Chapter 21

228 17 0
                                        

Chapter 21

"Ano ba kasi ang ibig niyang sabihin?" inis kong bulong habang nagsusulat.

Dalawang araw na ang nakalipas simula no'ng nakausap ko si Riley. Nakiusap ako sa kaniya na kung p'wede ay bumalik na lang siya sa school namin pero tumanggi ito. Kahit raw gusto niya ay wala siyang magagawa dahil kung babalik siya rito ay babantayan lang siya ng kuya niya. Ayaw niya na raw ng gulo kaya naman kahit ayaw niya sa school na pinapasukan niya ngayon ay wala siyang magawa kundi magtiis na lamang. Nabanggit niya rin sa 'kin na tatapusin niya lang raw ang isang taon na pag-aaral dito dahil babalik na rin siya sa London para doon ipagpatuloy ang pag-aaral. Nalungkot naman ako dahil do'n.

Bigla ko na namang naalala ang sinabi niya tungkol kay Hazze. Hindi ko naintindihan ang sinabi niyang "he once killed you". Nang tanungin ko siya kung ano ang ibig niyang sabihin ay hindi na ito nagsalita pa at iniba na ang topic. Basta raw ay sundin ko nalang ang sinasabi niya na iwasan si Hazze pag nakita ito.

Kung ano-ano siguro napapanood niya. Baka sikat na linya lang sa pelikula yung sinabi niya. I sighed.

Bakit ba lagi nalang akong binibigyan ng iisipin? May sasabihin pero binibitin lang rin naman ako dahil hindi naman pala itutuloy!

Hindi ko namalayan na nahampas kona pala ng malakas ang table ko dahil sa inis. Dahilan para mapasigaw ang katabi ko.

"Ano ba Czer!" inis na suway sa 'kin ni Ryke.

"Mr. Diaz!"

Gulat kaming nag-angat ng tingin kay Miss Santos nang sumigaw ito.

"KAYONG DALAWA! STAND UP!"

Napalunok naman ako nang marinig ang malakas nitong sigaw.

Agad kaming sumunod ni Ryke. Parehong kaming napayuko.

"Anong problema Miss Moyer? Bakit bigla-bigla ka nalang humahampas diyan sa table mo?" mataray nitong tanong sa 'kin. Sinalubong ko naman ang tingin niya. Bahagya pa akong nagulat nang makita ang nakataas na nitong kilay.

Makataray naman 'to si Miss! Drawing lang naman 'yung kilay niya--

"MISS MOYER!"

"Ay puke mo--" mabilis kong tinakpan ang bibig ko.

Malakas naman na nagtawanan ang buong klase. Pati ang kasama kong nakatayo ay nakitawa rin.

"MR. DIAZ!"

Napatuwid siya ng tayo nang marinig ang sigaw ng lecturer. Nahihiya nitong sinalubong ang tingin niya.

"Y-Yes, Miss?"

"Anong nakakatawa?"

Lalong umangat ang kilay nito.

"S-Sorry Miss--"

"Umupo na kayong dalawa," tumingin siya sa 'kin. "Next time Miss Moyer kung walang magandang lalabas diyan sa bibig mo, it's better to keep it close," aniya pa. Nakataas pa rin ang kilay.

Napalunok ako dahil sa kahihiyan. "Y-Yes po, Miss."

Nagulat naman ako nang mahina akong siniko ng katabi ko pagka-upo.

"Ikaw kasi eh! Bigla-bigla ka nalang nanggugulat diyan!" paninisi niya sa 'kin.

Inirapan ko lamang ito.

"Czer, puntahan mo naman ako dito!" nagtatampong ani Riley. Natawa naman ako nang makita sa screen ang mukha niyang nagpapaawa. Bahagya pang naka-pout ang labi nito.

Tumango ako.

"Oo na! oo na! pero 'wag muna bukas kasi pupunta ako sa bahay nila Finn."

Nangunot ang noo niya. "Why? Anong gagawin mo do'n?"

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now