Chapter 14

261 24 0
                                        

Chapter 14

Inirapan ko ang katabi ko nang makita itong nakangisi sa akin.

Urgh! Papansin talaga kahit kailan!

Simula noong nahuli niya akong umiiyak at nakausap rin nung araw na 'yon ay masyado na siyang naging feeling close sa akin.

Mas okay na yung tahimik pa siya kahit minsan nakakatakot... pero yung ganito? Baka mag-isip ng kung ano-ano ang mga kaklase namin. Lalo na ang mga kaibigan ko. Baka ma-issue kami!

Bigla kong naalala noong nahuli niya akong sinusundan ko siya. Mariin akong napapikit. Sana nakalimutan niya na 'yon, huhu. Nakakahiya ka, Czerina!

"Puwede ba tumigil ka nga kakatanong!" tumingin ako sa kaniya. "Kung hindi mo makita yung screen mas maganda kung doon ka sa tabi ng lecturer at ikaw ang maglipat ng presentation para sa laptop ka mismo nakaharap," iritado kong sabi. "Hindi yung puro ka tanong riyan kung ano ang nakasulat sa screen!" bulong ko pa.

Sa haba ng sinabi ko ay wala akong nakuhang response mula sa kaniya.

Nakakahiya yun ah! Ang haba-haba ng dialogue ko tas wala manlang siyang sasabihin kahit isang word manlang?

Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng konsensya. Para namang sobrang sama ko na kung pati ang notes ko ay ipagdadamot ko?

Itinapat ko sa harapan niya ang notebook ko. Taka naman itong tumingin sa akin.

"What's that?" walang-emosyong tanong niya.

Umirap ako. "Notebook."

Sumeryoso ang mukha niya dahilan para mapatuwid ako sa ikinauupuan ko.

"Makitingin ka nalang sa notes ko habang nagsusulat ako," nagulat naman siya sa sinabi ko. Para hindi niya bigyan ng meaning ang pagiging mabait ko sa kaniya ay tumikhim ako. "H'wag kang mag-isip ng kung ano riyan. Nakokonsensya lang ako kung hahayaan lang kita diyan na hindi makapagsulat nang dahil sa 'kin."

Nainis naman ako nang ngumisi na naman ito.

"Nagbago na pala isip ko," ilalayo kona sana ang notebook ko sa kaniya nang hawakan niya ito dahilan para hindi matuloy ang pagkuha ko rito.

"Let me take a look on your notes," tumingin ako sa kaniya ngunit seryoso na ang itsura nito. "Please," sambit niya pa. Hindi ko na ito pinansin pa at inilapit na lamang sa kaniya ang kabilang page ng notebook ko. Mabuti na lamang at sa kanang bahagi na ako ng notebook ko nagsusulat. Malaya siyang makakatingin sa kaliwang bahagi ng notebook ko at makakakopya ng maayos roon.

Muli akong tumingin sa harapan para ipagpatuloy ang pagsusulat. Natapos ang talakayan nang ganoon ang sitwasyon namin. Habang nagsusulat ako ay nakikitingin siya sa notes ko upang doon kumopya. Minsan naman ay hinihintay ko pa itong matapos kapag nasulatan ko na ang buong papel at kailangan nang ilipat sa kasunod na pahina dahil hindi pa siya natatapos magsulat. Kaya naman ilang beses ko itong sinabihang bilisan niya bago pa ilipat ng lecturer namin ang presentation. Dahil pareho kaming hindi makakapagsulat kapag nangyari 'yon.

Hindi ko alam pero sa mga sumunod na araw ay nagiging komportable na rin ako sa presensiya niya. Maybe because I saw the other side of him—na hindi lang pala ito masungit dahil mas makikilala mo siya ng lubusan once na makausap mo na siya ng pormal. 'Yon lang, nakakainis ang pagiging mapang-asar niya. Siguro hahayaan ko na lamang siyang makipag-close sa 'kin. Tutal wala siyang ka-close sa mga kaklase namin. Kawawa naman, haha. Oo tama, yun lang 'yon.

Dumating na rin ang araw na pinansin na ako ni Hazze. Kasalukuyan kaming nandito sa coffee shop. Bigla niya akong tinawag kanina pag-uwi at inaya papunta rito.

Sasabihin niya na ba ang dahilan nang hindi pagpansin sa 'kin?

Tumingin ako sa kaniya na katapat ko ngayon. Nakatitig lamang ito sa kape na nasa harapan niya habang nakakunot ang noo. Mukhang malalim ang iniisip niya.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora