Chapter 11

288 31 0
                                        

Chapter 11

"Sino ba 'yang kausap mo?" pangungulit sa akin ni Riley.

Hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy ang pagpindot sa cellphone.

To: annoying af

How did you get my number?

Sinend ko ito sa unknown number. And yes, magkausap kami ngayon. I also named him as annoying af because he really is. Kasalukuyang kinukulit ko ito kung paano niya nakuha ang number ko. Sino ba naman kasi ang hindi magtataka? Bukod sa mga relatives ko tanging mga friends ko lang naman ang nakakaalam ng number ko.

Nag-angat ako ng tingin kay Riley. Tinignan ko ito na tila may sinusuri. Nagtataka naman itong tumingin sa akin.

"What? Bakit ganiyan ka makatingin sa 'kin?"

Inilapit ko sa kaniya ang mukha ko sabay iniangat ang kamay ko na may hawak na phone.

"May pinagbigyan kaba ng number ko?"

Tila nagulat naman ito sa tanong ko.

"What? Number mo?"

I sighed. "Yes."

"Wala naman... Saka bat ko naman ibibigay kahit kanino yung number mo?" nakataas na kilay niyang tanong. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo.

Ibinalik ko na lamang ang tingin sa phone ko. The unknown number already replied to my message.

From: annoying af

God sent it to me.

Napataas ang kilay ko dahil do'n. Naramdaman ko namang may nakikisilip sa phone ko. Pagtingin ko nakita ko si Riley na tila nakikibasa rin. Mabilis ko namang iniwas sa kaniya ang phone ko.

"Chismosa ka!" asik ko.

She crossed her arms and glared at me. "Si Vonn 'yan noh!" pang-aasar niya. Nagulat naman ako.

"What?! No!" pagtanggi ko.

Pero tila hindi ito naniwala. Maya-maya pa ay humalakhak siya.

"I knew it! Kaya pala kanina ka pa busy diyan sa phone mo eh. Ano 'yan bebe time?"

Nilakihan ko naman siya ng mata.

"Hindi nga sabi si Vonn 'to!" naiinis nang sabi ko.

"Eh, sino?" natahimik ito saglit. Nanlaki ang mga mata nito na parang may napagtanto. "Wait—don't tell me you have a boyfriend na—" Before she could say anything else I spoke.

"It's unknown, that is why I am asking you if may pinagbigyan kaba ng number ko."

Nagulat naman siya sa sinabi ko. Pinakita ko sa kaniya ang screen ng phone ko. Tiningnan niya naman ang number ng ka-text ko. Bumuntong-hininga siya.

"Hindi familiar sa 'kin yung number eh. Pano naman mangyayaring may nakaalam ng number mo eh hindi ka naman nagbibigay kung kani-kanino."

Napaisip naman ako. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong pinagbigyan ng number ko. Kahit si Vonn nung time na he asked for my number, hindi ko ito pinagbigyan.

Nandito kami ngayon sa coffee shop. Pagkatapos ng last subject namin kanina ay nag-aya si Riley na tumambay dito. Halos dalawang linggo na rin ang nakalipas simula noong nag-umpisa ang intrams. Meaning, dalawang linggo ko na ring naging ka-text mate ang unknown number na nag-message sa akin. Pero hindi siya agad nakakapag-reply. Minsan ay umaabot ng isang araw na hindi ito nakakapag-reply, kinabukasan pa siya makakapag-reply. And then he will say 'Sorry, I'm busy.'

As if namang hinihintay ko yung message niya noh!

Sa dalawang linggong nakalipas hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito tinitigilan tanungin kung paano niya nakuha ang number ko. At ngayon ko lang rin naalalang tanungin si Riley about dito.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang