Chapter 17

253 26 0
                                        

Chapter 17

"Morris," napaangat ng tingin ang lecturer nang walang nagsalita.

"Absent na naman?" mataray nitong tanong.

Sumagot naman ang secretary namin.

"Yes po, Miss."

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Isang linggo na rin ang nakalipas mula no'ng birthday ni Tita Carol. Napasulyap naman ako sa upuan ni Riley. Halos apat na araw na itong hindi pumapasok. Hindi rin siya sumasagot sa mga tawag at text ko.

Bakit kaya?

Kahit si Hazze... simula no'ng huli naming pag-uusap ay hindi ko na ito nakita pa muli. Hindi na ito pumapasok. Kahit alam kong wala akong nagawang mali pakiramdam ko ay may kinalaman ako kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to. Bakit pakiramdam ko lahat ng malapit sa akin ay may tinatago mula sa akin?

Napasigaw ako nang biglang may kumalabog. Pagtingin ko sa harapan ay masama na ang tingin sa 'kin ng lecturer namin.

"MOYER!"

Agad naman akong napatayo at nahihiyang sinalubong ang nanlilisik niyang tingin.

Shit! Tinatawag na pala ako!

"S-Sorry po, Miss. P-Present po," napapalunok na sabi ko.

Uupo na sana ako nang magsalita ito.

"Sinabi ko na bang puwede ka nang umupo?" mataray niyang tanong.

Tatayo na sana ulit ako nang biglang humarang ang kamay ng katabi ko. Dahilan para hindi matuloy ang pagtayo ko.

Tumingin ako sa kaniya. Seryoso lamang itong nakatingin sa lecturer.

Nangunot ang noo ko nang dahil doon. "Huy, ano bang ginagawa mo—"

Bigla siyang tumingin sa akin. Napalunok naman ako. Ano na naman bang trip niya?

Mas lalo akong nagulat sa sinabi nito.

"Huwag kang tatayo," seryoso niyang utos. Walang ibang makikita sa mukha nito kundi ang pagiging seryoso roon.

Mukhang narinig naman ito ng lecturer.

"Mr. Federico? May problema ba?" hindi pa rin nawawala ang mataray nitong boses.

Tumingin naman ang lalaki sa lecturer.

"She's not feeling well that's why she didn't hear you," tumingin siya sa 'kin. "She's not with herself today." aniya pa. Nagulat naman ako.

"Miss Moyer?" tawag ng lecturer. Dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Pagtingin ko rito ay nakita ko sa mga mata niya na gusto niya nang humingi ng sorry. "Is it true? You're not feeling well?" mahihimigan ang pag-aalala sa boses nito. Nawala na ang pagtataray roon.

Tumingin naman ako sa katabi ko. Deretso itong nakatingin sa akin. Medyo umangat pa ang isang kilay nito na tila sinasabing umoo na lang ako.

Napalunok naman ako at nakayukong tumango bilang sagot.

"Who's the president?"

Nagtaas naman ng kamay ang president namin na si Raya. "Ako po Miss."

Tumingin sa kaniya ang lecturer. "Go to clinic with her," ibinalik niya ang tingin sa 'kin. "Magpasama ka sa kaniya."

Tumango ako at pilit na ngumiti.

Bago pa ako sumunod kay Raya ay tiningnan ko naman ng masama ang katabi ko. Umangat ang isang kilay nito nang makita ang masamang tingin ko.

Pero mas okay 'yung ginawa niya diba? Nabawasan kahit papano yung kahihiyan ko. Napabuntong-hininga ako sa sarili. Ikaw talaga, Czerina! Tinulungan kana nga ng tao eh!

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now