Chapter 6

348 34 0
                                        

Chapter 6

"Napasa mo na yung gawa natin?" tanong ko kay Hazze.

Tumango naman siya.

Nakatambay kami ngayon sa bahay nila Finn. Bigla kasi itong nag-aya na manood ng movie sa bahay nila.

Minsan lang mag-aya si Finn kaya pumayag na kaming lahat, haha!

Itinuon ko na ang tingin sa TV.

Maya-maya pa ay dumating na ang mga pagkain na in-order ni Finn para sa amin. Tinigil na muna namin ang panonood at kumuha na ng kanya-kanyang pagkain.

"Arigato, Kaito," sabay-sabay naming sinabi at pinagdikit ang pizza na hawak namin.

Natawa naman si Finn. Nasanay na siya na sa tuwing magpapasalamat kami sa kaniya ay gano'n ang sinasabi namin. Lalo na kapag nililibre niya kami. Spoiled kaya kami kay Finn, haha!

Busy kaming lahat sa pagkain nang biglang nagsalita si Rence.

"Hindi ko gusto yung bago nating kaklase."

Malakas na tumawa si Ryke.

"Malamang hindi naman babae yu--" binatukan siya ni Rence. "Aray!"

"Iba tinutukoy ko, gago!" pikon na sigaw ni Rence pabalik.

Nagulat naman kami nang biglang magsalita si Finn.

"Mukhang hindi siya taga-rito." bulong niya.

"Like, bro, napaalis niya sa upuan ang Captain natin, hahaha! Angas nun ah!" ani Rence. Tila hindi makapaniwala.

"Tsk," inis naman na sabi ni Hazze.

"Pero pansin ko lang... everytime na makaka-eye contact mo siya parang nakakatakot yung mga tingin niya. Laging pa namang seryoso yung mukha non," Ryke added. Bumaling siya ng tingin sa akin. "Buti natatagalan mo katabi yun, Czer."

I just shrugged.

"Okay lang naman siya katabi, tahimik," tipid kong sagot.

Ang panonood dapat namin ng movie ay nalipat sa pag-chichismisan tungkol sa bago naming kaklase.

"Bakit kaya hindi pumasok si Riley?" wala sa sariling sabi ko nang kinabukasan ay hindi ito pumasok.

Napabuntong-hininga ako.

Nandito kaming lahat ngayon sa gymnasium, may announcement daw kaya lahat kaming mga senior high ay pinababa.

Maya-maya pa ay dumating na ang principal at pumunta sa stage.

"Quiet, students," panimula nito.

Tumahik naman ang lahat at hinintay ang susunod niyang sasabihin.

"Sorry students for suddenly bringing you here. On next month, we will have our intrams--" napatigil ito sa pagsasalita nang biglang magsigawan sa tuwa ang mga estudyante.

Hinintay pa muna nitong tumahimik ang lahat bago magsalita muli. "So, on next month, we will have our intrams, to all players you should start on next week to prepare and practice. All of you will be excuse... balita ko ay magaling ang school na makakalaban ng ating school, especially basketball. Pero may tiwala ako sa inyong lahat, players," marami pa itong sinabi bago natapos ang announcement.

"After nito ay maiwan ang mga players, that's all, you may go back to your respective room, thank you."

Pagkatapos ng announcement ay umakyat na kami ni Finn pabalik sa room.

Naiwan naman sila Hazze, Ryke, at Rence dahil player silang tatlo ng basketball.

"Tingin mo San Lorenzo University ulit ang makakalaban ng school natin?" tanong ko kay Finn.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now