Chapter 2

512 42 4
                                        

Chapter 2

Sa nagdaan na mga araw ay naging busy kaming lahat. Lalo na at nalalapit na ang exam. Walang araw na hindi ako puyat.

"Konting tiis na lang, matatapos na rin 'to," pagkausap ko sa sarili habang nagsusulat ng reviewer sa chemistry.

"Iha, mag meryenda ka na muna," napatingin ako sa gilid ko at nakita si Manang Delia na may dalang pagkain.

"Palapag nalang po riyan, Manang, thank you po," tumango naman ito at pagkalapag ng pagkain ay lumabas na rin agad.

This is it, hell week is coming.

"Tomorrow is the final exam, kaya hindi na muna ako magtuturo at bibigyan ko kayo ng chance na makapag-review pa sa ibang subject," napahiyaw naman ang lahat dahil roon.

"Shh, quiet!" mataray na suway ni Miss Zulueta.

Tumahimik ang lahat at nagsimula nang mag-review.

Nang araw din na iyon ay hindi ako natulog at buong magdamag na nag-review.

Dumating na ang araw ng exam at laking tuwa ko dahil lahat kami ay nakapasa. Maliban kay Rence na umiiyak dahil may isa siyang subject na bumagsak.

"Hoy! Tumigil kana kakaiyak diyan!" naririnding suway ni Ryke. Nakita kong pinupunasan nito ang salamin niya.

"Please, please... sabihin n'yong nananaginip lang ako!" umiiyak na sabi nito. Bumaling siya kay Finn na kanina pa nakatingin sa kaniya. "Finn, sapakin mo nga ako baka panaginip lang 'to."

OA talaga nito kahit kailan.

"Tch, you're being childish, hindi ka nananaginip, bobo ka lang talaga," ani Finn.

Malakas naman kaming nagtawanan dahil roon. Maliban kay Hazze na nakatulala na naman.

Hindi ba dapat masaya siya dahil isa siya sa pinakamataas sa exam? Imbes na maging masaya dahil sa nakuhang marka, ayan, nakatulala na naman ang lalaking 'to. Ewan ko na ba rito!

Hindi ko na lamang ito pinansin at bumaling kay Rence na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. Wala namang luha, tch.

"Tama na 'yan, Rence, ano ba! Hindi lang naman 'to ang unang beses na bumagsak ka eh! Last exam natin hindi mo rin naman naipasa yung dalawang subject ba yu--" dali-dali niyang tinakpan ang bibig ko dahilan upang hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Nahihiyang tumingin siya sa mga kaibigan namin.

"U-Uh... hehe I don't know what she's talking about," pilit ngiting aniya. Tumingin pa ito sa akin at nilakihan ako ng mata.

"Ba't ka pa nahihiya sa 'min?" nagulat kami nang biglang magsalita si Hazze. Kahit pala minsan ay nakatulala siya, nakikinig pa rin ito sa pinag-uusapan namin. "We're your friends too, wala kang dapat ikahiya," seryosong sabi pa nito.

Ay, mabuting kaibigan lang ang peg?

"He's right," saad naman ni Finn. "Magtatampo kami niyan," pabiro pang sabi nito. Napakamot naman sa ulo si Rence.

Bilang bawi ni Rence ay nagpresinta siyang manlilibre raw siya. Kaya naman nandito kami ngayon nakatambay sa may park.

"Saan niyo balak magbakasyon?" Rence asked.

"Wala sa bahay lang," sagot ko.

"Same," ani Ryke.

Tumingin ako kay Hazze. Nagkibit-balikat lamang siya.

"We're going to Japan, dun muna ako sa family side ni Dad," Finn said.

Bumuntong hininga naman ako. "Mamimiss ko kayo, guys," I said sadly and looked at Hazze. Nagulat pa ako nang makitang nakatingin na pala ito sa akin.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now