"Nakakatawa 'diba? Grabe na talaga ang pangingielam ng mga tao sa buhay ng iba ngayon." Umiling-iling pa siya habang natatawa. "Kawawa naman si Lucas, naging hot topic pa."
"Ang big deal naman masyado ng love life niya."
Feel ko siya doon sa napagkakamalan na siyang bakla dahil lang sa wala pa siyang nagiging girlfriend. Grabe, basehan na ba talaga iyon ngayon para madetermine ang sexuality ng isang tao? Hindi ba pwedeng hindi lang talaga kami interesado mag hanap ng dagdag sakit ng ulo?
"Well, it's Lucas Benitez, what do you expect? He's like... everyone's golden boy." Nagkibit balikat siya at pagkatapos ay tumingin sa'kin ng makahulugan. "Parehas pala kayong mga single since birth ni Lucas 'no?"
Tumaas agad ang kilay ko. "Ano ngayon?"
"So, bakit hindi na lang kaya maging kayo?" She then giggled like a lunatic at pinalo niya pa ako sa braso!
"Para kang gago."
"Bakit?! Hindi mo ba type si Lucas? Pasok siya 'diba? Sa mga standards mo?"
Nag buntong hininga naman ako. Ito nanaman kami! "Please lang, tigilan mo ako."
--- 🔅
Sunday morning came and I was so surprise to see him in front of me! Pang umaga ako no'n sa shift, bandang 11 AM, ay may lumapit sa reception para mag tanong sa oras ng check-in. Iyong kasama ko sa shift ang una niyang nakausap pero nang mapansin ako sa gilid ay sa'kin siya agad lumapit.
Napakurap naman ako, hindi pa makapaniwala. One look and I know he's Lucas Benitez from our batch. He really matured so much through out the years. With his hair longer now than what he usually had when we were in high school. Palagi kasi siyang nasa clean cut dati, pero ngayon mukhang nag pahaba na siya pero malinis pa rin tingnan. Lumaki rin ang pangangatawan niya at mas lalong tumangkad. Even the way he dresses himself reminds me of those pinterest guys I often see on the internet. And yet despite the changes on his physical aspects, I can still recognize him based on his familiar features I did remember on his face.
His eyes and the tiny mole under it.
Mas mabilis talaga ako makamemorya ng mukha kaysa pangalan.
"Sariel? Dito ka pala nag t-trabaho?" Gulat niyang tanong. "Long time no see. Kamusta ka na?" He was all smiles to me as he leaned on the counter. He's wearing a white button down shirt na naka-open pa ang unang dalawang butones at nakatupi hanggang siko, at itim na slacks. Sa kanang braso niya ay bitbit niya ang isang itim rin na coat. Parang galing pa yata siyang meeting? Or event?
"Uh... ayos lang naman. May online reservation ka ba rito?" Tanong ko at tumingin sa desktop ko.
Umiling naman siya. "Actually, I have none. Mag d-direct reservation pa lang sana ako."
Tumango ako.
"Do you have any business here around Makati?" Ang alam ko kasi hindi siya rito nag t-trabaho.
"I have..." Tumango siya, parang nag iisip pa ng susunod niyang sasabihin. "Yes, that's why I'm here."
Ngumiti na lang ako. "Can I just borrow any of your valid IDs? Para lang sana magawan ko ng reservation."
"Yes, of course. No problem." Kinuha niya ang wallet sa bulsa at binunot roon ang unang ID na makuha. Bahagya pang tumaas ang kilay ko nang ang maiabot niya sa'kin ay iyong PRC ID niya.
Benitez, Lucas Alejandro Gramatica
Aeronautical Engineer
"Ano... congrats nga pala. Ang galing mo." I blurted out awkwardly as I return his ID, tinutukoy ang naging exam niya last year. Umawang naman ng kaunti ang labi niya, pero maya-maya ay ngumiti rin. Palagi talagang nakangiti itong tao na 'to. Porke't maganda ang smile mo, ganyan ka?
YOU ARE READING
And there was you (Invisible Strings #1)
RomanceShe was never a believer of love. Para kay Sariel Mendoza, na walang naging boyfriend since birth, requirement ba talaga na magkaroon ng lovelife para sumaya? Hindi naman 'diba? Then why does the people around her keep pushing her to have one? E ni...
Chapter 2 - Speculations
Start from the beginning
