Chapter 1 - Lovelife?

Comenzar desde el principio
                                        

Lucas Alejandro Benitez added you and 5 others to the group.

Lucas: Hi! Paki-add na lang iyong iba rito. Salamat!

Paolo: 👀

Lucas: Ano, bakit?

Paolo: Wala hahahaha. Sige i-add ko na iyong iba.

Randy: Seen siya oh. HAHAHAHAHA

Lucas: Please huwag kayong magulo, mga ungas. For reunion purposes kasi itong GC.

Paulo Aquino added 10 others in the group chat.

Randy Tolentino added Marie Laroza and 15 others in the group chat.

Lucas: Hi to everyone! This GC is solely made for our reunion concerns next week. I hope all of you can attend.

Samantha: Yes, pres!!! I'll be there for sure. See you guys! 😍😍

Colleen: Sure, Lucas. Naka-plan na siya agad sa schedule ko hahahaha.

Timothy: Pupunta sana ako kaya lang hindi kasi kaya balikan mula Pilipinas hanggang Dubai e 😢

Paulo: Kaya iyan Timo, mag bangka ka na lang. HAHAHAHAHA

Ian: I can't come, sorry. Treat ko na lang kayo next time.

John replied to Ian's message: Sus, busy ka lang maghabol e hahahaha

Atticus replied to Ian's message: Awat ka na pre, 'di ka na labs no'n 😔

Raniel: @Ian ikaw kasi e.  Na sa'yo na, pinatalo mo pa 😔

Ian: Tangina niyo talaga @John @Atticus @Raniel

Paulo: HAHAHAHAHA broken ka Ian?

Timothy: I say deserve ☺️

Timothy: At least hindi lang ako ang hindi makaka-attend sa reunion ☺️

Marie: Kukulit niyo pa rin jusq.

Trinity replied to Lucas message: Hi, yes of course I'll be there. See you, Lucas!

Karissa: 🤭

Lucas replied to Ian's message: Okay lang, Ian :)

Lucas: See you guys.

I sighed, smiling to myself. These guys didn't change much at all too, they are obviously the same people I remember back then. May mga propesyon na nga lang, pero halos parehas pa rin ang mga ugali nila. I am actually happy to see them slowly achieving their dreams. Parang noon kasi, mukha lang silang mga walang pakielam sa future nila at puro paglalaro lang ang alam. Pero magulat ka na lang ngayon, mga nakapasa na sila sa mga kanya-kanya nilang licensure exams, may maayos na trabaho, o kaya ang iba ay nasa ibang bansa na. Time really change people and their perspectives, huh?

Napatingin ako saglit sa orasan at nakitang patapos na pala ang break ko. Im-mute ko na lang sana muna iyong GC kasi panay pa rin ang tunog nito nang biglang may nag mention sa'kin. My brows furrowed.

Lucas: Hi, @Sariel Mendoza are you going to attend?

Napakurap-kurap ako. Gusto kung mag type ng isasagot sa kanya kaya lang nahihiya ako mag chat sa mga ganito. I-pm ko na lang kaya siya? Isa pa, hindi ko rin naman talaga alam kung makakapunta nga ako since hindi ko pa naman alam ang magiging schedule ko para sa susunod na linggo. Baka kung ano pa ang isipin nila kapag sinabi kung 'hindi', pero mahirap din naman kung is-seen ko lang siya...

I unconsciously peel the skin on my lips.

Maglalakas loob na sana akong mag tipa ng sasabihin ko nang binura niya bigla ang message niya sa group chat at nag pop out bigla ang profile niya sa private messages ko.

Lucas Benitez: I'm sorry if that made you uncomfortable. But then, are you coming next week?

Agad na akong nag tipa. Mas kalmado na ngayon.

Ako: Hi! Hindi ko pa kasi sure sa schedule ko pero try ko pumunta.

Ako: At bakit naman ako magiging uncomfortable? Hahaha!

Pumikit naman ako sandali. Damn it, I'm really suck at this!

Lucas replied to your message: Oh, okay. Pero sana makapunta ka. Mika said that she will attend.

Lucas replied to your message: Well, I just assumed that you are feeling a bit uncomfortable with the whole group chat thing since even back then you rarely messaged on our group chats. That's why I just message you directly.

My lips slightly parted. Oh, I didn't know he noticed that. Hindi kasi talaga ako nag c-chat sa mga GC kahit noon pa kasi hindi naman ako madalas makipag-interact sa mga usapan nila doon. Madalas nag babasa lang talaga ako kapag may mga announcements, o kaya kapag may mga away sila...

I admit, that serve as my entertainment sometimes.

Ako: Okay. Thank you for the invite, though! I'll let you know if I can come.

Iyon na lamang ang sinabi ko bago ko pinatay ang cellphone.

I'm not even expecting him to remember that nor remember me at all.

***

And there was you (Invisible Strings #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora