"Nag-away pa talaga," iling ko at dali-daling iniliko ang sasakyan papunta sa kabilang way.

"Napalayo pa tuloy ako, tsh," Inis ko pang bulong ngunit agad ring napaisip na mas matatagalan ako kung maghihintay ako roon.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makaliko na. Agad naman akong napangiti dahil weekend na ulit bukas at dahil natapos ko naman na ang mga schoolworks ko ay naisipan kong huminto muna sa isang grocery upang bumili ng mga sangkap sa pag-babake. Balak kong gumawa bukas ng lemon cake para ipatikim ko rin sa mga kaibigan ko dahil nagustuhan nila ang huling ginawa kong cupcake para sa kanila.

Hanggang sa pagbaba ng sasakyan ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. Papasok na sana ako ng grocery nang biglang may sumabay sa 'kin sa pagpasok dahilan upang masanggi ako nito.

Hindi kona sana papansinin 'yon ngunit sumama ang tingin ko sa lalaki dahil hindi manlang ito nag-sorry! Inirapan ko ito nang tuloy-tuloy lamang itong pumasok na para bang wala siyang nasanggi.

Pinakalma ko naman ang sarili. No! Walang dapat makasira ng mood ko today, okay?

Ngumiti ako at kumuha na lamang ng cart. Hindi dapat masira ang mood mo Czerina dahil lamang sa lalaki na 'yon! Pagka-usap ko pa sa sarili.

Hindi ko na sana ito papansinin pa ngunit nangunot ang noo ko nang makita ko ang lalaki sa peripheral vision ko na natingin sa 'kin. He's wearing a black hoodie at bahagyang nakayuko ito dahilan upang hindi ko makita ang itsura niya. Hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy na lamang ang ginagawang paghahanap ng mga ingredients na kakailanganin ko.

Akala ko ay titigilan na ako ng misteryosong lalaki ngunit hanggang sa pagbalik ko sa sasakyan ay ramdam ko na may nakatingin sa 'kin. Dahilan upang nanginginig akong binuksan ang makina ng sasakyan ko.

Nang medyo nakalayo na sa lugar ay nakahinga na ako ng maluwag. Para bang natanggal ang kaninang nakasakal sa leeg ko. Napahigpit ang hawak ko sa manibela nang maalalang hindi ito ang unang beses na nakita ang lalaking iyon. Kahit noong mga nakaraang araw ay alam kong iisang lalaki lamang ang nararamdaman kong sumusunod sa 'kin... kahit sa school. Iisa lamang ang suot nito... black hoodie.

God. He's creepy!

Nagpatugtog na lamang ako sa loob ng sasakyan upang hindi na maalala ang lalaki. I opened my Spotify apps on my phone and connect it to the speaker. Nang ibabalik ko na ang tingin sa harapan ay agad akong napaliko nang makita ang sasakyan na sasalubungin ako.

My heart began racing as another truck approached us. Ngunit halos manigas ako sa kinauupuan nang hindi ito dumiretso sa akin dahil dumiretso ito sa kaninang sasakyan na sumalubong sa 'kin.

Lalong bumilis ang paghinga ko nang akala ko ay nakaligtas na ako ngunit naramdaman ko na lamang na bumangga na ang sasakyan ko sa isang puno. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, hindi ko na alam ang sumunod pa na nangyari dahil nararamdaman ko na ang unti-unting paglabo ng paningin ko at ang dugong tumutulo na ngayon sa noo ko.

Lumayo ako ng kaunti sa kaniya nang mapagtantong ang lalaking nasa harapan ko... ang lalaking naging mabuting kaibigan sa akin... na kahit hindi ganoon katagal ang pinagsamahan namin ay palaging nandiyan para sa akin...

Mariin akong napapikit nang maalala ang sumunod.

Ang lalaking kahit itanggi ko sa puso ko ay nararamdaman ko nang nagkakagusto na ako rito... ay ang lalaki pala na naglagay rin sa akin noon sa kapahamakan.

I shook my head... still trying to find a reason why he did that. I couldn't even move my feet... I was numb... he put my life in danger.

Biglang bumalik sa akin ang sinabi ni Riley noong nakaraan...

"He once killed you."

I bit my lower lip and put my hand on my chest... I couldn't breathe properly... It hurts... sobra. Tangina.

Kahit nasasaktan sa nalaman ay pinilit kong iangat ang mukha ko upang tignan siya. His eyes were bloodshot. Kahit nakikita kong pinipilit niyang ipakita sa 'kin na wala siyang pakielam ay kitang-kita ko ang pagsisisi at sakit sa mukha niya.

Hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman dahil sa nalaman. Parang namanhid bigla ang buong katawan ko. Words couldn't explain how much it hurts... it shuttered my heart into pieces and its too heavy to carry. Hoping to Him to heal my heart after this.

Ilang minuto pa ang lumipas nang ganoon lamang ang sitwasyon namin. Tuluyan na kaming nilamon ng katahimikan. Malalim ang iniisip niya habang ako naman ay hindi na makagalaw sa kinatatayuan.

While my mind is still occupied with a lot of thoughts... I felt something...

He pressed his lips against mine.

I froze in shock, I couldn't even move. Masyadong mabilis ang pangyayari! Hindi ko namalayan ang sarili kong itinulak na pala siya ngunit dahil sa panghihina ay mahina lamang 'yon. Ngunit sapat na 'yon upang maghiwalay ang mga labi namin. Kita ko ang sakit na gumuhit sa mata niya dahil sa ginawa ko.

I slapped him. Again. Harshly. Kulang pa 'yon sa sakit na ginawa niya sa 'kin noon. God, I was traumatized because of the incident that he caused. Pagkatapos nito ay hindi ko na alam kung kaya ko pa bang magtiwala sa tao. I felt betrayed.

"C-Czer..." pumiyok siya.

Napapikit ako nang marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. I breathe heavily to bring my heart to its normal pace.

Magsasalita pa sana siya nang maunahan siya ng kung sino.

"Sinong tao riyan?" rinig kong boses ni Daddy.

Narinig kong bumukas ang gate ng bahay namin. Dahil sa panghihina ay hindi ako nakagalaw sa pwesto ko. Hindi ko alam ngunit wala na akong pakielam kahit makita ako ni Daddy na may kasamang lalaki.

Hindi na rin ako nagulat nang mabilis na nakaalis ang lalaki sa harapan ko at nagtago sa may puno na hindi nalalayo sa poste na pinagpupuwestuhan ko.

"Czerina?"

Nag-angat ako ng tingin nang makita ang gulat sa mukha ni Daddy. Agad kong pinunasan ang luhang natuyo na sa mukha ko at nakangiting hinarap siya.

"Daddy! A-Ah may p-pusa pong nag-aaway... pinaghiwalay ko lang po hehe..." pinilit kong ayusin ang pananalita ko ngunit nabigo ako.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang walang nagbago sa ekspresyon ng mukha niya.

He nodded. "Pumasok kana rito, mahamog na..."

Gusto kong pasalamatan si Daddy nang hindi na siya nagtanong pa kahit na nahalata niya ang pamumula ng mata ko dahil sa pag-iyak.

When I entered my room, doon na tuloy-tuloy na bumuhos ang luha ko. Kinailangan ko pang takpan ang bibig ko upang walang makarinig ng paghikbi ko.

Please Lord... make my heart strong enough and help me to get through this...

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now