Chapter 12

285 33 0
                                        

Chapter 12

"Tara na kasi!" pangungulit ni Riley at walang pangundangang hinatak ako papasok sa coffee shop.

Wala na akong nagawa kundi ang magpahatak sa kaniya. Wala na nakita na nila kami!

"Uy, si Czerina," malakas na sabi ng kaibigan ni Vonn. I forgot his name.

Napatingin naman ang lalaki sa gawi namin nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Agad naman itong ngumiti nang makita ako. Bahagya kong kinurot sa braso si Riley dahil hinahatak pa rin ako nito papalapit sa kanila. Gosh, hindi ba siya nahihiya huhu!

"Hi, guys," bati ni Riley nang nasa harapan na nila kami.

Ngunit si Vonn ay nakatingin lamang sa akin dahilan para mailang ako. Siniko naman siya ng kaibigan niya, habang ang isa naman ay kinuhanan kami ng upuan at pinaupo.

"T-Thanks" pilit na ngiting sabi ko at umupo sa tabi ni Vonn.

Tumingin naman ito sa akin. Nahihiya.

"U-uh oorder pa kami... what do you guys want to have?" he asked. Tatayo na sana siya nang pigilan ko.

"No, o-okay lang—" Riley interrupted me.

"Just one butter croissant bread and a classic boba cheesecake please," siniko ko siya. Tiningnan niya naman ako nang nagtatanong na tingin. "What?" bulong niya.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng katabi ko.

"It's okay, don't worry, it's my treat." ani Vonn dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Ikaw? May gusto ka bang kainin?" tanong nito sa akin nang magtagpo ang mga mata namin.

"U-uh... just one cup of classic coffee."

Tumango naman ito.

Tumayo na sila kasama ang iba niyang kaibigan dahilan para maiwan kaming dalawa ni Riley.

"Ang KJ mo girl!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Nakakahiya ka talaga kahit kailan!" angil ko.

She sighed. "This is it, Czer... to know the truth," bulong niya.

Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya. Inginuso niya ang cellphone ko. Nang hindi ko parin makuha ang gusto niyang sabihin ay bumuntong-hininga muli ito.

"May nag-tetext sayo for almost two weeks right? And gumugulo sa isip mo na may tyansang si Vonn 'yon?" I nodded. "Then, i-text mo ngayon tas tignan mo si Vonn, baka mahuli mo."

Napa-oh naman ako. Tumingin ako sa gawi nila Vonn. Busy itong nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya.

Tama si Riley. This is my chance para alamin kung si Vonn nga ba talaga ang nakakausap ko!

I took a deep breath as I pulled my phone out of my pocket and swiped it to open the screen. Dali-dali akong pumunta sa chat box.

To: annoying af

Hey, what are you doing today?

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nag-reply ito kaagad!

Tumingin naman ako kung nasaan si Vonn. Hindi ito nagseselpon bagkus ay nakikipagtawanan pa rin ito sa mga kaibigan niya. Ibinalik ko ang tingin sa phone ko.

From: annoying af

Just doing some stuff, miss me already huh?

Hindi ko na ito ni-replyan pa at ibinalik nalang ang phone sa bulsa ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakatingin na pala si Riley sa akin, tila hinihintay ang sasabihin ko.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now