Chapter 3
Maaga akong gumising dahil ayokong ma-late sa first day of school.
Nang mahanap ko na ang room namin ay nakita ko agad ang mga kaibigan ko.
"Czer, dito ka!" tawag ni Ryke.
Lumapit ako sa kanila at umupo sa bakanteng upuan.
"Wala pa si Hazze?" tanong ko nang mapansin na silang tatlo pa lamang ang nandito.
"Wala pa, nag-message pa naman ako na sabay kaming papasok. Baka ma-lalate," ani Rence.
Tumingin naman ako kay Finn.
"Pasalubong ko?" tanong ko at bahagyang inilahad ang kamay rito.
Napatingin naman siya sa 'kin.
"I forgot to bring the pasalubong, ipapa-deliver ko na lang sa mga bahay niyo." napapakamot na ulong aniya.
"Naks! Hihintayin ko yan ah!" excited na sabi ni Rence. Tumango naman si Finn.
Maya-maya pa.
"Oh, nandiyan na pala si Idol!" malakas na sigaw ni Rence. Ingay talaga!
Napatingin naman ako sa may pintuan, nakita ko mula sa malayo ang inis sa mukha ni Hazze. Napansin ko naman ang halos hindi mabilang na mga babae sa likuran niya na pinagkakaguluhan siya. Kaya naman pala nakabusangot.
"Ang aga-aga parang mas mainit pa ang ulo ng isa diyan kumpara sa init ng sikat ng araw ah!" salubong ni Rence nang makalapit ito sa amin. Hindi siya nito pinansin at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Maya-maya pa ay dumating na ang lecturer namin. Nagpakilala ito at nag-check ng attendance.
"Marquez."
"Present."
"Perez."
"Present, Miss."
"Sorian--" napatigil ito sa pagsasalita nang biglang may pumasok.
Napatingin naman kaming lahat sa bagong dating. Napansin naman nito na nakatingin na sa kaniya ang lahat kaya naman nahihiyang yumuko ito.
Tumingin siya sa lecturer. "Sorry, Miss--"
"You may seat," hindi na siya pinansin nito at nagtawag na muli.
"Lorde."
"Present, Miss."
Nakita ko namang umupo sa harapan ko ang bagong dating.
"Morris."
"Present," sagot ng babae na nasa harapan ko.
Napatingin naman sa kaniya ang lecturer.
"...Miss," dugtong ng babae.
Tinaasan siya ng kilay ng lecturer.
"Stand up," utos nito at agad namang sumunod ang nasa harapan ko.
"Are you transferee?"
"Yes, Miss," magalang na sagot ng newbie.
"Then, introduce yourself."
Mukhang nagulat naman ito.
"M-Miss?"
"You heard me," mataray pa ring aniya ng lecturer.
Walang choice ang babae kundi humarap sa buong klase at pilit na ngumiti.
"H-Hi, I'm Riley Jai Morris, just call me Riley," pilit na ngiting pagpapakilala nito.
"Okay, sit down."
YOU ARE READING
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
