Chapter 15
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Pagkamulat na pagkamulat ng mata ay kinuha ko kaagad ang phone ko na nasa left side ng kama ko.
Muli kong binasa ang huli niyang mensahe.
From: annoying af
I think he's hiding something from you.
Napabuntong-hininga ako.
Hindi ako nakatulog dahil sa mensahe niya na 'yon.
Hazze is hiding something? Napailing ako. Kung mayroon man ano 'yon?
Napasigaw ako nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Pagtingin ko ay nakita ko si Mommy. Natawa naman ito sa itsura ko. Paano kasi ay nakahawak ako sa dibdib ko dahil muntik na akong atakihin sa gulat.
"Nagulat ba kita? Sorry," pumasok ito at umupo sa kama ko. Bumangon naman ako at umupo na rin. Kinusot-kusot ko pa muna ang mata ko upang tignan kung may muta ito—meron nga sa isang mata. Agad ko namang pinagpagan ang daliri kong may muta.
"Gusto mo bang sumama mamaya?" napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya.
Nagtaka naman ako.
"Saan po, Mommy?"
Ngumiti ito. "Birthday ni Tita Carol mo."
Nagulat naman ako.
"Ngayon po?" gulat kong tanong.
She nodded.
"Mamaya ang celebration, 5 pm," ngiting aniya. Humalik pa muna ito sa noo ko bago tumayo.
"Mag breakfast kana, may pupuntahan lang ako." aniya pa. Tumango naman ako.
Pagkatapos rin non ay bumaba na ako para mag-agahan. Nang magtatanghali na ay nagulat ako nang biglang kumatok si Manang Delia sa kuwarto ko.
"Manang, bakit po?" tanong ko nang sumilip ito.
"May naghihintay sa 'yo sa baba, iha, kaibigan mo raw."
Magsasalita pa sana ako para tanungin kung sino ngunit isinara na nito ang pintuan.
Nangunot naman ang noo ko. Kaibigan? Kung may kaibigan man akong palaging pumupunta rito yun ay si... Erase! Erase! Imposibleng mangyari 'yon!
Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kaba. Hindi naman siguro siya diba? Sana hindi siya.
Isinara ko na ang cabinet ko at inilagay sa kama ang damit na napili ko na susuotin para mamaya sa birthday party ni Tita Carol. Pagkatapos ay bumaba na ako habang paulit-ulit kong hinihiling na sana ay hindi ang taong nasa isip ko ang naghihintay sa akin sa baba.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kung sino 'yon.
Si Ryke.
Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng pagkailang nang magtama ang mga mata namin. Bakit siya nandito? Napansin kaya niya ang hindi namin pagpansinan ni Hazze? Kung oo man ano naman ang sasabihin niya sa akin? Pagbabatiin niya ba kami?
Naputol ang pag-iisip ko nang marinig itong tumikhim. Dahilan para ngumiti ako nang pilit at kunwaring nagtaka kung bakit siya nandito.
"Ryke?" kunyari kong gulat na sabi. Good job Czerina, p'wede ka nang maging actress! "B-Bakit ka nandito?" mariin akong napapikit nang pumiyok ako. B'wisit! Okay na sana eh!
Natawa naman siya. Kainis! Pumunta ba siya dito para lang mang-asar?
Sinamaan ko ito ng tingin. Napatuwid naman siya ng tayo. Itinuro ko sa kaniya ang malaking sofa para doon umupo. Nang makaupo na ito ay umupo narin ako paharap sa kaniya.
YOU ARE READING
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
