagong damit. I was born tall since I was young, that's why I always take advantage of my height when it comes to styling myself up. Minsan ay nag h-heels pa nga ako kung kailangan.

And I'd come to love my height because of that too. That's one of your best assets anak, kaya huwag kang mahihiya. At ingatan mo palagi iyang legs mo. Palagi iyong sinasabi ng nanay ko sa'kin kahit hanggang ngayon. Dati kasi ay ayoko ng height ko dahil palagi akong tinutukso noon na kapre ng mga kaklase ko. Parang mga baliw! Inggit lang sila kasi mas matangkad ako sa kanila kahit sila iyong lalaki.

And there was you (Invisible Strings #1)Where stories live. Discover now