"Really? I didn't even noticed that about me," Sa pagkakatanda ko kasi mahiyain lang ako buong buhay ko e. Ang observant niya naman sa mga tao. "But thank you for saying that." I gave him another one of my smile, feeling a bit happy for some reason.
Tumikhim naman siya at umiwas ng tingin saglit. Mumbling something under his breath, he suddenly pointed at the standee just behind me. "Do you want to take a picture?" He suddenly asked.
"Huh? Uh, oo sana..." Nilabas ko ang cellphone ko at pinicturan iyon nang isang mabilis ng umalis ang huling nagpapicture. "Okay na. Tara."
"You won't take a picture of yourself with it?" Takang tanong niya.
Umiling naman ako. "Hindi na..." Nahihiya ako.
"Oh c'mon! At least just take one or two pictures," He initiated and gently push me to stand at the center. Kinuha niya ang sariling cellphone.
"Huy, ito na lang ang gamitin mo!" Inabot ko sa kanya ang akin pero umiling lang siya at hindi tinanggap iyon.
"Ipapasa ko na lang sa'yo ang mga pictures mamaya." Tumawa siya at pumwesto na sa harapan ko. Nang makita na alanganin pa rin ako ay nag salita ulit siya. "Hey, it's okay. Strike a pose."
"Huh? Paano ba?" Lito kung sinabi dahil hindi talaga ako marunong mag-pose sa mga pictures! Usually, kung hindi naka-peace sign, sobrang boring ng mga litrato ko.
Tumigil naman siya at nag-isip saglit habang nakatingin sa'kin. After a bit, tinuro niya ang isang pwesto sa kaliwa ko, kung saan nakaupo ang isa sa mga characters. "Punta ka diyan," Sinunod ko naman agad siya. "Then, slightly lean closer and give me a smile."
"Okay." I try to smile with my lip closed.
"No, give me the bright one. With teeth." He gestured like he was also drawing a big smile on to his face. Natawa naman ako. Ang laki kasi ng ngiti niya!
"Yes! That's perfect. Continue smiling like that."
Surprisingly, as he took my pictures, my anxiousness started to fade away too and I did all of what he asked me to do. Tiwala sa lahat ng mga sinasabi niya. That's why, in the end hindi lang isa or dalawang pictures ang meron ako sa kanya. Grabe, nag mukha talaga siyang exclusive photographer ko kanina! Ni hindi na siya nag pakuha ng litrato sa'kin para sa kanya, puro ako lang talaga.
"Teka, mag picture naman tayo." Ako na ang nag presinta dahil mukhang wala na talaga siyang balak isama pa ang sarili niya. Hinila ko siya ng kaunti at naglakas loob na lumapit sa isang babae para magpapicture.
"Oh, sure. Wait lang!" Paalam niya sa mga kaibigan na kasama at kinuha ang cellphone ko.
I stood awkwardly beside him and did my signature peace sign while smiling, I then felt him lean closer to me, his head almost touching mine as he also did the same pose.
"Ang cute naman ng height difference niyo." The girl chime in happily as she gave me my phone back after a couple of shots. Nagpasalamat naman ako at tiningnan iyong mga pictures namin.
"Ipasa ko na lang din sa'yo mamaya."
"Mnn, okay. Are you going somewhere after this?" He asked, turning off his phone.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang maalala na mag hahanap pa nga pala ako ng damit! Napatingin ako sa orasan ko at halos 5 PM na pala. Teka, pupunta pa ba si Mika? Wala siyang paramdam ah!
"Maghahanap pa sana ako ng damit e." Sabi ko.
"Para saan?"
I gave him a look, hindi alam kung matatawa ba o ano. Seryoso ba siya? "Nakalimutan mo na ba? Reunion natin next week 'diba?"
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 3 - Coincidences and Second Chances
Start from the beginning
