Chapter 13

269 25 0
                                        

Chapter 13

"Gumising na ba siya?" tanong ko kay Ryke. Silang dalawa ngayon ni Rence ang nandito sa hospital para bantayan si Hazze. Kasalukuyan raw na may tinitignan ang mga doctor sa mga apparatus na nakakabit sa katawan ni Hazze. Apat na araw na ang nakakalipas matapos mangyari ang insidente ngunit hindi parin ito nagkakamalay.

Napalaylay naman ang balikat ko nang umiling ito.

Bumuntong-hininga pa muna ito bago nagsalita.

"Nag-aalala na kami sa lagay niya, Czer, ang ipinagtataka ko pa ay kung bakit noong dinala lang siya rito sa hospital bumisita ang Mommy niya." napatingin naman ako sa kaniya. Nagtataka. "Pagkatapos non, hindi na raw pumunta rito yung Mommy ni Hazze. Buti nalang yung tita niya yung nagbabantay sa kaniya kapag walang magbabantay kay Hazze." aniya pa.

Binalingan ko naman ng tingin si Rence. Halos nakatulog na ito habang pilit na isiniksik ang sarili sa maliit na upuan. Ibinalik ko rin kaagad ang tingin ko kay Ryke.

"Alam niyo ba ang dahilan kung bakit hindi na pumunta pa rito yung Mommy niya?"

Umiling siya.

"Hindi nabanggit ng tita ni Hazze sa 'min eh, basta nung malaman niyang hindi bumibisita yung Mommy ni Hazze pinauwi na kami ni Rence at sinabi sa 'min na siya na raw magbabantay."

Napabuntong-hininga naman ako.

Nang madala dito si Hazze sa hospital ay napagdesisyunan naming apat na salit-salitan kaming magbabantay sa kaniya. Noong unang araw ay sina Ryke ang nagbantay sa kaniya, kahapon naman ay kaming dalawa ni Finn. Hindi ko rin naman inisip pa ang hindi pagpunta ng Mommy ni Hazze dahil nung kami ni Finn ang nagbantay ay hindi ito dumating. Ang inaakala ko lamang ay busy ito at may tinatapos lang sa trabaho... pagkatapos ay pupunta siya rito sa hospital para bisitahin ang anak. Ngayon ko lang nalaman na hindi na pala talaga pumunta pa rito ang Mommy niya.

Sabay kaming napatingin sa pintuan nang biglang lumabas mula roon ang doctor. Agad naman akong lumapit dito. Naramdaman ko namang sumunod si Ryke.

"Kamusta po yung kaibigan namin?" kinakabahang tanong ko.

Inayos pa muna nito ang salamin bago nagsalita.

"Okay na ang lagay niya, hintayin nalang natin siyang magising." nakangiting sambit nito. Dahilan para makahinga ako ng maluwag.

Nang makaalis na ang doctor ay saka kami pumasok sa kuwarto ni Hazze. Mahimbing parin itong natutulog. May dumaang sakit muli sa dibdib ko nang dumapo ang tingin ko sa mga apparatus na nakakabit sa kaniya.

He doesn't deserve this. Magbabayad ang gumawa nito sa kaniya.

"Czer..."

Napalingon ako kay Ryke na nakatingin na pala sa 'kin. Yumuko ito at tumingin sa kamay ko. Dahilan para sundan ko ang tingin niya. Nakakuyom na pala ang dalawa kong kamay. Marahil sa sakit at galit na nararamdaman ko dahil sa sinapit ng kaibigan namin.

Namalayan ko na lamang na pinupunasan na ni Ryke ang pisngi ko na nabahiran na pala ng luha.

"Mag-aalala lang si Hazze pag nakita kang ganito," bulong niya.

Hindi ko na napigilan pa at sumiksik na ako sa dibdib niya para doon pigilan ang paghikbi na kanina pa gustong lumabas.

"Shh... He'll be okay," he whispered. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang kamay niyang unti-unting hinahaplos ang ulo ko.

Nagising ako sa tawanan at asaran na maririnig sa buong kuwarto. Pinunasan ko pa muna ang mata ko bago inilibot ang tingin ko. Nakita kong nagtatawanan sina Rence at Ryke. Mukhang nag-aasaran ang mga ito dahil halata sa mukha ni Ryke ang pagkapikon. Bahagya pa akong nagulat nang makitang gising na rin si Hazze. Nakangiti ito habang pinapanood ang dalawa.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now