Chapter 20
Kunot-noo akong tumingin kay Ryke nang marinig ang sinabi niya. Nandito kami ngayon sa may tambayan sa school dahil vacant ang dalawang subject namin.
"You're joking, right?" pilit akong ngumiti. Ngunit halos lumaylay ang balikat ko nang umiling siya.
"Nag-transfer na siya sa ibang school," pagtukoy kay Riley. Pagkasabi non ay bumaling siya ng tingin kay Rence. Dahilan para balingan ko rin ito ng tingin. Nagulat naman ako nang makitang nakatingin na ito sa 'kin.
Umiwas agad ako ng tingin.
Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi niya sinabi sa 'min ang tungkol sa sumaksak kay Hazze.
"Czer..."
Seryoso kong ibinalik ang tingin sa kaniya nang tawagin niya ako.
I raised an eyebrow at him. "Oh?"
Nagulat naman siya at bahagyang napayuko.
"S-Sorry kung hindi ko sinabi," aniya. Hindi ako nagsalita sa halip ay deretso lang akong nakatingin sa kaniya.
"Sinabi na niya sa 'min Czer."
Nabaling ang tingin ko kay Ryke nang magsalita siya.
"Ang dahilan kung paano niya nalaman na ang kapatid ni Riley ang gumawa no'n kay Hazze..." aniya pa.
Kunot-noo akong tumingin kay Rence. Sinalubong niya naman ang tingin ko.
"Pa'no mo nalaman?"
He sighed heavily.
"Bago um-absent nang matagal si Riley nahuli ko silang magka-usap ni..." kumunot ang noo niya na tila may inaalala. "Basta yung bago rin nating classmat--"
"Cor," napatingin siya sa 'kin nang magsalita ako. "Ricorio name niya, Cor for short," saad ko pa.
Tumango naman siya. "Nahuli ko silang nag-uusap... nung una pagseselosan kona sana yung lalaki pero nang marinig ko yung pinag-uusapan nila dun ako nagulat."
Naguguluhan ko siyang tiningnan.
"Bakit ano 'yung narinig mo?" pag-usisa ko.
Napayuko siya. "Tinatanong siya ni Riley kung totoo ba na ang kuya niya ang gumawa non kay Hazze," nag-angat siya ng tingin sa 'kin. "I'm not sure pero sa tono ng pananalita ni Riley ay mukhang nung araw rin na 'yon niya lang nalaman na ang gumawa no'n kay Hazze ay ang kuya niya..." tumingin siya sa ibang gawi. "Doon na rin nagalit si Riley at nagtanong kung bakit 'yon gagawin ng kuya niya... pero yung Cor hindi na siya nagsalita pa... nakatingin lang siya kay Riley--"
"Wait," pigil ko sa kaniya. Tila naguguluhan.
"Ibig mo bang sabihin may alam si Cor? I-I mean... anong koneksyon niya--"
"Pinsan siya ni Riley."
Gulat akong napatingin sa kaniya nang marinig iyon. Matagal bago nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Omg.
"Riley told me," he continued. "After non, napansin niya ang pananahimik ko then sinabi ko sa kaniya na nahuli ko siyang kausap kasama 'yung bago nating kaklase," tumingin siya sa daliri niya at nilaro-laro 'yon. "Inungkat ko rin yung tungkol sa gumawa non kay Hazze then do'n niya na inamin na pinsan niya yung Cor."
Mabigat akong bumuntong-hininga habang umiling-iling. Hindi makapaniwala. Grabeng plot twist 'to ah! All this time wala akong kamalay-malay na pinsan niya pala 'yung ka-seatmate ko na 'yon?!
"And hindi niya manlang sinabi sa 'kin?" inis kong bulong.
Bigla kong naalala ang mukha ni Riley nung dumapo ang tingin niya sa bago naming kaklase. Mukhang nagulat siya no'ng mga oras na 'yon.
YOU ARE READING
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
