Chapter 7
Dahil sa nangyari ay lalong naging awkward at mas lalong hindi ako naging komportable sa katabi ko ngayon. Lalo na't minsan ay nararamdaman ko ang mga tingin nito sa akin.
Urgh! Kung hindi lang sana ako nahuli ay hindi sana mangyayari 'to!
Nang matapos na ang last subject namin ay nakasabay pa namin itong lumabas at nang makapunta na kami sa parking lot ay napansin ko naman agad ang sasakyan na nilapitan niya. Ibang sasakyan na.
Bakit siya nagpalit?
"Bye!" paalam ni Riley kaya naman tumingin ako sa kaniya at nagpaalam na rin. Tumingin naman ako sa apat at nagpaalam rin sa mga ito bago sumakay.
Bumusina pa muna ako bago umalis.
Nakita ko naman si Daddy na naglilinis ng sasakyan niya nang makauwi. Pagkababa ko ng sasakyan ay lumapit agad ako rito at nagmano.
"Busy ka Dad, ah," turo ko sa sasakyan niya.
Tumayo naman ito at nagpagpag ng damit.
"Oo, matagal na rin nang huling beses na nalinisan ko 'tong sasakyan na 'to." napapakamot na ulong sabi niya.
Iniwan ko na si Daddy para makapagpahinga na dahil mag-aaral pa ako mamaya ng mga ni-lesson namin kanina.
Ilang araw pa lamang ang nakakalipas ay naging usapan na ang bago naming kaklase. Hindi dahil may issue ito o kung ano pa man. Kung hindi dahil sa itsura nito. Well, kahit ako rin naman ay hindi maitatangging gwapo ito. Pero ang iba ay masyado nang OA, alam mo 'yon? May iba pa na naghihiyawan at napapatili pa kapag dumaraan ang lalaki: Sa room, sa hallway, o kahit na rin sa canteen.
Matangkad. Maputi. Perpektong pagkaka-ukit ng mukha. Sino ang hindi mahuhulog?
Mukhang naiinis na tuloy ang lalaki sa pinaggagagawa nila.
"Girls, have you heard? May newbie daw sa kabilang section and he's so handsome!" rinig kong irit ng isang babae pagkapasok ko ng school.
Huli kana sa balita 'te, nung nakaraan pa siya pumasok dito sa school!
"Really? Nalaman mo ba yung name?" kinikilig na tanong ng isa.
Hindi ko na sila pinansin at umakyat na papunta sa room namin.
Pagkapasok ko ng room napansin ko na wala pa yung lecturer namin. Pumunta na ako sa upuan ko at napansin ko na busy sa ginagawa ang seatmate ko.
Nagd-drawing siya?
Nang mapansin niya na may nanonood sa kaniya ay bigla niya itong tinago. Damot! Tumitingin lang naman!
Palihim ko itong inirapan at kinalabit na lamang ang nasa harapan ko.
"Kamusta yung gawa niyo ni Rence, pinahirapan kaba nun?" tanong ko kay Riley.
Natawa naman siya.
"Napasa na niya kahapon pa, actually, okay naman siya ka-partner... sa kaniya nga yung idea na ginawa namin hihi," nakangiting sabi nito na animong kinikilig.
Ngunit hindi rin nagtagal ang ngiti niya nang mabaling ang tingin niya sa katabi ko. Umayos ito ng upo at tumingin na sa harapan.
H'wag niyang sabihin na type niya rin 'tong katabi ko? Eh pano si Rence?
Maya-maya pa ay dumating na ang lecturer namin. Nag-lesson ito at nagpa-quiz ng 50 items!
"Hindi ko talaga gusto 'yang teacher natin sa Biology!" naiinis na sambit ni Rence pagkalabas namin ng room.
Tinapik naman siya ni Ryke.
"May makarinig sa 'yo patay ka."
"Totoo naman eh, isipin mo, lagi na lang tayong pinag-ququiz sa tuwing wala siya sa mood, hanep!"
VOCÊ ESTÁ LENDO
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
