Chapter 3 - Coincidences and Second Chances

Beginne am Anfang
                                        

"Oh, reunion— Wait, you're now going?!"

Tumango ako. "Nakapagpaalam na ako kaya makakapunta ako."

At sinabi ko bang hindi ako pupunta para magulat siya ng ganyan?

"That's great, Sariel! I was really hoping you could come."

"You're talking as if the party won't ever happen without me." Biro ko. Nag simula na akong maglakad palabas at sumunod naman siya.

"Where are you going to buy a dress?"

"Hindi ko pa nga alam e. Nag titingin pa kasi ako sa mga mura lang."

"I know a place here somewhere but let's eat something first. I bet you're hungry?"

Noong nabanggit niya iyon, doon ko lang din naisip na wala pa nga pala akong kinakain mula pa umaga dahil late na ako nagising. Naligo lang ako kanina at pagkatapos ay dumiretso na ako agad rito.

Lipas nanaman ang gutom ko.

"Did you already eat before coming here? Like breakfast or late lunch?" Tanong niya ulit ng hindi ako nakasagot agad.

"Actually, iyong kakainin natin ngayon breakfast at lunch ko pa lang," Pati na siguro dinner, gusto ko sana idagdag kaya lang hindi ko na itinuloy kasi nagbago agad ang expression ng mukha niya.

"Hey, it's bad to skip your meals!"

"Hindi naman palagi."

"Kahit na. Dapat kumakain ka pa rin sa tamang oras."

Para siyang si Mama sa mga sinasabi niya.

"Let's go eat first. You need to eat." Wala na akong nagawa nang hinawakan niya ako sa braso at hinila pababa sa second floor. Akala ko sa fastfood lang kami pupunta pero nag dirediretso siya hanggang sa mapunta kami sa tapat ng isang restaurant!

"Huy, mahal diyan! Sa food court na lang tayo," Hinila ko ang sleeves niya ng kaunti pero hindi siya gumalaw. "O sa fastfood-"

"Don't worry, it's my treat. Um-order ka na rin para sa dinner mo mamaya." Aniya at pumasok na sa loob, ako na ulit ang hila.

"E parang dinner ko na rin ito e..." Bulong ko sa sarili na narinig niya pa rin kaya sinamaan niya ako ng tingin. Oh, wow? First time ko lang yatang makita siyang agit na ganito. Strict ba siya sa pagkain?

"Sariel, just eat... please?"

Siyempre wala na akong sinabi, nag please na siya e.

Atsaka libre niya naman.

--- 🔅

Mika: So, kamusta ang lakad mo kahapon?

Ako: Walangya ka, hindi ka man lang nag chat!

Mika: Hahahaha nakalimutan ko nga, sorry na. Nag over time kasi ako kagabi e. Panira kasi iyong manager namin 😡

Mika: Nakabili ka na ba ng damit?

Ako: Oo. Tinulungan ako ni Lucas kagabi sa paghahanap.

Mika: OMG? So magkasama pala kayo ni Lucas kahapon?! 😮

Mika: WTF! So that explains the recent IG picture skdksjadk kinikilig akoooo

Kumunot naman ang noo ko. Picture sa IG?

Ako: Anong picture?

Mika: You're mutuals diba? Makikita mo agad iyon 👻

Ginawa ko nga ang sinabi niya dahil na-curious din ako. Ang tagal ko ng hindi nag bubukas ng personal account ko sa IG dahil wala naman akong ma-post kaya halos amagin na itong account ko rito.

And there was you (Invisible Strings #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt