Chapter 10

297 32 0
                                        

Chapter 10

Unang nakapuntos ang kabilang team.

"WOAHHH! SLU! SLU! SLU!"

Kasalukuyang na kay Rence ngayon ang bola. Maya-maya pa ay pinasa niya ito kay Ryke.

Pasok.

"WOOAAH!!"

"GO! IIS!"

Makakapuntos na sana ang kalaban ngunit mabilis itong naagaw ng kabilang team.

"IPASOK MO NA!"

Hindi kami nabigo dahil naka-three points ang school namin. Dahilan para mas lalong maghiyawan ang mga tao.

Natapos ang first quarter, lamang ang school namin.

Maya-maya pa ay nagsimula na rin ang second quarter. Ipinasok na si Hazze. Nakita ko ring naghiyawan ang mga tao nang ipasok na rin ang captain ng kabilang panig.

I can now feel the excitement.

Kasalukuyang nasa amin ngayon ang bola ngunit hindi pa ito naipapasok nang biglang naagaw itong ng kalaban—naagaw ng captain ng kabilang team.

Namangha ako sa liksi nito, hindi mo rin aakalain na maaagaw niya ang bola nang gano'n kabilis.

Shoot.

"WAHHH! AYAN NA SIYA!!"

"WE LOVE YOU, VONN!!"

"ANG POGI NIYA GRABE!"

"Ayan na," rinig kong sabi ni Riley na katabi ko. Nilingon ko ito ngunit seryoso lamang itong nakatingin sa naglalaro.

Nang ibinalik ko ang tingin sa harapan ay na kay Hazze na ang bola.

Three points!

"WOAHHH! GO HAZZE!!"

"ANG POGI MO PAPA HAZZE!"

"IIS! IIS! IIS!"

Maya-maya pa ay si Hazze ulit ang may hawak ng bola ngunit halatang nahihirapan ito dahil nakabantay sa kaniya ang captain ng kabilang team dahilan para kabahan ako.

Walang kurap akong nakatingin at halos magulat nang makitang naagaw nito ang bola sa kamay ni Hazze.

Halata sa mukha ni Hazze ang pagkainis nang makuha sa kaniya ang bola.

Natapos na ang second quarter at break time na ngayon.

Lamang ang kalaban.

43-54

Mukhang matatalo nanaman ang school namin huhu!

Tumingin ako kung nasaan sila Hazze, kasalukuyan silang seryosong nakikinig sa sinasabi ng coach nila. Pagkatapos ay tumingin naman ako sa kabilang panig. Bahagya pa akong nagulat nang makitang nakatingin na pala sa akin...

Ang Captain ng SLU.

Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay kagat-labi nitong pinigilan ang ngiti at iiling-iling na nag-iwas ng tingin. Napansin naman siya ng isa niyang kaibigan na katabi niya lamang at tiningnan kung saan nakatingin ang kaibigan. Nang makita ako ay lumawak ang ngiti nito at siniko ang isa pa nilang kaibigan na seryosong nakikinig sa nagsasalita. At ayun... sinimulan na nilang asarin ang kaibigan nilang nahuli kong nakatingin sa akin.

Eh?

Maya-maya pa ay nagsimula na muli ang laro. Minsan ay naaagaw ng kalaban ang bola pero nakakabawi rin naman sila Hazze kahit papano. Natapos ang laro at ang panalo ay...

Ang team nila Hazze.

Nagsigawan ang mga tao sa tuwa. Narindi naman ako sa mga kaklase ko at hindi maiwasang matawa dahil may mga naghahampasan na naman ng mga gamit.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now