Chapter 1
"Uy! Nagbibiro lang naman ako eh," panunuyo niya sa 'kin.
"Hmp, bahala ka r'yan, maghahanap na lang ako ng ibang friend," masungit kong sabi.
Nanlaki naman ang mga mata nito.
"No way!" he said and wiped my tears. "Sorry, hmm," he smiled at me while his both hands cupped my cheek.
Agad naman akong napaamo sa mga ngiti niya.
"Chipmunk, what gift do you want for your birthday?" maya-maya'y tanong ko.
Napaisip naman ito.
"Hmm... wala nama--ah alam ko na!" sumenyas ito sa akin na lumapit. Agad naman akong sumunod at lumapit sa kaniya. Bumulong naman ito na siyang ikinagulat ko.
"Sure ka?" gulat na sabi ko.
He nodded.
Naalimpungatan ako dahil sa katok na nagmumula sa pinto ng kwarto ko.
"Iha, hinihintay ka ng kaibigan mo sa baba!" rinig kong sigaw ni Manang Delia.
"Opo, pababa na!"
Dali-dali akong nag-toothbrush at naghilamos ng mukha.
Pagkababa ko ay naabutan ko si Hazze na nakatayo habang nakatingin sa mga larawan na nakasabit sa may dingding na alam kong puro graduation pictorial ko simula noong kinder. Ang iba naman ay family picture namin na kuha sa iba't-ibang bansa.
Tumikhim ako dahilan para mapatingin siya sa gawi ko.
"Kanina ka pa ba nandito?"
Pagtingin ko ay nakatingin na siya sa suot kong pantulog, hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtaas-baba ng adams apple niya. Ibinalik niya rin kaagad ang tingin sa 'kin nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya.
"Hindi naman, kadarating ko lang," tipid niyang sagot. Itinuro ko ang sofa at nakuha niya naman ang gusto kong sabihin. Umupo ito roon at kinuha ang cellphone niya. Nagsimula itong magpipindot doon.
Umupo naman ako sa tapat ng lamesa na hindi nalalayo sa sofa. Halos magkatapat lang.
"Have you eaten?" tanong ko habang nagsasandok ng kanin.
Napaangat naman ito ng tingin sa 'kin.
"Yes, don't mind me, kumain ka lang d'yan, I can wait," nakangiting aniya. Napatingin naman ito sa phone niya nang bigla itong mag-ring. "Sagutin ko lang," pagtukoy niya sa telepono. Tumango naman ako at lumabas siya ng bahay para sagutin ito.
Natapos na akong kumain pero hindi parin bumabalik si Hazze. Kaya naman sumilip na ako sa may pintuan.
"Sure, Bye," rinig kong paalam ni Hazze sa kausap niya sa phone.
Nagulat naman ito nang makita akong nakatayo sa may pintuan.
"Sino yun?"
Bumuntong-hininga naman siya bago sumagot. "Si Rence, alam mo na."
Napataas ang kilay ko.
"Nangungulit na naman? He's asking about girls again? If may irereto ka ba sa kaniya?" dere-deretsong tanong ko. Natawa naman ako nang tumango ito.
"Bakit ba palaging sayo nagtatanong yun? Kahit alam niya namang wala kang maibibigay? Baliw talaga," dagdag ko pa. Nagkibit-balikat lamang siya.
Pumasok na kami para makapagsimula na. Sa kwarto ko nalang kami mag-rereview dahil hindi pa naaayos ang study room ko.
"I still can't believe na matatapos na 'tong year na 'to, ilang months nalang Grade 12 na tayo," pagkabukas ko ng pintuan ay nakita kong nakasunod lamang siya. Narinig ko naman ang buntong-hininga niya.
YOU ARE READING
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
