Chapter 22
"H-Hazze..."
Kumurap ako ng ilang beses upang makumpirma kung siya nga ba talaga ang nasa harapan ko ngayon. Hindi ako nananaginip... si Hazze nga talaga itong nasa harapan ko ngayon.
Hindi ito nagsalita. Deretso lamang itong nakatingin sa 'kin habang walang emosyong makikita sa mukha niya. Nangunot naman ang noo ko nang mapansing malaki ang pinagbago ng itsura ng lalaki... wala ng kulay na makikita sa mukha nito at malaki ang itim sa ilalim ng mga mata niya. Pumayat rin siya.
Pinasadahan ko naman ng tingin ang suot niya.
Nakasuot ito ng itim na t-shirt at maong pants. Agad na nangunot ang noo ko nang mapansing baliktad ang suot niyang t-shirt dahil nakalitaw pa ang cloth label nito na nakalagay sa gilid malapit sa laylayan ng damit.
Ibinalik ko ang tingin sa mukha niya ngunit hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Deretso pa rin itong nakatingin sa 'kin at nararamdaman kong...
Hindi na si Hazze ang kaharap ko ngayon. Oo, siya pa rin si Hazze pero mukhang ibang tao na siya.
Hindi ko alam ngunit naging emosyonal ako bigla. Hinampas ko ito ng dalawang beses sa may dibdib.
"BAKIT NGAYON KA LANG NAGPAKITA?!" hinampas ko muli siya. A huge lump formed in my throat as I say. "A-ALAM MO BANG BIRTHDAY NGAYON NI FINN! HA!" pilit na sigaw ko pa. Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pagpatak ng mga luha kong hindi na matigil ngayon sa pagbagsak.
Nang wala akong narinig na response mula sa kaniya ay kaagad kong tinakpan ang mukha ko upang doon pigilan ang paghikbi.
"A-Alam mo ba kung gaano kaming nag-alala s-sayo..." pumiyok ako. "A-Alam mo bang--"
"Two years ago... 10th of February."
Tinanggal ko ang pagkakatakip sa mukha ko at kunot-noong sinalubong ang seryosong tingin niya nang marinig siyang magsalita.
"There was an incident that happened on the street near Iris International School around 6 pm," mas lalong nangunot ang noo ko nang hindi maintindihan ang sinasabi niya. Seryoso lamang itong nakatingin sa 'kin. "The suspect planned to run over his victim but luckily..." sarkastiko siyang tumawa. "A truck came and run over towards the suspect's car," pagkasabi non ay biglang sumeryoso ang mukha niya. "Dahilan para hindi matuloy ang binabalak ng suspek at ang sasakyan niya ang mabangga sa poste--"
"Paano mo nalaman 'yan?" putol ko sa sinasabi niya.
Bakit niya sinasabi sa 'kin 'to?
Hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip ay umiwas lamang ito ng tingin.
"Hazze..."
Ibinalik niya ang tingin sa 'kin ngunit nanatiling seryoso iyon.
"Did you know what happened to the suspect?" sarkastikong ngumiti siya. Hindi pinansin ang naguguluhan kong tingin. "Well, he was hospitalized for months and faced a severe head injury..." napalunok ako nang makita ang unti-unting pagmugto ng mga mata niya.
"T-That caused him to have a memory loss," he continued.
Nangunot ang noo ko ngunit nanatili akong hindi nagsalita at deretso lamang na nakatingin sa kaniya.
Marahan siyang tumawa. "Kaya iniwasan ko kayo... ikaw..." umiling-iling siya. "D-Dahil hindi kaya ng konsensya ko Czer..." tears streamed down his face as he repeatedly shook his head. Maya-maya pa ay napayuko na siya habang humihikbi.
Nakaramdam naman ako ng awa nang makita ang pag-iyak niya ngayon sa harapan ko. Hindi na pinansin pa ang mga sinabi niya dahil tila natulala na ako sa pag-iyak niya. Siguro ay dahil hindi ako sanay na makita siyang ganito... dahil mas sanay akong nakikitang walang emosyon ang mukha niya at ngayon ko lamang siya nakitang maglabas ng ganitong emosyon... at sa lahat pa ng emosyon ay ang lungkot at pag-iyak pa talaga ang nakita ko mula sa kaniya.
YOU ARE READING
Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)
RomanceFINDING SERIES #1 Czerina Tyleigh Moyer was happy and contented with what she has in life, she's only child--the reason why her friends mean the world to her. They're like siblings to her. Kaya naman ganoon na lamang kasakit para sa kaniya ang may m...
