Chapter 1 - Lovelife?

Depuis le début
                                        

"Paano kung nandyan naman na? Hindi ka lang kasi tumitingin." She asked me again. Akala ko ba last niya na iyong kanina? Ito talaga, minsan na nga lang kami magkita, ganyang mga bagay pa talaga ang mga tinatanong niya sa'kin!

Nag buntong hininga naman ako at sumandal. "Alam mo Mika, kung nandyan man siya sa paligid ko, siya na lang ang bahala humanap sa'kin kasi sa totoo lang, wala akong panahon hanapin siya ngayon, okay? I'm too tired to even go out of my own house right now, mag hanap pa kaya ng j-jowain ko na sa huli hindi ko naman alam kung mag tatagal? O magloloko lang? Sinasayang ko lang ang oras ko."

Her lips parted from shock. Natahimik siya sandali para lunukin ang kinakain niya.

"Grabe ka naman sa mga hugot mo 'teh! Parang nasaktan ka na, ah." Tumawa siya pagkatapos. "Kalma ka lang."

"Hindi pa nga. At ayaw ko rin namang maranasan iyan."

Umilingiling siya, tinuro pa ako gamit ang fries niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin ubos. Ang daldal kasi! Napagusapan naman na namin ito noon e, kaya bakit nandito ulit kami?

"But Sari, it's part of life you know? Hindi mo masasabing fulfilling ang naging buhay mo kung hindi ka kailanman umibig at nasaktan. In this life, we are all destined to meet new people, girl, trust me. Be it for our lessons to learn, for the memories, or simply just because... you are fated with that person. Naniniwala kaya ako sa soulmates!"

"Ang corny mo, nakakainis! Kamusta na ba kayo ng boyfriend mo?" I asked to divert our topic to somewhere else. Ayoko talaga ng mga ganitong usapan.

"Kaya dapat Sari, kapag nakita mo na siya... at naramdaman mo na siya na, huwag ka nang magisip pa at maghanap ng iba," She continued, ignoring my question. Kumunot naman ang noo ko. May problema nanaman ba sila?

"Kasi ikaw lang din ang mahihirapan. Ikaw lang din ang masasaktan." She then smiled at me sadly, her eyes red and glassy. Kumuha pa siya ng tissue para punasan iyon agad para hindi ko mahalata na naiiyak nga siya!

"Mika-"

"No, I'm okay. Napuwing lang ako!" Dinaan niya ulit iyon sa tawa at nagpatuloy na lang siya sa pagkain.

Nagalala naman ako para sa kanya. Mukhang may problema nga siya ulit sa bago niyang boyfriend kaya kami lumabas. You see, this is one of my many reasons why I didn't even try to get into a relationship even once, because it's just a cycle of getting your heart broken over and over again until you meet the right person... if you even find that right person they are always talking about.

A never ending cycle of trial and error.

Bago pa man dumating iyong taong hinihintay mo, sirang-sira ka na.

Baka nga kaya ayaw ko sa love, kasi wala pa akong nakikita na masayang relasyon sa tanang buhay ko. Even my parents annulled their marriage early because they just found out, halfway of their marriage, that they didn't get along well with a lot of aspects and that they are not happy anymore. And while my mom stayed single while raising me all by herself, my father has already found his new family and was trying to rebuild his life like our existence didn't ever happened to him.

Pero okay lang naman iyon... ganon talaga siguro.

Love, even if bound by the sacred vows of marriage would fail if it's not true. But how can you know when it's true, anyway? Do you just feel it? Do you just... know it?

--- 🔅

"May high-school reunion daw tayo sa isang linggo, ah! Makaka-attend ka ba?" Tumawag sa'kin ang isa ko pang kaibigan na si Grethel, isang araw habang nasa break ako sa trabaho. Uminom muna ako ng tubig at pinunasan ang pawis na tumulo mula sa noo ko. Sobrang init ng panahon ngayon, feeling ko malapit na akong mamatay dahil sa init! Kung hindi ko lang talaga kailangan lumabas para bumili ng pagkain, hindi ako lalabas e!

And there was you (Invisible Strings #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant