Chapter 4
Kinabukasan, pagkarating ko sa parking lot ng school namin ay nakita ko si Hazze na kakababa pa lamang sa sasakyan niya.
Dali-dali ko namang pinark ang kotse ko at hinabol siya.
"Hazze!"
Napalingon naman ito kaya agad akong lumapit.
"Sabay na tayo."
Tumango lang siya at hindi na sumagot.
Ay, parang wala sa mood?
Sabay kaming umakyat papunta sa room namin. Pansin ko naman ang pananahimik niya kaya hindi na napigilan ng bibig ko na magtanong.
"You okay?" nag-aalalang tanong ko.
Tumingin siya sa 'kin at tumango bilang sagot. Ginulo pa nito ang buhok ko at bahagya ko namang hinawi agad ang kamay niya. Natawa naman siya.
Hanggang sa makarating na kami sa may pintuan ng room ay hindi na talaga ito nagsalita pa.
"Choose one of your classmates that you wanted to be your partner for this activity. And make sure to present it next week. Class dismissed."
Nag-aayos na 'ko ng gamit nang biglang may kumalabit sa 'kin. Tumingin naman ako rito.
"May partner kana?" Hazze asked.
Tumango ako. "Si Riley."
Nagtaka naman siya. Tinuro niya ang likuran ko, tiningnan ko naman ito at nakita kong kausap ni Riley si Rence. Tumatawa pa sila na parang may nakakatawa sa pinag-uusapan nila.
"Naunahan kana ni Rence," he chuckled.
Napangiwi naman ako.
Nasa parking lot na kami nang biglang may umakbay sa 'kin. Si Riley.
"Hey, are you mad?" tanong niya.
Tumingin naman ako rito, nakita kong naka-pout na siya. Umiling ako.
"Hindi mo 'ko pinapansin eh," parang malungkot niyang aniya.
"Sabi mo kasi ay lagi tayong magka-partner kapag may mga pa-activity, hmp," kunwaring nagtatampong saad ko.
"Eh?" napakamot siya sa ulo. "Ayaw mo bang ka-partner si Hazze?" nagtatakang tingin ang ipinukol ko sa kaniya nang bigla niya akong sikuhin.
"Bagay kayo," she whispered dahilan para manlaki ang mga mata ko.
"Shut up," namumulang sabi ko. Humalakhak naman siya.
"Next time na lang, nakakahiya kasing tanggihan ang kaibigan mo."
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.
Nagtaka naman siya sa naging reaksyon ko. "Why?"
"Do you like that jerk?"
Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko.
"W-What? N-No!" malakas niya akong hinampas sa braso.
"Aray! Kailangan talaga manakit?" angil ko. "Ba't nauutal ka--" tinakpan niya ang bibig ko.
Nginuso niya naman ang nasa likuran namin.
"Marinig ka nila! I'll kill you!"
Napairap na lamang ako.
"OA," I uttered. "Wag si Rence, nako! Sinasabi ko sa 'yo, babaero 'yang lalaki na 'yan!" Hindi naman siya nagsalita at nanguna na. Humarap pa muli ito sa 'kin at kumaway. "Bye!"
Tumango naman ako at kumaway pabalik.
"Saan natin gagawin yung activity?" nagulat ako nang biglang sumulpot si Hazze sa tabi ko.
YOU ARE READING
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
