Chapter 2 - Speculations

Start from the beginning
                                        

"Thank you!"

Mabilis ko lang ginawa ang reservation niya while also stating the details he needed upon check-in as well as the standard time of our hotel's check in and out. Ramdam ko ang titig niya sa'kin habang nag papaliwanag ako, pero tinuon ko na lamang ang mga mata ko sa gitna ng noo niya. Na medyo napababa pa kasi napapatingin ako sa kwintas na suot niya. It was not like the usual chain necklaces I always saw he wears whenever he was posting on his social media accounts, but just a black leather cord one. Simple lang ang design pero parang ang lakas ng dating kapag siya ang nag suot. Bakit ganon?

Binayaran niya na lang muna ang room at nag fill up na rin siya sa registration form para mamaya ay susi na lang ang kukunin niya. As I was busy posting and printing his copy of receipts, he asked me another question.

"Anyway, do you have... your answer now? Are you going?"

Napatingin ako sa kanya, kunot ang noo. "Ha? Saan?"

He chuckled, amused. "Ano ka ba? Sa reunion? Hindi ba sabi mo noong nakaraan titingnan mo pa sa schedule niyo?"

"Uh... kasi-" Hindi pa nakakagawa ng bagong schedule iyong supervisor namin at hindi pa ako nakakapagpaalam.— Iyan sana ang kadugtong ng sasabihin ko kung hindi lang ako nagulat sa agad na pag babago ng expression sa mukha niya.

He's pouting! He looks so dejected na naalala ko bigla sa kanya iyong alaga kung kuting noon na kapag hindi ko nabibigyan ng pagkain ay nag mumukmok sa sulok at tahimik.

Nang mapansin na nakatingin ako ay agad niyang binago ang ekspresyon niya at tumikhim.

"Pero si Mika, pupunta 'diba?" Bigla niyang tanong.

"Oo raw."

Tumango naman siya at pagkatapos ay nilabas ang cellphone. "I'll just make a call outside. Babalik na lang ako mamaya sa check-in time. Thank you." He smiled politely then before leaving, nag titipa nang mabilis sa kanyang cellphone. Tiningnan ko naman siya hanggang sa makalabas siya, binati pa ang mga guard.

"Huy, sino iyon? Ang pogi ha! Boyfriend mo?" Usisa sa'kin ng katrabaho ko na si Kayla nang lumapit sa'kin. Agad naman akong umiling.

"Hindi. Classmate ko lang dati."

"Classmate mo iyon? Gagi saan ka ba nag aral? Bakit wala akong naging classmate na gano'n dati..." She sighed, disappointed. "Pakilala mo naman ako." Tiningnan niya ang registration form ni Lucas at ang contact number nito doon. "May girlfriend ba siya?"

Hinablot ko naman sa kanya ang papel.

"Ano ka ba? Kunin mo na lang sa kanya mamaya kung gusto mo. This might be his private number, so you should ask for his consent first." At hindi ko alam kung may girlfriend nga ba siya! Ang sabi niya ay wala pero malay ba kung nag d-deny lang din siya para hindi na siya kulitin?

"Ang damot mo naman! Ang sabi mo hindi mo boyfriend." Maktol niya, medyo nairita nang ayaw kong ibigay ang registration paper sa kanya.

"Hindi nga. Ang sinasabi ko lang naman, mali na kunin mo iyong number niya ng wala siyang-"

"Tss!" Inirapan niya ako. "Ang sabihin mo, type mo rin kaya ayaw mo ibigay. Hindi iyong ang dami mo pang sinasabi!" At bumalik na siya sa sarili niyang computer, bumubulong sa gilid. Hindi na lamang ako umimik kasi nairita na rin ako sa mga sinabi niya. Bakit ba ang hirap kausapin ng mga tao ngayon?

"Sana sinaksak mo ng ballpen!" Ani Yna sa'kin, isa sa mga katrabaho ko nang sumabay siya sa'kin sa oras ng lunch break. Sa labas kami kumakain ngayon kasi sarado ang canteen tuwing Linggo kaya wala talaga kaming choice kung hindi gumastos sa labas. Halos umiiyak na nga ang wallet ko kasi paubos na ang laman, tapos ang tagal pa ng araw para sa sahod!

"Kung narinig ko lang na sinabi niya iyon sa'yo, yari talaga siya sa'kin!" Galit na galit pa rin siya. Parang mas galit pa nga yata siya kaysa sa'kin. "Ang feeling niya, akala mo kung sino! As if naman magugustuhan siya no'ng classmate mo. Bakit? Maganda ba siya?"

Natawa na lamang ako

I honestly appreciate it when someone gets angry for me. I don't know why, but maybe because I was shy in nature and whenever something like that happens to me... I just tend to keep the words to myself. I never voice it out, even if I was angry or hurt. Sanay na lang siguro talaga ako na gano'n mula noon pa. That's why whenever someone choses to stand up for me or just be angry at my stead, kahit sa pinakamaliit na bagay pa iyan... I feel happy.

"Sa tingin mo ba makakapag request ako ng off next week?" Iba ko sa usapan nang maalala ang tanong ni Lucas sa'kin kanina.

"Oo naman, bakit hindi?"

"E kasi baka alanganin iyon? May darating na grupo sa susunod na linggo 'diba?" Isa pa kasi ito sa inaalala ko kaya nahihiya ako mag magsabi sa supervisor namin.

She then waved at me dismissively. "Ilan lang naman iyon, kayang-kaya na namin iyon kaya sige na at mag off ka na. Anong araw ba?"

"Tuesday sana..."

Tumango siya. "Go ka lang. Papayagan ka naman, sigurado ako."

I smiled. "Sana nga."

***

And there was you (Invisible Strings #1)Where stories live. Discover now