"W-What do you mean?" putol ko sa sinasabi niya.

Pekeng ngumiti siya. "But you're lucky because someone saved you... again--"

Malakas ko siyang sinampal.

"Who told you na nakaligtas ako sa insidente?!"

His eyes widened in surprise, clearly not expecting and was taken aback by what I've said.

"H-Hindi ka nakaligtas--"

Umiling ako bilang sagot.

Biglang namang bumalik sa ala-ala ko ang nangyari dalawang taon na ang nakakalipas. Ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ko... but when the next day came... the incident happened.

"Lakas ng trip kanina ni Rence, binaboy yung papel ko!" malakas na reklamo ni Ryke.

Tatawa-tawang tumingin naman si Rence sa kaniya.

"Binawian lang kita tanga! Binaboy mo rin papel ko dati nung nag-check tayo ng quiz sa Math!" angil naman niya.

Nagtatakang tumingin sa kaniya si Ryke na parang may inaalala ngunit agad ring napadaing ng pabiro siyang sapakin ni Rence sa braso.

"Aray naman!"

Pinandilatan siya ng mata nito.

"Huwag mong sabihing nakalimutan mona!"

Ngumiti naman ng nakakaloko si Ryke.

"Hehe--"

Mabilis siyang nakaiwas sa kamao ni Rence na balak na naman siyang patamaan.

"Oh! Tama na! Masakit na yung kanina!"

Pagkatapos non ay nagsimula na silang magbangayan dahil ang reklamo ni Ryke ay mas malala raw ang pagkababoy na ginawa ni Rence ngayon sa papel niya kesa sa ginawa niya sa papel nito.

Natawa na lamang ako.

Kasalukuyan na kaming palabas ng school. Absent si Finn ngayon dahil may lagnat ito. Nang makarating na sa parking lot ay nagpaalaman na kami.

"Bye! Ingat kayo!" sigaw ko pabalik at sumakay na ng kotse.

Nakasakay na ako sa loob nang biglang mag-ring ang phone ko. Ini-start ko na ang engine ng sasakyan ko nang sagutin ko ito.

"Anak, what time uwi mo?"

Sinulyapan ko pa muna ang katabing sasakyan sa likuran upang hindi ito masagi. Nang maayos nang nakabwelo ay iniliko kona ito palabas ng parking lot.

Pagkatapos ay ibinaling ko muli ang tingin ko sa phone ko.

Daddy is still on the line.

"Ngayon po Dad, pauwi na po."

Iniliko ko ang kotse pakanan. Nang makaliko ay muli kong ibinalik ang tingin sa phone ko at agad na nangunot ang noo nang hindi sumagot ang nasa kabilang linya.

"Dad?"

Maya-maya pa ay narinig ko ang buntong-hininga niya.

"Please take care, honey..."

Napangiti naman ako. God, I missed him.

"Yes Daddy, I love you po."

"I love you too, anak," pagkasabi non ay ibinaba niya na rin ang tawag.

Ibinalik ko naman ang tingin sa harapan at agad ring napasimangot nang makitang hindi umuusad ang mga sasakyan sa harapan ko ngayon. Maya-maya pa ay nakita kong lumabas ng kotse ang isang driver at sinugod ang taxi na kasalukuyang nakahinto lamang dahilan upang hindi makaandar ang iba pang mga sasakyan sa likuran.

Finding My Way to Look After You (Finding Series #1)Where stories live. Discover now