Chapter 18
Halos kalahating oras na kaming nakaupo sa mahabang upuan na katabi ng puno. Kaunti lamang ang espasyo ng pagitan namin dahil kasya rito ang tatlong tao. Kalahating oras na rin siyang hindi nagsasalita. Kaya naman naisipan kong ako na ang unang magsalita sa amin.
"Bakit mo 'ko dinala rito?"
Ibinaling niya naman ang tingin sa akin nang marinig iyon. Hindi ko alam ngunit kinakabahan ako sa tuwing tinitingnan niya ako ng ganito. Hindi naman sa hindi ako komportable ngunit ayoko lang aminin sa sarili ko na parang... maraming gustong sabihin ang mga mata niya.
Napalaylay naman ang balikat ko nang ibalik nito ang tingin sa malayo.
Hilig talaga mang-snob nitong tao na 'to!
Pasiring kong inirapan ito at inilibot na lamang ang tingin sa malaking puno na katabi lang namin. Hindi ko alam ngunit bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Mukhang napansin naman iyon ng katabi ko dahil napalingon siya sa gawi ko.
"Are you okay?" mahihimigan ang pag-aalala roon.
Tumingin ako sa kaniya at dahan-dahang tumango.
"S-Sumakit lang ng konti yung ulo ko."
Dahan-dahang naningkit ang mga mata niya. Maya-maya pa ay napansin ko ang umuusbong na lungkot na makikita rito.
"Let's go, I'll drive you home--" bigla niyang sabi at tatayo na sana ngunit agad ko itong pinigilan.
Dumapo ang tingin niya sa kamay kong nakahawak na ngayon sa laylayan ng damit niya. Agad ko naman itong binitawan.
"What?" kunot-noong tanong niya.
"Uuwi na tayo agad?"
Mukhang hindi niya inaasahan ang tanong ko.
Napalunok ako. "I-I mean hindi ba puwedeng kahit mamaya nalang? S-Sayang yung pagpunta natin dito kung aalis rin tayo a-agad..."
Hindi siya nagsalita. Nakatingin lamang siya sa akin nang bigla niyang iiwas ang tingin niya at ibaling ito sa kung saan. Nanatiling kunot ang noo nito.
"Are you sure?" tanong niya. Nakatingin lamang sa malayo habang nakapamulsa.
Tumango ako kahit na alam kong hindi niya makikita.
Ilang minuto pa ang itinagal nang pagtayo niya sa harapan ko nang ibalik nito ang tingin sa akin at bumuntong-hininga. Maya-maya pa ay bumalik muli ito sa pag-upo.
"Alam mo..." humarap ako sa kaniya. "Hindi ako komportable kapag ganitong tahimik."
Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.
"Kahit may sabihin ka manlang sa akin na kahit ano," pagkasabi non ay yumuko ako. Nahihiyang salubungin ang mga tingin niya. "H'wag lang yung ganito na tahimik..." pabulong ko pang sabi.
Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. Hindi pa rin nagbabago ang nagtataka nitong tingin.
Tumikhim ako.
"Sige, ganito nalang, tatanungin kita... tapos ay puwede ka ring magtanong ng kung ano basta 'wag lang yung masyadong personal," hindi ko pinansin ang mga tingin niya. Sa halip ay nag-isip na lamang ako nang itatanong sa kaniya.
Ano ba ang puwedeng itanong sa kaniya? Saan siya dati nag-aaral bago siya napunta sa IIS? Bakit wala siyang mga kaibigan kahit isa manlang? Puwede ba 'yon? Ay 'wag na! Baka hindi niya pa magustuhan!
"If someone ask you..."
Ganoon na lamang ang gulat ko nang magsalita siya!
"What is the best moment that happened in your life?" sinalubong niya ang tingin ko. "What would you say and why was that?" pagkasabi non ay inilihis niya rin ang tingin sa akin.
YOU ARE READING
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
